"Teh okay ka lang ba?" Tanong ni Pam dahil parang na sense nila na hindi ako okay. "O-okay lang ako, mag c-cr lang ako saglit." Nauutal kong sagot at agad akong tumayo papuntang comfort room nang makita kong papalapit si Sandro samin.
"Gigi mamaya ka na mag cr!" Habol ni Aby pero hindi ko na sya pinakinggan at pupunta ako ng cr at magtatago don dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko, kailangan kong makalayo, lalo na't nakita kong papalapit na si Sandro sa amin, with Morgan.
Pagpasok ko sa CR, tumigil ako sa isang cubicle at sinandal ang likod ko sa pinto. Gusto kong huminga ng malalim, pero parang nakulong ang lahat ng hangin sa dibdib ko. Sandro... Ang daming taon ang lumipas, pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Hindi ba dapat matagal ko na siyang nakalimutan?
Mahal ko pa ba siya? O galit pa rin ako sa kanya? Hindi ko alam. Pero ang alam ko lang, hindi ko handa makita ulit si Sandro.
Sinandal ko ang likod ko sa malamig na pinto at pilit pinipigilan ang paghinga na tila mabigat na mabigat. Kailangan kong huminga ng malalim, pero parang lahat ng hangin ay naipit sa dibdib ko.
Sandro... at si Morgan. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang makita siya muli pagkatapos ng lahat, o ang makita siyang kasama ang babaeng pinili niya. Dapat matagal ko na siyang nakalimutan, pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Parang bumalik lahat ng alaala, ang sakit, ang galit, at... ang pagmamahal.
Mahal ko pa ba siya? O galit pa rin ako dahil sa ginawa niya noon? Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko, pinagsasabay ng puso ko ang pagnanasa at pagkamuhi. Pero isa lang ang sigurado—hindi ako handa. Hindi ako handang makita siya ulit, lalo na't kasama niya si Morgan.
Napasubsob ako sa mga palad ko, pilit na pinipigil ang pagpatak ng mga luha. Mahal ko pa ba siya? Galit pa rin ba ako? Ang hirap sagutin. Minsan, iniisip ko, tapos na dapat ang lahat sa amin, pero ngayon, parang ang bigat-bigat pa rin ng bawat alaala.
Hindi ko maintindihan kung bakit kahit matapos ang sampung taon, narito pa rin ang lahat—yung kirot ng pag-iwan niya, at yung saya ng bawat moment na magkasama kami. Paano kung hindi ako ang pinili niya noon? Paano kung hindi ako ang pipiliin niya ulit ngayon? Kasama na niya si Morgan, malamang masaya na siya.
Pero bakit ako? Bakit ako ang nandito, nagtatago, nasasaktan pa rin?
"Gigi, lumabas ka na d'yan, please," rinig kong sabi ni Pam mula sa labas ng pinto. Pero hindi ko kayang humarap. Higit sa lahat, hindi ko kayang makita ang katotohanan na hindi na ako ang babaeng nasa tabi ni Sandro.
"Gigi what is wrong with you? Bakit ka ba nagtatago sa cr? Lumabas ka na dyan mukhang magpapakilala satin yung anak ng ceo, sabi ko sayo makakasama natin sa trabaho yon eh, ano pang tinatago tago mo dyan lumabas ka na!" Usal ni Aby at napahinga ako ng malalim. "Hindi nyo naiintindihan, mauna na kayo don at susunod nalang ako." Sagot ko.
"Anong susunod baka mamaya takasan mo kami ha, halika na teh nasakin ang bag mo." Wika ni Aby at pakiramdam ko bawat segundo ay kinakapos ako ng hininga with the image of Sandro ang Morgan in my mind, 10 years had passed, pero parang binabalik ako sa nakaraan nang makita ko si Sandro.
Naisip ko, paano kung magtama ang aming mga mata? Parang ang hirap na harapin ang katotohanan na ang taong mahal ko noon ay may buhay na kasama ang ibang tao. Paano ko ipapakita sa kanila na hindi ako okay, na ang lahat ng ito ay mas mahirap kaysa sa kanilang alam?
"Fine, lalabas na ako!" sigaw ko at unti unti kong binuksan ang pinto ng cubicle, ngunit ang mga salitang iyon ay puno ng takot at pangamba. Bumukas ang pinto at naglakad ako palabas, pakiramdam ko'y parang may mabigat na bato sa dibdib ko. Agad na napansin ng mga kaibigan ko ang pagkabalisa sa mukha ko.
