Prologue

146 2 0
                                    

"Thank you for calling Amazon Customer Service! This is Chantelyn, how may I help you today?" masigla kong bati kahit walang kangiti-ngiti sa mga labi.

Nagsisimula pa lang ang araw pero 'yong utak ko gusto na humimlay agad.

"Where is my fucking package!"

Napahawak ako sa dibdib at napaatras dahil sa sigaw niya.

Beh, kalma! Ang puso mo baka lumabas!

"I understand, Ma'am. However, I have to verify your information first for security purposes-" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"I said where is my package!" sigaw na naman niya na halos naiimagine ko na ang ngala-ngala niyang nakalabas.

"Ma'am, I really want to help you, but I can't check your account until I have your information verified," mahinahon kong saad bago nagmute. "Gaga! I-confirm mo na kasi 'yong information mo muna! Kapag nagkaroon naman ng fraud, iiyak-iyak kayo sa'min! Bwisit!" inis kong bulong bago nag unmute ulit.

"Why do you have to ask for my information when you already have it in your system! Stupid!" sigaw na naman niya.

Napa-irap ako bago nagmute at sumubo muna ng fries na nakatago sa ilalim ng hoodie ko.

"Just tell me where my package is! You're always doing this to me! Always a fucking hassle! Missing item and damage item! Do your job properly!" patuloy siya sa pagrarant habang ako ay tumatango at umiinom ng kape.

"Bakit parang kasalanan ko? Ako ba ang driver, teh?" inis kong saad bago nag unmute.

"Ma'am, I understand your frustration. And I sincerely apologize for the problems we caused you. However, in order to prevent fraud, I need to verify you first. We wouldn't want someone to gain access to our accounts and take our money, right?" mahinahon kong tanong na may bakas ng pag-aalala.

Napahinto siya at natahimik.

"What do you need then?!" maya-maya ay tanong niya kahit may bakas ng inis sa boses.

Napangiti ako bago pinagpatuloy ang pag-assist sa kaniya. Paulit-ulit na concerns ang natanggap ko hanggang sa matapos ang shift.

Pagkalabas ko ng building ay napahinga ako nang malalim at naglakad na papunta sa sakayan. Wala sa sarili akong naglalakad dahil ang sakit ng ulo. Tumitibok-tibok na rin siya katulad ng puso ko.

"Chantelyn, babe!"

Walang pagdadalawang-isip akong bumaling at agad naglakad palayo sa kaniya. Bakit nandito na naman siya?

"Wait for me! I miss you, babe! Come home, please?" nagsusumano niyang tanong.

Hindi ko siya nilingon at mabilis akong bumalik sa loob ng company building namin dahil alam kong hindi siya makakapasok doon. Nanginginig ang mga kamay na nagswipe ako ng ID bago pasimple siyang nilingon sa labas.

Hinding-hindi na niya ako malilinlang. Kung gaano kalambing ang boses niya ay siyang kinademonyo ng ugali niya.

Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon