Yana's POV
Isinarado ko na nga ang pinto at bumalik sa pagkakaupo.
"Sino 'yon?" tanong ni Max nang makaupo ako.
"Ahh 'yon ba? Isa 'yon sa mga nagde-decorate ngayon sa bahay para sa debut bukas na magaganap," sagot ko.
"Akala ko kung sino, lalaki kasi," sambit niya na ikinakunot ng aking noo dahil may pagtataka sa mga sinabi niya.
"Ano na man ngayon kung lalaki?" takang tanong ko.
"Syempre kasi, k-kasi, bigla akong nakaramdam ng selos. Nagulat lang ako n-nang makarinig ng boses ng lalaki," paliwanag niya.
"Ikaw lalaki, huwag ka ngang mag-isip ng pagseselos. Huwag kang mag-alala dahil I am loyal to you," mahinahong wika ko sa kaniya.
"Oo, sige na, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano diyan. Ngayong nalaman kong loyal ka sa akin, kampante akong hindi ka maghahanap ng iba," wika nito na ikinabigla ko. Bakit nga ba ako nabigla? Kahit ako ay hindi ko alam.
"Paano na man kung ikaw ang maghanap ng iba?" pagbibiro ko rito.
"Just thinking about it makes me sick. Wala akong balak na maghanap pa ng iba dahil nandiyan ka na. You are more than enough for me," wika niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko at ikinatahimik ko. Iba talaga impact ng mga salita niya sa akin. Talagang tagos hanggang skeletal system ko. "O sige na, I'll call you again soon, I'll just continue what I was doing a while ago."
"Sige, bye," maikling wika ko.
"Bye, asawa ko," wika niya atsaka pinatay ko na ang tawag.
Nag scroll-scroll na lang ulit ako sa cellphone ko dahil wala na man akong magawa. Ilang minuto lang ay napagpasyahan ko nang tumigil na muna sa kaka-cellphone, tumayo na at lumabas na ng kwarto.
Napansin kong madami na ang natapos sa decorations. Si Tita Olivia na man ay nag-oobserba lang at minsan ay nag-uutos kung ano ang pwedeng design.
Gabi na nang matapos ang mga ito, nakauwi na rin si Yula at Antonio sa bahay. Si Tito Anthony na man ay mamaya pa makakauwi, sinabi niyang mauna na daw kaming maghapunan at huwag na siyang hintayin.
Alas otso nang kumain kami ng hapunan.
"Excited ka na ba, kapatid?" napalingon kami nang magsalita si Antonio. Tinutukoy nito ay ang kapatid na si Yula.
"Kinakabahan na nga ako, Kuya," sagot nito.
"Bakit ka na man kakabahan? Ayaw mo 'nun, sa oras na mag disi-otso ka na ay magkakaroon ka na ng freedom. Makakapunta ka na kahit saan dahil na sa legal age ka na," sambit ni Antonio.
Sasagot na sana si Yula nang sumingit sa usapan si Tita Olivia.
"Ano'ng freedom freedom ha, oo na sa tamang edad ka na pero kailangan pa rin ng limitasyon sa mga bagay na gagawin mo," saad ni Tita Olivia. "Hindi dahil na sa wastong gulang ka na ay pwede mo nang gawin kung ano ang lahat ng gusto mo."
Napansin ko ang pagkunot ng mukha ni Yula habang nakatingin sa nakatatandang kapatid nito habang si Antonio na man ay nakayuko habang nagpipigil ng tawa.
"Oo, tama si Tita Olivia, Yula. Kailangan may limitasyon pa rin ang mga bagay na gusto mong gawin. Hindi ka na man pinagsasabihan o ano, nagsasabi lang si Tita kung ano ang tama at dapat lalong-lalo na at babae ka," wika ko.
"Opo, ate," maikling tugon ni Yula.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito dahil magkatabi lang kasi kami ng upuan at nginitian siya. Alam kong hindi kami bibiguin ni Yula, na susunod siya sa mga payong bilin namin.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Husband
RomanceYana, an independent woman who is looking for a new job since she was fired from her previous work. Inakala ng boss niya na siya ang kumuha ng mamahalin nitong mga alahas na sinumbong ng kaniyang kasamahan sa trabaho. Unknowingly, etong katrabaho ni...