Chapter Four - New Employee

9 2 2
                                    

"Ah! Kaya ka pala tumatakas kapag nandyan si Sir Sandro kasi ex mo pala!" Pang asar ni Pam at tinawanan nila akong dalawa, kanina pa ko nangigigil kay Pam at Aby kasi tinutukso nila ako kay Sandro, wala na, bunyag na ko sa dalawang to, kinakalimutan na nga yung nangyari sa past eh.

"Hoy, tigilan nyo nga ako ah, tsaka isa pa ayokong nababanggit nyo ang pangalan nya okay? I am just trying to forget about the past, he already have Morgan." I said, tapping my ID at the scanner to push through the security gate into the office. I walked ahead, trying to put some distance between me and the teasing.

"Grabe ka naman, Gigi!" sigaw ni Aby habang pumapasok din sila ni Pam. "Kung kami nga sa sitwasyon mo, baka hindi namin kayanin makita si ex na may kasama nang iba!"

"Eh kaya nga ako nagtatago sa CR diba, do you get what I mean? Hindi naman kayo bobo diba?" Tanong ko, rolling my eyes but feeling the tight knot in my chest that refused to go away. It didn't matter how much time had passed or how I tried to distract myself—Sandro's presence stirred up everything I'd buried, and now I was left wondering how long I could keep acting like I was over it.

"Diba sabi nya 'nice to see you again after 10 years' ibig sabihin non may past nga sila, since 10 years had passed bakit parang hindi ka parin maka move on?" Tanong ni Aby, sasampalin ko na to eh.

"Can you shut the fuck up?" We lined for the elevator going up to our office, after a few minutes of waiting we finally got inside and waited for it to stop at our floor, when we got into our floor we entered our office and greeted everyone and went to my table, pagdating ko sa table ko ay nagulat ako kasi puno ng gamit yung katabing table ko, matagal nang bakante to ah? Sinong bagong hire?

"Guys may bagong hire ba tayo?" Tanong ko as I scanned through the things in the next table, napansin kong may mga folders at decors at naka-on ang computer nya, can't wait to meet that person.

"Yes mhie meron tayong bagong hire, kanina pa yan sya nandyan kanina umalis lang yata para mag cr." Sagot ng isang office mate ko. "Sino daw?" Tanong ko.

"Yung anak ng CEO." Bigla akong napatigil, parang kumabog ng malakas ang dibdib ko, si Sandro ang bagong officemate namin at katabi ko pang table? After 10 years pinaglalapit nanaman kami ng tadhana? Parang gusto kong mag resign.

"Teh! Lagot ka si sir Sandro pala yon!" Asar ni Aby nang maupo sya sa table nya na katapat ko lang. "Bwiset na buhay to." Bulong ko sa sarili habang napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko, puno ng gamit na alam kong kanya. Wala pa siya, pero pakiramdam ko, anumang oras ay lalabas siya mula sa pintuan. I can feel my heart racing, unsure if I'm ready for this. Ready to face him again—after all these years.

I just tried ignoring the fact that his table was beside me, ang inaasahan ko ay mas mataas ang posisyon nya dito o kaya sya ang bagong manager sa department namin,  pero bakit dito? At bakit katabi ko pa? I felt the knot tightening in my chest again.

"Hayaan mo na pwede mo naman syang hindi pansinin nalang at mag panggap na wala sya dyan, mag focus ka nalang sa trabaho mo at wag mo nang isipin yung taong yon." Wika ni Pam.

"Hindi ko naman talaga sya iisipin no, naka move on na ko and he already have his fiance, so what kung magkatabi kami ng table? I can mind my own business." Asik ko, pero kahit sabihin ko pa 'yun ng paulit-ulit, parang hindi naniniwala ang puso ko.

"That's right Gigi," sabi ni Aby, pero sa tono niya, parang alam niyang nagpipilit lang ako.

Tumitig ako sa screen ng computer, pilit na ine-entertain ang sarili ko sa mga emails at reports na kailangan tapusin, pero hindi ko maiwasan ang kumatok na tanong sa isip ko—paano kung magsimula ulit ang lahat?

Habang nag titipa ako sa aking computer biglang nag shift ang attention ko sa tunog ng pag bukas ng pinto ng aming opisina. Mula sa peripheral vision ko, nakita kong pumasok si Sandro. Para akong nakuryente sa kinauupuan ko—ang dating naisip kong normal na araw  sa opisina ay biglang naging isang pagkakataon para makaharap ko ulit ang lalaking iniwasan ko at kinalimutan ko ng sampung taon.

Hindi ko mapigilang tumigil sa ginagawa ko, ang mga daliri ko nanlamig sa ibabaw ng keyboard. He looked the same—kahit mas pormal at may mas maayos na postura, pero ang ngiti niya, ang paraan ng paggalaw niya... lahat ng 'yon ay sapat na para gisingin ang lahat ng nararamdaman ko na matagal kong sinubukang ibaon.

Parang bumalik lahat ng alaala sa isang iglap, mula sa masasayang araw hanggang sa sakit na iniwan niya. I wanted to look away, to pretend na hindi siya nandiyan, pero parang hindi ko kayang iwasan ang presensya niya. Ang dibdib ko, parang may mabigat na batong nakapatong.

"Sana hindi niya ako makita," bulong ko sa sarili habang iniiwas ko ang mukha ko, habang pilit kong ini-focus ulit ang mga mata ko sa screen, pero ramdam ko ang bawat hakbang niya papalapit sa direksyon ko.

Narinig kong hinila nya ang swivel chair nya at nagsimula syang mag type sa computer nya. "Didn't expect to sit beside you." Panimula nya.

Narinig ko ang mahihinang tunog ng kanyang pag-type, tila nagtatangkang hindi mapansin ang pagkakaroon namin ng awkward na sitwasyon. Ang mga alaala ng nakaraan ay bumabalik sa akin, parang mga anino na nag-aabang sa gilid ng aking isipan.

"Been a long time, huh?" tanong niya, at sa tono ng boses niya, ramdam ko ang pag-aalinlangan at pagkabahala.

"Yeah, a long time," sagot ko na parang hindi ko masabi kung dapat ba akong maging masaya o malungkot. Gusto ko sanang sabihin na parang wala akong pakialam, pero ang katotohanan ay, ang pagkakaroon niya sa tabi ko ay tila nagbabalik sa akin ang mga damdaming tinakasan ko noon.

"How have you been?" tanong niya, at sa tono ng boses niya, naisip ko na talagang nagmamalasakit siya, ngunit ang mga tanong ay nagiging mas mahirap sagutin.

"Busy with work, as usual." tugon ko, pilit na iniiwasan ang kanyang mga mata. "You know how it is."

"Yeah, I get it," sagot niya, at tahimik na muling bumalik sa pag-type. Sa bawat tunog ng kanyang mga daliri sa keyboard, nararamdaman kong ang mga nakatagong emosyon ko ay unti-unting lumalabas mula sa mga sulok ng aking isip.

Habang nagpatuloy ang katahimikan, nagpasya akong balikan ang aking mga emails, ngunit hindi ko maiwasang magnilay. Paano nga ba nagbago ang lahat? Paano nga ba kami umabot dito, na magkasama na namamalagi sa parehong opisina matapos ang lahat ng nangyari?

Bawat segundo ay tila nagiging isang oras, at hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Kailangan ko bang maging professional? O kailangan kong ipakita sa kanya na hindi na ako naapektuhan sa mga nangyari noon? Ang daming katanungan ang naglalaban-laban sa isip ko, at ang puso ko ay tila nahihirapang makahanap ng sagot.

Hindi ko namamalayan na nag-iisip ako ng malalim nang biglang nagsalita siya. "You still like coffee?"

Isang tanong na tila isang pasaporte pabalik sa nakaraan. Napatingin ako sa kanya, at sa sandaling iyon, parang bumalik ang lahat—ang mga tawanan, ang mga lihim, ang mga pangarap na sabay naming inisip. "Yeah, I do," sagot ko, at sa pagbigkas ko ng mga salitang iyon, napagtanto ko na kahit gaano ko pa gustong kalimutan, ang mga alaala ay hindi basta-basta mawawala.


Second Chance At LoveWhere stories live. Discover now