See the picture of Siopao (sa taas) ^
-----------------
Blake's POV
Damn! Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa isang bayan sa sagada pero punuan ang mga hotel. Gutom na ako tangina! Idagdag pa na wala pang tulog ang nilalang na tulad ko.
Kung bakit naman kasi tinopak na naman si lolo eh. Pinadala nya kaming mga apo nya sa ibat ibang bahagi ng pilipinas. Di ko alam kung ano ang pinaka-dahilan nya basta ang sinabi nya lang, na gusto daw nya pagbalik namin, may magandang aral sa buhay kaming dala.
Nakakatangina lang talaga. Pero ayos na din na dito ako napunta sa sagada di tulad ni Jax na sa mindanao pinatapon pffftt.
Sa kahahahanap ko ng matutuluyan, nakarating ako ng simbahan, pero dahil baka masunog ako sa loob, pumunta na lang ako sa park.
Naupo ako sa ilalim ng puno, pagod na ako, naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
"Walanjo, bakit ang lupit mo kapalaran?" utas ko.
Bigla akong napalingon sa batang nasa tabi ko, may kinakain syang cotton candy. Bigla akong napalunok ng sunod sunod.
"Bata pahingi naman nyang kinakain mo, gutom na gutom na ako," gusto kong matawa ng bigla nya akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Kuyang gutom, sa gandang lalaki mong yan wala kang pera?" di ko napigilan ang ngiti ko. Hindi dahil sinabi nyang magandang lalaki ako, kundi dahil sa way nya ng pagsasalita, tuwid na tuwid kasi at kung tumingin sya, deretso sa mata.
"Kapag gutom, wala agad pera? Di ba pwedeng wala lang talagang mahanapan ng makakainan?" sabi ko na lang. May kakaiba sa batang ito na alam kong madaling magugustuhan ng bawat taong kakausap sa kanya, tulad ko ngayon.
"Wag ito ang kainin mo, bukod sa di ka mabubusog, mauuhaw ka lang," sabi nya at natulala na nga ako ng tuluyan sa kanya, langya bata ba tong kausap ko?
"Yu--------" magsasalita pa lang ako ng may biglang nagsalita,
"Siopao sino yang kausa------BLAKE?"
"REA!?" halos sabay na sigaw namin.
Tangina, panaginip ba ito? Nandito din sya?
"Anong ginagawa mo dito?" sabay ulit na sabi namin.
"Hep hep sandali lang nga, magkakilala kayo ng ate Rara ko?"muli akong napalingon sa bata.
"Kakilala ko lang sya Siopao," sagot ni Rea at naupo sa tabi ng bata. Kung ganun magkapatid sila?
"Kaibigan ako ng ate mo," pagtatama ko.
"Talaga? Kelan pa?" tanong ni Rea habang binubuksan yung dala nyang tubig, inagaw ko yun at ako ng nagbukas, tiningnan ko sya ng masama pero umirap lang sya. I smiled, walang kupas maganda pa din sya kapag gumaganun.
Tiningnan ko ulit yung bata.
"Yow! Buddy, Ako nga pala si kuya Blake, sa maniwala ka o sa maniwala ka na lang talaga, kaibigan ako ng ate mo," pakilala ko sabay abot ng tubig sa kanya.
Tiningnan muna nya yun tapos tumingin din sya ate nya. Napangiti ako ng tumango si Rea, muling humarap sakin yung bata.
"Ako naman si Siopao, kapatid ng kaibigan mo," pakilala din nya at tinanggap ang tubig na nasa kamay ko.
"Favorite ko na ang siopao simula ngayon," sabi ko.
"Nice too meet you too." natawa ako sa sinabi ni Siopao.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...