Chapter 3

9 0 0
                                    

"It was fun meeting you, Chantelyn," he said while looking down at me.

Napigtas ang hininga ko nang mapagtanto kung gaano siya katangkad. Na sa five feet and four inches lang ako at ngayon ay hanggang baba niya lang ako. He must be six footer!

"I had a great time too!" I replied, smiling widely at him.

Tapos na kaming kumain at mag-usap sa loob ng cafe. Ngayon ay aalis na kami at maghihiwalay na ng landas. Pwedeng extend kahit one hour lang?!

"Do you want to ride with us? I'll drop you off at your place or anywhere you want," he offered.

Nakatitig lang siya sa'kin habang may maliit na ngiti sa mga labi. Matutunaw na yata ako!

Napakagat ako sa mga labi dahil sa tanong niya. Dapat ba akong tumanggi? Nakakahiya rin dahil kanina lang naman kami nagkakilala eh. Baka isipin pa niya feeling close ako!

What if tinanong lang niya 'yon kasi feeling niya kailangan niya maging polite sa'kin?

Baka na sa isipan niya ang kapal ng mukha ko kung tatanggapin ko ang alok niya kaya 'wag na siguro.

"Sure!" masaya kong sagot. Tumatango-tango pa ako habang malawak ang ngiti.

'Wag akong tatanggi sa grasya!

Dahil hindi dapat tinatanggihan ang blessing. Temptasyon na ang lumalapit, sino ba naman ako para lumayo? Lapit nang lapit, ako'y lalapit!

He chuckled before guiding me towards his car. No scratch that! It's not just a car. It's an Aston fucking Martin!

I am shooked!

"Careful," he whisper. Naramdaman kong may pumatong sa taas ng ulo ko habang pumapasok ako sa passenger seat.

After I settled into my chair, I gently blinked and touched my head. Was that his hand on my head just in case I bumped over his roof?

Napakagat labi ako habang pinapanuod siyang sumakay sa sasakyan. Gwapo na, mabait pa!

Luluhuran!

"Are you comfortable already?" tanong niya pagkatapos suotin ang seatbelt. Nakita ko pa ang mata niyang pinasadahan ang pwesto ko para tignan kung nakasuot na rin ang akin.

"Yes. Thank you!" sagot ko.

"Baby, are you okay there?"

Napatingin ako sa kaniya at nakita siyang nakalingon kay Liam pero sumulyap din saglit sa'kin.

"Bakit?" tanong ko habang kumukurap-kurap. Parang may hinihintay kasi siyang sasabihin ko.

"Oks na oks, father dear!" masiglang bati ni Liam habang naglalaro na naman sa ipad niya. Nakasuot din siya ng headset na may design.

Tumango-tango naman si Joaquin pero nakatingin pa rin sa'kin. Tinaasan pa niya ako ng kilay na parang may pinapahiwatig. Mahal na ba niya ako agad?

"I thought you're going to answer that..." sagot niya. Mahina pa siyang tumawa nang tumingin sa harapan.

Nang marealize ko ang tinutukoy niya ay napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan nagpadulas sa upuan. Tumingin pa ako sa kanan ko para lang iwasan siya. Lalo pa siyang tumawa kaya halos talikuran ko na siya dahil sa hiya.

Langit, lupa at tubig, lamunin niyo na ako bago ko pa siya malamon!

Wait- what? Napapikit na ako nang mariin at napahawak sa noo dahil sa mga iniisip ko. Napailing ako dahil sa kabaliwan ko. Hindi ko na kinakaya ang tumatakbo sa isip ko. Nakakatakot na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon