CHAPTER 19

3 1 0
                                    

Kriesha's POV

It is Sunday at naisipan kong mamili ng mga bagong damit. Thanks to that woman na nakabangga sa akin, isa pa naman sa paboritong damit ko ang sinira at dinumihan niya. Buti na lang din at pumayag si Xandre na samahan ako ngayon dahil akala ko tatanggi siya. Thank God napapayag ko siya.

Habang nagsusukat ng mga damit ay lumilingon-lingon naman ako kay Xandre na na sa labas habang nagbabasa ng magazine. Nang malaman kong kasal na pala siya ay biglang gusto kong palagi ko siyang kasama. Palaging gusto kong na sa tabi ko siya. I don't know why I am acting like this towards him pero nakakaramdam ako ng selos sa tuwing iniisip ko na may asawa na siya. Hindi na man ako ganito dati.

"Is this your latest product?" I asked the saleslady while holding an elegant casual dress.

"Yes, ma'am," she answered.

"Kukunin ko 'yan," wika ko. "At heto rin, and this one, this one and that one."

Kinuha na nga ng saleslady ang mga damit na tinuro ko at lumingon muli sa labas pero laking gulat ko nang hindi ko na makita si Xandre na kani-kanina lang ay nakaupo.

Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nito kanina pero wala talaga akong makitang Xandre.

Nakita ko ang isang trabahante ng boutique na malapit lang sa kinaroroonan nito at nagtanong.

"Nakita niyo po ba ang lalaking kasama ko na nakaupo lang dito kanina?" tanong ko sabay turo sa kinauupuan ni Xandre kanina.

"Ahh 'yung lalaking nagbabasa po ng magazine?" tanong nito.

"Yes," maikling sagot ko.

"Kakaalis lang po, ma'am. Nagmamadali nga pong umalis ehh," tugon nito at bumalik sa pinagkakaabalahan nito.

Kinuyom ko ang aking kamao at mabilis na bumalik sa cashier, kinuha ang mga pinamiling damit at nilisan ang boutique.

That j*rk! Ni hindi man lang nagawang magpaalam sa akin. Tinungo ko ang aking sasakyan at inilagay ang mga pinamiling damit. Pumasok na ako sa driver's seat at pinaandar ang makina ng sasakyan. Mabilis na minaneho ko ito at tinungo ang aking bahay.

Nang makarating ay agad kong inihagis ang mga pinamili sa aking kama. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang lalaking 'yon.

It keeps on ringing pero walang sumasagot.

"Ano ba Xandre, sagutin mo," naiinis na wika ko.

Naka-ilang ring na pero wala pa rin. I surrendered. Ibinaba ko na ang cellphone at tinungo na lang ang banyo. I just need to relax myself at tanggalin ang init sa ulo ko. Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at pinatuyo ang buhok ko. Nagbihis na ako, naglagay ng light make-up dahil gabi na at kinuha ang aking bag. Nagdesisyon akong umalis na lang muna ng bahay at pumunta sa isang bar.

Habang nagmamaneho, si Xandre pa rin ang na sa isip ko. Humigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa inis. Iniwan na nga ako sa mall, ni ayaw pang sagutin ang tawag ko. Naisip kong baka nagpunta ito sa asawa niya. Humigpit muli ang hawak ko sa manibela. That b*tch.

Ipinarada ko na ang aking sasakyan at lumabas. Pumasok na ako at dinig na dinig agad ang malakas na music. First time ko sa bar na 'to. One of my friends recommended this kaya nagpunta ako. Sabi niya kasi maganda rito at gwapo pa ang may-ari. Tsss! Natawa pa ako dahil naisingit niya pa 'yon.

Umupo na ako sa harap ng isang bartender. Lumingon-lingon ako sa paligid at ang mga tao'y enjoy na enjoy. Sa sobrang enjoy nila, ang iba'y nakikipaghalikan na sa gitna, ang iba'y tulog na sa kalasingan, at ang iba'y hindi maawat sa pagsasayaw.

"Hi," bati ng isang lalaking bagong dating. Umupo ito sa katabing upuan ko na ikinalingon ko.

I did not answer him bagkus ay hinarap na ang bartender. Magsasalita na ako nang mauna itong magsalita sa akin.

My Mysterious HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon