3

9 2 0
                                    

"Hoy! Meeting, meeting ka d'yan—"

"Shhh." Suway ko sa kaniya, bago pa n'ya ako tuluyang maasar. Andito kami ngayon ni Reia sa cafeteria.

"Bakit nga andon ang napakabait na 'yon?" Pangungulit n'ya, habang naka-taas ang isang kilay. Nakapila kami ngayon upang bumili ng lunch, at ito namang si Reia ay kagabi pa nangungulit.

Wala na rin kaming napag-usapan ni Xia, umalis na rin s'ya at nagpaalam nang pumasok si Reia sa kwarto. Inasar pa n'ya ako, ngunit hindi ko ito pinansin kaya't nagpasya s'ya na umuwi na. Wala na rin namang ulan. Dumiretso tulog na ako, upang hindi ako kulitin ni Reia, ngunit hindi ata ako makakatakas ngayong araw.

May nakita akong chuckie sa ref, kaya't bumili ako para ibigay kay Xia, bilang pasasalamat. Wala namang ibang ibig sabihin iyon, sapagkat nagpapasalamat naman talaga ako.

"Wala, hinatid n'ya lang ako," sambit ko nang makabalik na kami sa faculty. Dito namin dinadala ang pagkain namin, dahil hindi pa sapat ang mga upuan at table na nasa cafeteria, para sa lahat ng mga estudyante. May malaking dining table sa gitna ng faculty para sa aming mga teachers na nag nanais kumain. Minsan, dito na rin nagaganap ang meeting.

"Hinatid? At bakit? Injured ka ba? Incapable ka ba to travel? To commute? Bakit kailangan ihatid aber?" Dire-diretsong tanong n'ya. Hindi makapaniwala ang tono nito, na tila ngayon lang narinig ang mabait na side ng babae. Nag buntong hininga lang ako at hindi pinansin ang mga tanong n'ya.

"She insisted. Wala akong choice, sobrang lakas na rin naman ng ulan," nagkibit balikat lang ako at tumuloy sa pagkain. Hindi parin ito naniniwala sa aking tugon, ngunit 'yon naman talaga ang nangyari.

"Alam mo, duda talaga ako d'yan kay Quenio e. Naka-uniform? Tapos bumait? Suspicious ha," tinututok pa n'ya ang kaniyang tinidor sa kawalan, habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nasa likod ko ang bintana, na naka-tabi naman sa table ko. Nilingon ko rin ang tinitignan n'ya, at nakita ko ang tatlong magkakaibigan na naglalaro ng football sa field.

Friday ngayon, at mukhang PathFit nila ngayon dahil buong klase kanina ay naka-P.E uniform. Pinagmasdan ko si Xia, at mapansin kong napaka-ganda n'ya pala kapag nakangiti s'ya at nakikipagtawanan. Halos nakasimangot o seryoso kasi ang mukha n'ya tuwing nakikita ko s'ya.

She's shining. She has a mesmerizing beauty, especially if she's laughing and having fun with her friends. Hindi ko namalayang nakangiti na rin pala ako habang naka-tingin sa kanila.

"Hoy! Malapit na pala mag time, may subject ka pa ba?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Reia. Mabuti nalamang at hindi n'ya napansing nakatitig na pala ako sa kanilang tatlo, dahil busy s'ya kumain.

"Wala na. Pahinga ako ngayon e. Mamaya baka umuwi ako samin, tutulong muna ako sa nanay ko mag gulay," tugon ko. Inayos ko na ang aking mga gamit, ngunit bago pa ako tumayo sa table ko, pumasok si Xia sa faculty.

"Ms. De Chavez," nag-angat ako ng tingin, upang tignan s'ya. Ngayon ko lang napansin na napaka-tangkad n'ya pala. Siguro dahil nakaupo rin ako.

"What do you need?" I asked. Nakatingin ito sa sahig at tila hindi masabi ang nais n'yang sabihin.

"P-p'wede bang..."

"P'wedeng what?" Tanong ko. Halata sa kanitang mukha na nag-iisip pa ito kung sasabihin n'ya o hindi.

"P'wede ka ba naming maging manager ng banda namin? Nakita ko rin kasi na tumutugtog ka, kaya naisip ko na baka sakaling matulungan mo kami sa mga files, and kapag may events ganon," pinanliitan ko s'ya ng mata, na may halong pag dududa sa aking ekspresyon.

"D-dun lang talaga. Wala akong balak na iba pa. Sapat na rason na sa'kin na gumamit ka ng iba para lang palayuin ako sa'yo," a pinch of guilt ran through my nerves dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko naman na-realize ba ganon pala naging dating sa kaniya ng nangyari kahapon.

Embracing the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon