Chapter 2

615 40 9
                                    

"Hello Philippines!Hello world!"

Nagsitinginan lahat ng kumakain sa pinto ng resto kung saan biglang entrada ni Crayne kasama ang katiwala nito sa parlor nito na si Eda. May iba pang nabitin ang pagsubo nila. Medyo madami ngayon ang kumakain dahil tanghaling tapat. Karamihan dito ay mga estudyante ng isang university malapit dito.

"Standing right in front of you is no other than, the pinakadyosa!"

"Pak!" Pagsang ayon ni Eda.

"Pinakamaganda sa balat ng lupa!"

"Pakak!" Si Eda napapalakpak pa.

"Ang nag iisang-"

"Dugudugudong!" May pa sound effect pang tambol si Eda.

"Crayne Villapaz!" At nagpose pa ito na parang may hawak na korona at nagsimula nang rumampa ng elegante habang parang beauty queen na kumakaway. Nag faflying kiss pa.

Habang si Eda ay emosyonal at pa slow motion na pumapapalakpak.

Napabuntong hininga ako at saka napailing, napagpasyahan na maghugas ng kamay para labasin ang baklang sigurado akong mangugulo na naman.

Dahil open kitchen ang tema ng resto ay kitang kita ko ang pinaggaga gawa niya.

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagkairita sa kanya.

"Dew." Tawag ko kay Dew para ipatuloy sa kanya ang ginagawa ko.
Tumango lang ito at lumapit na sa akin.

"Hi pogi."

Binabati niya lahat ng nadadaanan niyang lalaking gwapo. Nakita ko ang ilan na nginingitihan siya yung iba napapangiwi naman.

Ang mga ibang babae naman ay napapalingon sa kanya.

Narinig ko pa ang pagsabi ng ilan ng "Sayang."

Nakabuntot sa kanya si Eda. Bago pa niya malapitan ang grupo ng lalaking tahimik na kumakain sa isang table ay hinarangan ko na siya.

At ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng pagsimangot.

"Bakit nandito ka na naman Crayne?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Dzuhh resto to so malamang nandito ako para kumain." Maarteng sagot niya.

"Dzuhh alam mo palang resto to so stop flirting with my customers na akala mo nasa club ka." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Nagtagisan kami ng titig, ayaw magpatalo sa isa't isa.

"K-kakain nga lang kami." Maya maya ay umiwas na siya ng tingin, napatikhim siya at saka siya napakamot sa kilay niya. Dahil nasundan yon ng paningin ko ay hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng tenga niya. Hindi ko alam pero bigla ata siyang nahiya o ano. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako naniniwala sa isang iyan. "Oo nga kakain lang kami. Ayaw mo pa akong paniwalaan na chaka ka!" Irap niya sa akin.

Mukha kasi siyang hindi mapagkakatiwalaan.

Dalawang araw din siyang hindi napadito sa resto at sa dalawang araw na iyon ay napakatiwasay ng araw ko.

Walang nanggugulo, walang nakikipaglandian sa mga customer ko wala akong sinasaway gaya ngayon.

Sana palagi!

Saka lang ako naniwala sa kanya noong marinig ko ang pagtunog ng tiyan niya. Agad agad niya iyong hinawakan na tila nahihiya na mahuli ang pagtunog nito. Muntik na akong mapangiti noong ngumuso siya.

"Maniwala ka na kasi sa amo kong pinakamaganda Ma'am Sorn. Alam mo bang dalawang araw na din siyang hindi kum-"

Bago pa matapos ni Eda ang sinasabi nito ay tinakpan ni Crayne ang bunganga nito.

The Taste of Truth (Hidden Series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon