"Beh may party daw next week, office party natin, may announcement daw sa party teh anong gusto mong suotin pwede naman daw dress basta hindi long gown." Wika ni Pam habang patuloy lang akong nag t-type sa computer ko.
"Ano daw meron?" Tanong ko. "Basta may announcement daw may bagong papasok sa kompanya natin na nasa politika daw ang pamilya, kaya maging mabait ka ha incase pwede mo yong maging sugar daddy." Biro ni Pam.
"Tumigil ka nga dyan ha, at isa pa bakit galing sa pamilya ng mga politiko? Ibig sabihin non mayaman yon o kaya pwedeng pumasok sa politika, ano sya loser." Biro ko.
"Grabe ka naman maka loser day, hindi pa nga sinasabi satin kung sino eh surprise daw basta kilala daw pamilya nya, malay mo baka malaking tao yon." Saad ni Aby.
"Wala akong pake no tsaka wala ako sa mood na pumunta sa party na yon what ever, ang gusto ko lang matapos ko ang mga kailangan kong tapusin kaya kayong dalawa layuan nyo ko, bwiset." Asik ko at hindi na sila pinansin at nagpatuloy nalang akong mag tipa sa keyboard ko para matapos ko na ang mga kailangan kong gawin.
"Hayaan mo na ba kaya nagmamaldita kasi tanders na, terenta na nga yan eh, wala pang boyfriend, pero tanggap naman daw nya na tatanda syang dalaga so what." Usal ni Pam at unti unti akong napatingin sakanya.
"Hoy letche ka." I snapped, my frustration evident in my voice. "Hindi mo ba alam na may mga bagay akong kailangang tapusin? Hindi lahat ng tao gusto pumunta sa mga party at maghanap ng boyfriend. May mga priorities ako, alam mo ba 'yon? Kaya sana, tigilan mo na ang mga panghuhusga mo at hayaan mo akong gawin ang gusto kong gawin."
Napatingin si Pam sa'kin, nagulat sa pananalita ko. Ngunit hindi ako nagpatinag. Patuloy akong nagtrabaho, determinadong akong tapusin ang mga kailangan kong gawin. "Aba ang sungit, legit nga beh tanders na talaga." Asar pa ni Aby at hindi ko nalang sila pinansin dahil maiinis lang ako.
----
"Beh tinatamad nga akong pumunta sa party, malalaman ko naman kung sino yung taong yon pagpunta ko ng office eh, akala mo naman kasi napakaspecial ng taong yon sino ba yon?" Inis kong tanong.
"Beh sa tingin mo ba kung alam ko kung sino yon? Syempre hindi no! At hindi pa natin alam kung saang department sya magtatrabaho, ang alam ko lang pamilya nila ang nagmamayari sa kompanya natin, sadyang sa London daw sya tumira to build his own business, so basically mag memerge officialy ang business nya sa company natin kaya yun ang purpose ng celebration." Kwento ni Pam sa kabilang linya.
"Beh balita ko daw kasing tanders mo na daw at since nasa field ng operations department ang business nya, edi magiging kaworkmate natin sya! Bagong mukha nanaman sa office natin, sawa na ko sa mga bitch na kaworker natin eh." Saad ni Aby, sad reality ng mga office work ay hanggang dito ay may mga immature parin, may mga masasamang ugali parin na hihilahin ka pababa at may mga bully parin pero since ilang taon na kong nagtatrabaho don natutunan ko na silang tiisin at labanan.
"Anong pake ko don, baka nga mamaya isa din yun snitch eh." Usal ko, madami kasing snitch sa office namin at marami ring masasama ang ugali, marami ka ring hindi makakasundo kahit anong bait mo talaga, yun talaga ang totoo when you are working in a company marami kang makakasalamuhang hindi magaganda ang ugali.
"Ewan ko sayo basta mag ayos ka na ha 6 pm ang start ng party kaylangan natin pumunta ng maaga bye!" Pamamaalam ni Pam at nag end na ang call naming tatlo at napatayo nalang ako galing sa pagkakahiga, tinatamad talaga ako, I don't care kung sino yung taong yon, gusto ko lang naman sumweldo at matapos ang mga trabaho ko.
YOU ARE READING
Second Chance At Love
FanfictionIn the bustling streets of Manila, amidst the chaos of corporate life, Sandro Marcos and Gigi Salcedo's paths cross once again after a decade of heartache and longing. Their reunion sparks a whirlwind of emotions, igniting old flames and awakening b...