⚠️ tw: this chapter includes heavy scenes, strong language, and suicide.
-
"Olats ka na, boi. May shota naman pala," tinapik ni Kyn ang aking balikat. Andito ako sa entrance ng bar, at nakita ko si Aerine na naka-sandal sa balikat ng isang lalaki. Akala ko nung una ay kamukha lang n'ya, ngunit ngayong nakita ko s'ya rito, dito ko na na-kumpirma.
"Siraulo," natawa ako, at umiling iling. Pumasok na muli ako sa loob, at umupo sa table namin. Dito kami sa sulok sa baba.
"Hi, Chyanne," rumatig sa'kin ang isang babae at hinawakan ang aking hita, ngunit bago pa nito himasin pataas at pinigilan ko na ito at tinanggal ang kaniyang kamay.
"Hmm? Bad mood," pinadausdos n'ya ang kaniyang hintuturo sa aking panga, hanggang sa aking labi. Hindi ko ito pinansin.
Napako ang aking paningin sa babae at lalaking magka-holding hands na pumasok sa bar. Pinanood ko kung paano sila masayang nag sasayaw sa gitna.
I clenched my jaw with the sight of a couple happily dancing at the center of the bar. I aggressively kissed the girl who keeps on asking for my attention, then we decided to continue our thing at the restroom.
"O-oh my God! I-i'm sorry!" Natigilan ako sa biglang nag salita. I saw Aerine's shocked face before the door completely closed. Tinulak ko ang babae at agad sinundan si Aerine.
"Aerine!" Tawag ko, ngunit patuloy lamang ito pagtakbo sa gitna ng mga tao. Nahirapan akong sundan s'ya dahil maraming tao ang humahara sa daan. But, I wasn't defeated. I was able to grab her arms, before she complete went out of my sight.
"Ano ba?!" Hinila n'ya ang kaniyang braso at inis na tumingin sa'kin. Andito kami sa entrance ng bar, nang tumigil ito dahil paghawak ko sa kaniya.
"T-that was nothing," depensa ko. Taka itong tumingin sa'kin at sarkastikong tumawa.
"So?" Tanong n'ya, at tinignan ako na tila hindi makapaniwala. "Ms. Quenio, wala akong pakialam kahit lahat pa ng tao rito sa bar ang kahalikan mo," prangka nitong sambit. Natulala lamang ako sa sinabi n'ya, at pumasok muli ito sa bar.
Aerine's POV
"Ang kapal ng mukha! Wala naman akong pake kung makipag-make out s'ya sa lahat ng tao rito!" Padabog akong umupo sa table namin sa taas, habang nasa likod ko naman si Ian na halata sa mukha ang pagkabitin na sumunod sa akin.
"Kunin mo na nga gamit mo. Umuwi na tayo," iritadong utos ko kay Ian.
"Inaano ba kita? Bakit bigla kang nag-aaya pauwi? Akala ko ba, 'let's dance the night away?" Natatawang tanong nito sa akin.
"Wala, wala lang ako sa mood," tugon ko. Nginisian ako nito at pabirong umismid.
"Weh?"
"Tigilan mo 'ko Christian Gregorio Aliola," natatawa itong tinaas ang dalawa n'yang kamay bilang pagsuko.
"Oo na, tara na," sambit nito, ngunit puno parin ng pangaasar ang pagmumukha.
Umalis na kami sa bar. Dinala ako nito sa isang convenience store na malapit sa amin.
"Ano bang nangyari? Bakit bigla ka nalang nag-aaya umuwi? Hindi ka naman ganiyan. Walwalan kung walwalan tayo," natatawang tanong nito. Andito kami sa mga table sa labas ng store, at kumakain ng ice-cream. Inabutan ako ng sigarilyo at sinindihan ito.
"Hanep ah, ice-cream tapos sigarilyo," saad ko at umismid.
"H'wag mong ibahin ang usapan," pangaasar nito. Nagsimula akong mag kwento tungkol sa pagpaparamdam ng babae. Mula una palang ng job interview ko, hanggang sa nangyari kanina.

BINABASA MO ANG
Embracing the Chaos
Romance"She embraced my chaos, and calmed the storms within me..."