"Ipagpatawad mo, aking kapangahasan... Binibini ko, sana'y maintindihan..." Napalingon ako sa stage nang marinig ang boses na kay sarap pakinggan. Madami ang naghihiyawan sa panimulang kanta n'ya. Bagay sa mukha n'ya ang kaniyang boses, parehas maganda at malakas ang dating.
Hinahanap ko lang ang restroom, ngunit dinala ako ng aking mga paa sa kanilang gymnasium.
"Aerine, tara na. Kanina pa kita hinahanap. Ikaw na next interview," Nag cling sa aking braso si Reia, at iginaya na ako sa library. Si Reia ay isa sa mga teacher dito, kaya't s'ya tumulong sa akin sa pag-apply rito.
"We'll call you," agad bumagsak ang aking balikat sa narinig. Nagpasalamat na lamang ako at nagpaalam. Tumalikod na ako at naglakad palabas ng library.
Bumaba ang tingin ko sa aking bag nang marinig ko ang aking phone na nag ri-ring. Nag flash ang unknown number sa screen, kaya't in-end ko lamang ito.
"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ng nag interview sa'kin.
"Hindi po, baka po scammer lang," tugon ko habang nakatingin sa aking phone. Hindi ko na nagawang lumingon sa kaniya.
"Sagutin mo, malay mo jackpot," dagdag pa nito. Taka akong tumingin muli sa aking phone nang mag ring ulit ito. This time, I answered.
"You're hired," nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Napalingon ko sa babae na nag interview sa akin. Natatawa itong nakatingin sa akin.
"Nako, salamat po, Ma'am. Prankser po pala kayo. Salamat po talaga nang marami," Masaya kong sambit habang lumalakad papalapit sa kaniya. Nakipagkamay ako sa kaniya at patuloy na nagpasalamat.
"Naks, kailan ka raw magsisimula?" Tanong ni Reia.
"Bukas agad," tugon ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa gymnasium. May event pala ngayon, kaya't lahat ng estudyante ay naririto. Inaya ako ni Reia na manatili muna, dahil marami raw performance na hinanda ang mga bata.
"Sino 'yung kumakanta kanina?" Kanina pa s'ya hindi mawala sa isipan ko, kaya't napatanong na rin ako kay Reia.
"Sino pa ba? Edi ang sakit sa ulo na apo ng Presidente ng school. Ewan ko ba, mabait naman si Ma'am Pina, pero 'yon? Nako, ang hirap pakisamahan, napaka-pilosopo," natawa ako sa paraan ng pag kwe-kwento ni Reia, inis na inis ito at may pag-irap pa habang nag kwe-kwento.
"College?" Tumango si Reia.
"Good luck, sana mahaba pasensya mo dahil magiging estudyante mo s'ya," dagdag pa n'ya. Pinaupo ako ni Reia sa unahan, kung saan naka-upo ang ibang teachers. Nasa kanan ko si Reia, at nasa katabi rin n'ya ang isang lalaki. Malapad ang ngiti ang binigay sa akin nung lalaking teacher, at ginantihan ko lamang ito ng tipid na ngiti.
"Reia, saan ang restroom?" Bulong ko kay Reia. Tinuro nito ang dulong bahagi ng gymnasium kung nasaan ang restroom.
"Hi," nagulat ako dahil sa lalaking bumati sa akin dito sa tapat ng pinto ng restroom ng babae.
"Fuck off, Alfred," walang emosyong sambit ng babaeng papasok pa lamang sa restroom. "She's mine. Subukan mong gumawa ng mali, miski tignan s'ya, malilintikan ka sa'kin," galit na sambit nito sa lalaki. Tinaas nung lalaki ang dalawa n'yang kamay bilang pagsuko, at tuluyan nang umalis.
"Excuse me," aniya.
"H-huh?" Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya.
"You're blocking the way," inis na tugon nito. Napabalik ako sa reyalidad, at agad tumabi.
"S-sorry," umirap lamang ito, at tuluyang pumasok sa restroom.
"Okay ka lang?" Tanong ni Reia. Tahimik akong umupo sa tabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Embracing the Chaos
Algemene fictie"She embraced my chaos, and calmed the storms inside me..."