"Oh." Parang labag sa loob kong iniabot sa kanya ang paper bag na dala dala ko. Harap harapan ko ding ipinakita ang pagsimangot ko.
"Ay grabe ka naman chaka. Di naman halatang napilitan ka lang eh no?" Sarkastikong sabi niya at saka niya ako inirapan. Pero kinuha niya pa rin naman ang paper bag at saka napangiti siya noong silipin niya iyon.
Inirapan ko siya and tss at him.
"Larga na ako amo kong pinakamaganda sa balat ng lupa." Paalam sa kanya ni Eda.
Dahil doon ay mas lumawak ang ngiti ni Crayne.
"Ang linaw talaga ng mata mo Eda. At saka you're still honest ha. Sige na shupee na babush." Sabi niya dito.
Tumawa naman si Eda. Pero bago lumabas si Eda sa parlor ay nilapitan niya ako at saka niya ako pinakatitigan.
And he sigh.
"Sana palagi mong ipagluto ang amo kong maganda." He said at may dumaan na lungkot sa mata nito. Tinapik niya pa ang balikat ko bago tuluyang umalis. Tila may bumara naman sa lalamunan ko. Kokontrahin ko sana si Eda pero hindi ko magawa dahil...Napatingin ako kay Crayne na inihahanda na sa center table ng parlor niya ang mga pagkain na dala ko. Makikita ang pagkinang ng mata niya na tila batang excited.
Dahil doon ay parang mas bumigat ang pakiramdam ko. Nilapitan ko siya at umupo ako sa isang stool malapit sa kanya. Hindi ko maalis sa kanya ang mga mata ko.
"Kumain ka na ba? Kung hindi pa you can join me chaka." He cheerfully said.
"Tapos na ako. Sayo lahat yan. Eat well pakabusog ka." Sabi ko na medyo malumanay ang boses ko. Dahil doon ay natigilan siya at saka napataas ang kaliwang kilay niya. Pinakatitigan niya ako na tila nagtataka siya.
"Sinapian ka ba?" He ask.
Napakunot naman ang noo ko.
"Chaka, see my goosebumps. Oh my gee hindi ako sanay na mabait ka." He said at ipinakita pa niya ang braso niya. Dahil doon ay biglang kulo ang dugo ko.
"Aasarin mo ako o kukunin ko yang pagkain mo?" Asar na sabi ko.
And he laugh because of that. "Yan, wala ka ng sapi normal ka na." Tumatawang sabi niya. Natahimik nalang ako habang pinapanood siya.
At saka hindi pa rin maalis ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib.
Pero napangiti ako ng lihim noong makita ang magana niyang pagkain. Pero saglit lang ang pagngiti kong iyon at saka na naman ako napabuntong hininga.
Crayne Villapaz. I really can't understand you.
And he is the reason why my heart feels heavy.
How can he live like that?
Before entering his salon I just found out one of his secret more or like weakness. At iyon ang dahilan kung bakit mabigat ang dibdib ko ngayon.
Malapit na ako sa parlor ni Crayne pero natigilan ako noong marinig ko ang usapan nila ni Eda.
"Sa tingin mo ipagluluto ba ako ni Sorn ngayong gabi?" Crayne asked Eda. Nasa gilid ako ng parlor nila. Nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko.
"Boss pretty, dapat kasi sinigurado mo." Sabi naman ni Eda na inaayos ang mga ibang gamit nila sa loob.
Habang si Crayne ay nakahilata sa sofa na nandoon.
Sumimangot si Crayne.
"Oo naman siguro." He murmured.
"Eh kung puntahan ko kaya si Boss Sorn para sabihin sa kanya at ng makasigurado." Eda suggested.
BINABASA MO ANG
The Taste of Truth (Hidden Series 02)
KurzgeschichtenHidden Series 02 R18|| MATURED CONTENT GayXGirl Sorn and Crayne