YANA'S POV
Eight forty-five AM nang magising ako. Ilang segundo lang ang aking pagtitig sa kawalan nang tumayo na ako at tinungo ang banyo. Naghilamos na ako at nagmumog. Lumabas na ako ng banyo at dumiretso na sa kusina.
"Ano kaya ang lulutuin kong almusal?" tanong sa isip ko. Napakamot na lang ako at binuksan ang ref.
Naisipan ko na lang magluto ng simple at ang usual na niluluto pang almusal. Kinuha ko na ang lata ng corned beef at itlog. Hinanda ko na rin ang naiwan kong kanin kagabi at ginawa itong sinangag. Nag-isip-isip pa ako ehh ito lang pala ang lulutuin at kakainin ko.
Matapos kong kumain ay nagsipilyo muna ako bago manood ng palabas sa telebisyon. Tawa lang ako nang tawa sa palabas na pinapanood ko. Ilang minuto lang ay biglang nag ring ang cellphone ko.
CALLING...
ASAWA KO
Hindi ko alam pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Good morning, asawa ko," saad ng kabilang linya.
"Good morning," sagot ko. Umagang-umaga pa lang ay nakangiti na ako.
"Did you have a good sleep?" tanong nito.
"Oo. Sa sobrang ganda ng tulog ko, hindi ko na naaalala ang panaginip ko," wika ko rito.
Medyo hindi na ako naiilang kapag kausap siya at nasasabi ko na ang mga gusto kong sabihin.
"I wonder if I was in your dream," sabi niya.
"I wonder wala, sinabi ko na sayong hindi ko na naaalala kaya paanong nasa panaginip kita?" pabirong wika ko. "Atsaka kung mapapanaginipan man kita, hindi ko rin malalaman at makikilala kasi nga hindi ko pa nakikita mukha mo."
Ilang segundo ring natahimik ang kabilang linya.
"W-Wala ka bang balak mag shopping?" pag-iiba nito sa usapan.
"Shopping? Huwag na muna," pagtanggi ko.
"Okay! Kung iyan ang gusto mo," tugon niya. "What are you doing now?" tanong nito.
"Nanonood ng palabas," sagot ko at biglang tumawa.
"Sige! I'll call you again soon. Tumawag lang ako upang malaman kung ano'ng ginagawa mo. May gagawin pa kasi ako," sambit niya.
"Sige, bye," paalam ko.
"Bye," huling wika niya bago naputol ang linya.
Inilapag ko na ang cellphone sa mesa nang mag ring ang door bell. I wonder kung sino iyon. Nang buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang nakangiting labi ni Thelma.
"Hello, ma'am," bati niya. Yumuko lang ako. "Tumawag ako pero network busy daw," wika nito.
"Ahh oo, may kausap kasi ako ngayon-ngayon lang," sambit ko. "Atsaka nga pala, pasok ka," wika ko at binigyan siya ng espasyo para makadaan.
"Hindi na po kailangan, ma'am. Pumunta lang po ako rito para ihatid ito," sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na kahon. Nangunot ang noo ko sinasabing ano na naman ang laman nito. "Nasa loob niyan ang ATM card niyo," paliwanag niya dahil nakita niya siguro ang pagkunot ng noo ko.
"Ahh ganoon ba? Salamat sa paghatid," sabi ko.
"Wala po iyon. Dito na po ako, ma'am," paalam nito at umalis na.
Pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto. Umupo na ako at binuksan ang maliit na kahon. Nakalagay nga doon ang isang ATM card. Namangha ako dahil unang beses ko lang magkaroon nito. Minsan na rin akong sumama kay Tito Anthony noon nang mag withdraw ito. Pero medyo nakalimutan ko na rin ang iba dahil sa tagal na rin. Pero buti na lang at may manual na nakalagay kaya hindi ako mahihirapan.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Husband
RomanceYana, an independent woman who is looking for a new job since she was fired from her previous work. Inakala ng boss niya na siya ang kumuha ng mamahalin nitong mga alahas na sinumbong ng kaniyang kasamahan sa trabaho. Unknowingly, etong katrabaho ni...