"Finally! Akala ko maghihintay pa tayo ng isang oras!" sabi ni Pam, ngunit hindi ko na siya pinansin at bumalik na kami sa table namin, ang tingin ko'y agad napunta kay Sandro, na kasalukuyang nakikipag-usap kay Morgan sa kabilang dako ng events place.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lahat ng alaala, ang saya, ang sakit—lahat ay nagbalik sa isang iglap. Paano ko kaya haharapin si Sandro na kasama ang ibang tao?
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko to nararamdaman, 10 years had passed at matagal na kong naka move on, bakit bumabalik ang lahat ng naramdaman ko 10 years ago? Dapat nakalimutan ko na yon diba? Sobrang focused nga ako kung paano ko maitutuwid yung buhay ko to the point na nakalimutan ko na sya at ngayon na nakita ko nanaman sya bumalik ang alaala naming dalawa?
Habang naglalakad kami patungo sa mga upuan, napansin kong palapit na si Sandro. Nagkatinginan kami, at sa isang sandali, parang tumigil ang oras. May ngiti sa mga labi niya, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng emosyon—pagsisisi, galit, o kaya'y saya? Hindi ko alam.
"Gigi!" tawag niya, at sa mga salitang iyon, parang bumalik ako sa mga nakaraan. Pero sinubukan kong ngumiti, kahit na pakiramdam ko'y naiwan ako sa isang masalimuot na laban sa aking puso.
"Hi," sagot ko, at umikot ang tingin ko sa mga kaibigan ko na nagkukuwentuhan. Alam kong nagtataka sila, pero hindi ko kayang ipaalam sa kanila ang lahat ng nararamdaman ko.
"Gigi it's nice to see you again after 10 years, by the way, this is Morgan," pakilala ni Sandro, at narinig ko ang boses niya na tila nag-uumapaw ng sigla. "She's my fiance." Wika ni Sandro na nag patigil sa pagtibok ng puso ko, napatingin sakin sila Aby at Pam, they look so confused, ngayon alam na nila na matagal na kaming magkakilala at alam na rin nila ang dahilan kung bakit ako nagtago sa cr, ang gaga ko talaga.
"Hi, nice to meet you, Gigi!" sabi ni Morgan, na may ngiti sa kanyang mukha. Ngunit kahit gaano siya ka-friendly, ang ngiti niya ay tila isang patalim sa puso ko.
"Yeah, nice to meet you too," sagot ko, pilit na ngumiti, kahit na ang sakit ay parang bumabalot sa akin.
"Hi Gigi! I hope you're doing well. I've heard a lot about you from Sandro, I heard both of you are college friends." patuloy ni Morgan, ngunit sa mga salitang iyon, naramdaman kong parang naglalaban ang damdamin ko. Gusto kong sumagot, gusto kong ipaalam kay Sandro ang lahat ng mga alaala at sakit, pero sa harap ni Morgan, parang wala akong boses.
"That's true, oo nga pala kamusta ka na? Tagal nating hindi nagkita." Wika ni Sandro, tila walang kaalam-alam sa mga nasa isip ko.
"Okay naman. Busy sa trabaho," sagot ko nang walang damdamin, sinusubukang iwasan ang mga tingin ng mga kaibigan ko. Ang mga salita ko ay parang nahulog sa lupa, walang bigat.
"Good to hear that. It's a small world, huh? Ang tagal na, pero ang bilis pa rin ng panahon," sagot niya, ngunit sa mga salita niya, ramdam ko ang sakit ng nakaraan na bumabalik.
"Yeah, I guess so," tugon ko, at hindi ko na napigilan ang mga luha na unti-unting umagos sa aking mga mata. "It's nice to meet you again, Sandro, I hope you'll have a good evening here." I felt that he noticed the sudden change in my expressions, and I could see a flicker of concern in his eyes.
"Gigi, I—" he started, but I quickly turned away, cutting him off before the weight of his words could crush me.
"I have to go now Sandro, nice meeting you again guys."
I walked away, heart racing, trying to shake off the memories that flooded my mind. The ache in my chest was overwhelming as I realized that, despite the years apart, the feelings I had for him hadn't vanished; they were just buried beneath layers of hurt and confusion. In that moment, standing in the midst of the party, I felt utterly lost—caught between the past and the present, longing for closure that seemed forever out of reach.
YOU ARE READING
Second Chance At Love
FanfictionIn the bustling streets of Manila, amidst the chaos of corporate life, Sandro Marcos and Gigi Salcedo's paths cross once again after a decade of heartache and longing. Their reunion sparks a whirlwind of emotions, igniting old flames and awakening b...