Chapter One - Matchmaking

32 4 1
                                    

"Teh type mo to? Gwapo ba?" Tanong ni Pam habang pinapakita nya sakin ang isang lalaki sa tinder na gwapo lang, pero maputi lang talaga sya. "Next." Kalmado kong sabi at nagpatuloy si Pam sa pagswipe left ni Pam sa tinder, she's been like that ever since, alam nya kasing ilang taon na kong walang boyfriend.

"Eh eto be? Gwapo ba?" Tanong nanaman ni Pam habang pinapakita sakin ang image ng isang lalaki pero mas bata. 

"Beh bakit ka naman pumili ng 16 years old? Ano bang akala mo sakin pedo?" Tanong ko at umirap nalang si Pam. "Beh kita mo naman sa profile nya na mas mahilig sya sa mas matanda sakanya at grabe ka naman maka pedo dyan." Wika ni Pam.

"Beh napipikon na ko sayo ha, dati ka pa ganyan bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na tatanda akong dalaga? Eh ako nga tanggap na tanggap ko na!" Inis kong sabi sabay irap. "Eh ayoko ngang tanggapin diba? Napapagiwanan ka na kasi ng panahon ngayon tignan mo yung iba kahit ang babata may jowa na, eh ikaw kada may lalaking aaligid sayo todo taboy ka agad eh no!" Usal ni Pam.

"Pam naman hindi na ko interesado at wala na kong kilig sa lalaki okay? I am just here existing at masaya naman ako sa buhay ko ng walang boyfriend, I can live my life without so please Pam tigilan mo na ko." Asik ko. 

"Edi okay bahala ka, baka nakakalimutan mo account mo tong gamit ko kapag may nakasundo ako ipapameet talaga kita sakanya in person." Mahinang sabi ni Pam at nagpatuloy nalang syang mag swipe sa tinder, napairap nalang ako at ewan ko ba bakit hindi magets ni Pam na ayoko nang mag boyfriend. Nagtatype lang ako sa laptop ko to finish some office works dahil madami akong kailangang habulin, sa kalagitnaan ng pagt-type ko biglang napatili si Pam.

"Anong meron?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa laptop ko. "Beh may nakausap ako, nasa bgc sya at the moment! Meet daw kayo!" Excited na sabi ni Pam at napatigil ako. 

"A-ano? Pam naman! Pwede mo naman kasing gamitin nalang yung sarili mong account, bakit pa kasi napagtripan mo yung sakin? Ayokong makipag meet please lang teh ayoko nagtatrabaho lang ako dito!" Pagmamatigas ko.

"Sige na teh gwapo to eh, uhm alam ko na! Kaibiganin mo nalang tapos ireto mo sya sakin para hindi mo na sabihin na obligado ka pa sa mga pinag gagawa ko." Sambit ni Pam at napairap nalang ako. 

"Yoko tea, ilang taon na ba? Patingin nga." Agad ko inagaw sa kamay ni Pam ang phone nya at pinagmasdan ang profile nya, he is currently 27 years old and sobrang masculine sya, ewan ko ba yung mga ganitong tipo ng lalaki hindi ko mapagkatiwalaan, binasa ko yung chat nila at ang galing makipag usap ni Pam kaya napilit nya syang makipag meet using my profile.

"Ano teh bet mo? Sayang oh match pa naman kami." Saad ni Pam. "Asan daw sya ngayon?" Tanong ko. "Nasa buendia daw, sinabi nya na papunta narin sya dito since alam nya yun cafe na kinakainan natin ngayon, basta hintayin mo lang sya sa may pinto ha, alam mo na gagawin, basahin mo nalang yung convo namin para alam mo yung sasabihin mo mamaya." Sagot ni Pam at napairap nalang ako, wala na nagawa na eh, ilang risk pa ba ang ibibigay sakin ni Pam magkajowa lang ako? Kasawa gago.

"Tanungin mo nga kung nasan na sya?" Agarang tanong ni Pam. "Maghintay ka nalang, madaling madali ka naman ako naman yung kakausapin non hindi ikaw." Sagot ko. "Diba irereto mo nga sakin?" Tanong nya.

"Kung gusto mong kayo ang magkaclose or magkatuluyan gumawa ka ng paraan, gagamit gamitin pa kasi yung account ko eh matitipuhan mo din pala." Usal ko at agad nag isip si Pam kung pano mapupunta sakanya yung guy.

