Chapter 2

93 0 0
                                    

"Alam mo ba, alam mo ba?" makulit na tanong ni Liam sa'kin.

Pumipilantik pa ang mga daliri habang kinakalabit ako para kunin ang atensyon ko. Hindi ko kinakaya ang energy ng batang 'to at parang full battery siya.

"Ano 'yon?" natatawa kong tanong.

"Hihi!"

Napakurap ako ng mga mata nang bigla siyang kiligin. Maarte pa niyang tinatakpan ang bibig niya habang sinasayaw ang balikat.

"May crush ako!" tili niya.

Natatawa akong pinapanuod siya na parang kinukumbulsyon na sa ginagawa niya.

"Nagahingi ako ng food niya! Tapos bait siya kaya bigay niya ako. Aabot niya sana 'yong ibang kutsara pero nikuha ko 'yong kaniya! Hindi ko pinunas 'yong kutsara na gamit niya tapos subo ko lang agad 'yong pagkain!"

Kinilig na naman siya kaya pati balakang niya ay kumekendeng kahit nakaupo. Dumila pa siya at kumindat bago niyakap ang sarili.

"Eh 'di para kang hinalikan?" natatawa kong tanong sa kaniya nang makuha ko ang sinasabi niya.

Tumango siya habang malapad ang ngiti. Umakto pa na may takas ng buhok sa gilid ng mukha niya kaya inayos niya 'yon at sinabit sa tainga.

Pinipigilan ko tumawa nang malakas dahil na sa cafe kami at maraming tao. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko dahil sa pagpipigil.

"Drink some water, Chantelyn," saad ng tatay niya.

Nang mapatingin na naman ako kay Joaquin at makita ang mukha niya ay natulala na naman ako.

Lord, kung hindi siya pwede, bakit?

"Chantelyn..." tawag nito.

Naabutan ko siyang nakatitig sa labi ko. Nag-init ang mukha ko dahil sa kilig at sa paraan nang pagtitig niya sa labi ko.

Hahalikan na ba niya ako? Shit! Go!

"Huwag ka magdalawang-isip..." bulong ko.

Wala na akong ibang nakikita kung hindi siya na lang. Parang nagblangko ang lahat kaya tanging siya na lang ang nagliliwanag sa madilim kong mundo.

"Ha?" naguguluhan nitong tanong.

Kunot ang noo siyang tumingin sa mata ko habang may pagtatakha sa mukha.

"Gusto mo akong halikan 'di ba?" tanong ko nang wala sa sarili.

"Luh! Assuming naman ni beh!" singit ng mataray niyang anak.

Napakurap ang mga mata ni Joaquin bago siya natawa at umiling sa'kin.

"No. Sorry. Your saliva is..." Tinuro nito ang gilid ng labi niya na parang may gusto ipahiwatig.

"Totoong nakakatulo ng laway ka talaga..." sambit ko, nakatulala pa rin sa kagwapuhan niya.

Narinig kong humahagikgik na ang batang maliit sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin.

"Bhe, 'yong laway mo parang london bridge. It's falling down na!" bulong nito bago humagikgik na naman.

Bumalik ako sa sarili at napakurap, iniisip ang sinabi niya. Nang magsink in na sa'kin ang lahat ay napahawak ako sa gilid ng labi ko.

"Shit!"

Nanlalaki ang mga mata kong hinablot ang tissue at pinunasan ang laway na tumutulo galing sa bibig ko. Nakakahiya!

Sabay na humahagikgik ang mag-ama sa harapan ko habang ako ay gusto ko nang lamunin ng lupa. Lord, hindi ganito ang gusto ko!

"Sorry! Nakakahiya!"

Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon