#3 Pagtatagpo

5 0 0
                                    

Unang araw sa school ay sabik na sabik ako pumasok dahil alam kong makikita ko ang tumulong sa akin na babae. Alas kwatro palang ng madaling araw ay nag gagayak na ako at dali-daling umalis pagkakain ng almusal. Saktong 6 ay nakarating ako sa school, ka agad ko ding hinanap ang room ko. Noong nakita ko na ay binaba ko ang aking bag at umalis muna at nag lakad lakad dahil 7:20am pa naman ang umpisa ng aming klase. Nakita ko ang canteen at bumili muna ako ng Rebisco dahil paborito ko ito, at upang hindi na din ako bumaba ng aming building sa recess sadyang may kalayuan kasi ang canteen sa room namin. Laking gulat ko na nakita ko ang babae na tumulong sakin at bigla niya akong nginitian. Paalis na dapat ako ng canteen pero ina antay ko siya upang mag pasalamat muli sa kanya at gusto ko din na malaman ang kanyang pangalan. Papalapit na sana ako sa kanya ngunit dumating ang kaibigan niya na kaklase kong matalino noong elementary na si Natasha. "Amor andyan na si maam bilisan mo na bumili at ma l late na tayo" malakas na pagkakasabi ni Natasha. "Amor pala ang kanyang pangalan? kasing ganda ng mukha niya ang pangalan niya hindi kaya may lahi siyang Spanish" pagtataka ko. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na ako mismo ang magtanong ng pangalan niya ay narinig ko naman ito at kaya pala kasama niya si Natasha ay nasa Section A sila, ito kasi ang section ng mga matatalino. Pauwi na ako galing school pero bago muna ako sumakay ay dumaan muna ako sa 7/11 sakto at nandun si Amor. Sinulit ko na ang pagkakataon, bumili ako ng isang C2 imbis na bilhin ko ang paborito kong Delight ibibigay ko kasi kay Amor ang C2 kahit na wala akong kasiguraduhan na magugustuhan niya ito. Sinulatan ko din ito ng pagpapasalamat sa kanya at noong dumaan ako sa kinauupuan niya ay habang naglalakad ako, pasimple ko itong nilagay sa lamesa niya. Hindi ko na siya kinausap dahil parang matutunaw ako sa hiya. Pagkauwi na pagkauwi ko ay naka tanggap ako ng mensahe mula sa kanya sa Instagram halos parang naka kita ako ng multo sa gulat. Nagtataka ako kung pano niya nalaman ang account ko. Nakalagay sa mensahe niya na "Salamat Eos sa C2 sakto at paborito ko ito sayang at hindi mo ito harapan na binigay sa akin upang makapag pasalamat sana sayo at sa susunod ingatan mo yang salamin mo para hindi na mabagsak, mahal pa naman ang pag papagawa niyan dahil napansin kong mataas ang grado ng salamin na suot suot mo". Napansin nalang ni mama na nakangiti ako sa harap ng cellphone ko at ano daw ba ang dahilan kung bat parang kinikilig ako pero sinabi ko nalang na mataas kasi ang nakuha kong score kanina sa math at naniwala naman si mama dito. Alam kong hindi dapat ako kiligin kay Amor pero bat parang hindi ko mapigilan, noong nag chat muli siya ay nais niyang makipag kaibigan sa akin ka agad din naman akong pumayag inaaya niya din kasi akong makipag kita sa kanya bukas school upang makapag usap kami. Kahit na ako ay kinakabahan ay kailangan ko din itong gawin para mapalapit din kami sa isa't isa.

If Only Loving You Wasn't A SinWhere stories live. Discover now