"Gigi why not pagkatapos nyang pumunta dito ipaparing ko ang phone mo tapos kunwari tatawag tas alis ka bigla? Ano bet mo ba para sakin sya mapunta?" Tanong ni Pam at napairap ako. "Ako pa ba talaga yung paaalisin mo? Gago ka ba san naman ako pupunta?" Inis kong tanong.

"Pwede ka namang manood sa labas o kaya tumambay sa malapit na cafe, chance ko na to Gigi please? Alam ko naman kung paano mashishift yung attention nya sakin eh." Pagmamakaawa nya.

"Ewan ko sayo ako pa dinadamay mo sa trip mo, basta bahala na, kung gwapo sa personal sakin yon ha?" Sarkastikong tanong ko. "Wow kailan ka pa nagkainterest sa mga ganyan kala ko ba ayaw mo?" Tanong nya.

"Ano pa bang magagawa ko eh andito na eh! At isa pa ikaw din naman ang may gusto nito kaya kapag gwapo, pero this time try ko kung mag c-click kami at sana matinong lalaki sya." Sambit ko sabay higop ng kape, ilang minuto ang lumipas at narinig ko na nag bukas ang pinto ng cafe and as expected, gwapo sya, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya matipuhan, judgmental talaga akong tao kaya body language palang kung hindi ko magugustuhan ijujudge ko na, pero this one base on his body language he seems to be maangas, pero mas tipo ko ang soft boy.

"Beh, sayo na yan! Iyong iyo na! Wag mong kalimutan ipa ring yung phone ko ha!" Usal ko habang hinahanap hanap kami ng lalaking yon at itinaas ko naman yung kamay ko sinenyasan kong lumapit at agad syang nagmadaling makalapit sakin.

"Hi, Gigi right?" Tanong nya. "Yes it's me Gigi, and nice to meet you-" Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ko alam ang pangalan nya kaya pasikreto nyang pinakita sakin yung profile nya sa tinder kasi nakalimutan ko.

"George." I continued. "Upo ka, what do you want to order? Ako hindi na ko kakain since kanina pa ko umiinom ng kape." Saad ko at umupo sya sa harap ko. 

"By the way hindi ko alam na may kasama ka palang kaibigan, ang akala ko ikaw lang mag isa dito." Ngiting sabi nya. "No not actually, kanina pa kami dito at napag alaman ko lang na malapit ka lang nung nag chat tayo, by the way hindi ka ba nagugutom? Tawagin ko na ba yung waiter?" Tanong ko at ineentertain ko lang sya ng konti at mamaya sesenyas na ko kay Pam na iparing ang phone ko. 

"Hindi actually hindi naman ako nagugutom, gusto lang kitang makausap kahit saglit, by the way nice to meet you din, anong pangalan mo?" George pointing on Pam and she agressively took his hands kahit hindi naman nakikipag shake hands.

"I'm Pamelina, Pam for short." Ngiti nyang sabi at napilitan nalang ngumiti si George na ishake ang hands nya ang pilit ngiti nalang ako.

"So, matagal na ba kayong magkaibigan?" Tanong ni George. "No she's my officemate, ikaw ba, anong ginagawa mo kanina sa buendia? Actually I just want to thank you kasi nag effort ka pang magpunta dito just to meet me." Pasasalamat ko. 

"Actually wala yon no masaya nga akong nagkakilala tayo, at isa pa sanay narin ako makipag meet sa mga tao sa online lang, ikaw ba matagal ka na ba sa tinder? Nakipag meet ka na ba sa iba bago ako?" Tanong nya.

"Actually hindi ako masyadong nakikipag meet sadyang ikaw lang talaga yung nasa malapit at the time, and isa pa hindi pa ko ganun katagal sa tinder, you know, pogi hunting." Sagot ko at kinalabit ko ng ilang beses si Pam para iparing na ang phone ko at ilang segundo lang ay nag ring na.

"Omg, it's my boss." Sambit ko habang nakatingin sa phone screen ko pero number lang naman ni Pam yung nandodon. "What do you mean? Wag mong sabihin sakin na aalis ka na?" Tanong ni George.

"It's urgent when it's my boss, so I guess I have to go pero nandyan naman si Pam to entertain you, I'm really sorry talaga George babawi ako sa susunod." Sambit ko at agad akong tumakbo papalabas ng resto at akmang hahabol sakin si George pero pinigilan ito ni Pam, napikon lang ako ng konti kasi kaylangan ko pang umalis ng cafe para lang mameet nya yung lalaking yon, hindi na talaga ako papayag sa susunod!



Second Chance At LoveWhere stories live. Discover now