Chapter 1

1.1K 29 1
                                    

"Oh, that's nice. Wow." He amazingly reacted. "Imagine, ang gwapo mo na and now you also had a successful job." Dagdag pa niya.

Nakahalukipkip ako sa likuran ng kinatatayuan niya.

"At dahil diyan mukhang bagay tayo. Maganda ako tsaka gwapo ka. O diba perfect!" He exclaimed.

Tumikhim ako. Pero hindi niya pinapansin. The guy that he is talking to seemed uncomfortable. Pasulyap sulyap ito sa akin. And he smiled shyly.

Tumikhim na naman ako para kunin  ang atensiyon ng malanding to na kung makatitig sa kaharap niya ay akala mo pagkain na masarap kaya takam na takam.

Dahil parang tanga na akong tikhim ng tikhim dito at hindi pa rin niya ako pinapansin kaya...

"What would life be if we're married." He dreamily said.
The guy that he is talking to just chuckled awkwardly. Napairap ako ng bongga.

"Your's will be in heaven while him will be in hell." Sabat ko at saka na ako lumipat sa tabi ng lalaking kausap niya. Agad naman niya akong tinignan at rumehistro sa mukha niya ang pagkadisgusto. He even rolled his eyes on me.

"Pasensiya na sir if he makes you uncomfortable. Please enjoy your meal sir." Hinging paumanhin ko at saka ko na binalingan yung taong nangugulo na naman sa resto ko or the person that is making my customer uncomfy. Hinawakan ko ang braso niya at saka ko na siya hinila papalayo doon.

"Ano ba Sorn." Angal niya. "Bakit mo ba ako hinahawakan maya niyan mahawaan ako ng kachakahan mo." Dagdag pa niya. Kaya ayun binitawan ko na siya at saka ko siya hinarap. Pinunasan niya gamit ang palad niya ang braso niyang hinawakan ko habang nakanguso siya at masama ang tingin sa akin.

Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Lalo pa at pagod na pagod na ako ngayon dahil malapit na ang closing time namin. Pagod ako sa maghapong pagluluto and now itong baklang to naman ang haharapin ko.

Pagod na nga ako mai stress pa dahil sa kanya.

"Pwede ba Crayne please spare me this day. I'm too tired para patulan pa ang mga kalokohan mo. I am too tired para makipagsagutan sayo." I sigh.

Kung nitong mga nakaraang araw ay in game ako sa pakikipagsagutan sa kanya dahil lagi nalang siyang nandito para landiin ang mga gwapong customer ko. Pero ngayong araw ay hindi ko magagawang makipagtalo pa sa kanya dahil pagod ako. Wala si Dew na siyang kanang kamay ko sa pagluluto ng mga main dish kaya sinolo ko lahat ngayon.
Kung si Yuyi naman ay medyo hindi pa nito kabisado.

Si Macky naman ay ibang dish naman ang specialty nito kaya ako ngayon ang sobrang pagod lalo pa't naitaon na madami ang customer  ngayong araw.

After a very tiring day gusto ko nalang magshower at saka humilata sa higaan ko.

I don't have enough strength para patulan pa siya.

"So please lang, wag muna ngayon. Just go home." Pagod na sabi ko dito.

Aangal pa sana siya but in the end hindi nalang siya nagsalita and he just look at me. Ilang segundo din iyon na parang pinag iisipan niya kung maaawa ba siya sa akin o ipagpapatuloy niya ang pambu bwisit niya sa akin ngayong gabi.

But he just shrugged his shoulder.
He went to the resto's front door at saka

"Hoy!" Saway ko sa kanya noong ibaliktad niya ang sign doon. Aba sino siya para nagdesisyon kung sarado na o hindi ang resto ko.

Alas syete y media pa lang at 8:30 ang closing time namin. Sayang pa ang mga customer na papasok at kakain dito kapag.

Bumalik siya sa harapan ko ng nakataas ang kilay na para bang sinasabing wag na akong umangal.

The Taste of Truth (Hidden Series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon