CHAPTER 4

4 1 0
                                    

(SIX MONTHS LATER AFTER YANA GRADUATED IN HIGH SCHOOL)

YANA'S POV

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" nalulungkot na tanong ni Tita Olivia sa akin. Si Tita Olivia ay asawa ni Tito Anthony.

Ngumiti ako at sumagot.

"Sigurado na ho ako tita," wika ko sabay hawak sa kamay nito. "Wala ho kayong dapat ipag-alala sa akin. Sisiguraduhin ko pong nasa mabuting lagay ako at kung sakaling magkaroon man ho ako ng problema, hindi po ako magdadalawang-isip na tawagan kayo," dugtong ko pa. Sinasabi ko 'to para hindi sila masyadong mag-alala sa'kin.

Nang makapagtapos ako ng high school, napagdesisyunan kong bumuklod muna sa kanila. Simula nang mawala ang lola, sa tingin ko'y kailangan ko na munang tumayo sa sarili kong mga paa. Ilang taon din akong tinulungan nina Tito Anthony at Tita Olivia sa aking pag-aaral kaya malaki na rin ang utang na loob ko sa kanila.

"Insan, pwede mo pang baguhin ang desisyon mo," pagbibiro ni Antonio.

"Oo nga ate," dugtong ni Yula, bunsong kapatid ni Antonio na pinsan ko rin.

Lumapit ako kay Yula at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Sorry pero, mukhang hindi na magbabago ang desisyon ni ate," sambit ko sa kaniya. "Hayaan mo, bibisita naman ako dito kaya magkikita pa rin tayo," pagpapa-intindi ko sa kaniya para hindi na siya maging malungkot.

"Basta Yana, tatawag ka kapag may problema ka. Huwag na huwag mo kaming kalilimutan," wika ni Tito Anthony at hinawakan ang kaliwang braso ko.

"Huwag po kayong mag-alala," tugon ko.

Sa huling pagkakataon ay nagyakapan kami, pagkatapos ay tinungo ko na ang pinto at lumabas na. Gusto pa sana nila akong ihatid sa terminal pero hindi ako pumayag. Hindi naman ganoon kalayo ang lilipatan ko kaya sa oras na gusto kong bumisita ay hindi ganoon katagal ang byahe.

"Two thousand five hundred every month, libre na tubig pero hindi ang kuryente," pagpapaliwanag ng landlady sa akin. Panay lang naman ang sunod ko sa kaniya at tango.

Maganda ang bahay, simple at malinis kaya dito ko piniling manirahan. Malapit lang din ito sa pag-aaplayan ko ng trabaho.

Buti naman at natapos na din ang landlady sa pagsasalita at nakapagpahinga na ako. Napagod din kasi ako sa byahe dahil na rin sa trapik.

Nakahiga habang nakatitig sa kisame ay napabuntong-hininga ako. Dito na magsisimula ang journey ko. Wala na akong aasahan at mag-isa lang ako dito. Hindi ko naman pinagsisisihan ang desisyon ko. Matututo na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ilang segundo pa ay unti-unti nang pumikit ang aking mga mata at nakatulog.

Kinabukasan, tamang ayos lang ako ng mga gamit dahil hindi na ako nakapag-ayos kahapon dahil sa pagod. Nang makatulog ay umaga na ako nagising. Bukas na bukas ay pupuntahan ko na ang lugar na pag-aaplayan ko. Pumunta na rin ako sa grocery store para mamili.

"Labing-pitong taong gulang, high school graduate," ilan lang yan sa mga nabanggit ng medyo may katandaan nang babae. Siya ang may-ari ng flower shop na pag-aaplayan ko. "Alam mo namang labing-walong taong gulang pataas ang hinahanap namin, 'di ba?" tanong niya sa'kin.

"Opo ma'am," sagot ko na medyo kinakabahan.

"Napakaswerte mo at kailangan na kailangan namin ng babaeng trabahante ngayon at ikaw lang ang nag-iisang nag-aplay kaya pasok ka na," nakangiting saad nito sa akin.

"Ho?" nanlalaking matang tanong ko dito.

"Sabi ko ay pasok ka na at pwede ka nang magsimula bukas na bukas din," dugtong pa nito.

Doon ko lang na-realize na may trabaho na ako. Inilapit niya ang kaniyang palad sa akin na akin namang tinanggap at kami'y naghand shake.

"Congratulations!" sambit niya.

"Maraming salamat po," tuwang-tuwang wika ko.

Gabi na nang makauwi ako dahil nilibot ko muna ang mga lugar dito upang maging pamilyar sa akin. Sa labas na rin ako naghapunan.

Kinabukasan ay naghanda na ako sa pagpasok. Alas singko pa lang ng madaling-araw ay nagluto na ako ng babaunin ko, naglinis muna ng bahay at naligo na. Matapos maligo ay nagbihis at kumain na ako. Alas otso ang pasok namin pero alas syete y medya pa lang ay nakarating na ako sa flower shop.

"Ikaw ba 'yung bago?" bungad na tanong sa akin ng isang babae. Hindi ako sigurado kung trabahante siya dito dahil hindi ko naman siya nakita dito kahapon.

"Ako nga po," mahinahong sagot ko.

"Nice to meet you?" nakangiting inilahad niya sa akin ang kaniyang palad na akin naman kaagad tinanggap.

"Nice meeting you too po," nakangiting tugon ko.

Ilang minuto lang ay dumating na ang may-ari at nagsipasok na kami. Nandito na rin ang ibang mga trabahante at ayon sa bilang ko, anim kaming lahat ditong nagtatrabaho. Apat kaming mga babae at dalawa ang lalaki na nakatoka sa delivery at pag-aalsa ng mga mabibigat na gamit.

Mababait ang mga katrabaho ko at bilang bunso nila, lagi nila akong inaalalayan sa mga bagay-bagay para magawa ko ng maayos. Nagsisilbi silang ate at kuya ko at nagkaroon din ako ng bagong pamilya.

(EIGHT YEARS LATER)

Walong taon na din ako nagtatrabaho dito, matagal-tagal na din. Tatlong buwan lang ang nakakalipas ay nagkaroon kami ng bagong kasama. Matanda lang siya sa akin ng isang taon. Nagmamakaawa siya sa amo namin na tanggapin siya dahil kailangan na kailangan niya ang pera para sa pagpapagamot sa kaniyang maysakit na kapatid. Sa sobrang bait ng amo namin ay tinanggap siya.

Nang dumating siya, parang nag-iba ang simoy ng hangin sa flower shop. Ni hindi kami makapag-usap ng mga katrabaho ko gaya ng ginagawa namin noon dahil sinisita niya kami. Kapag hindi naman kami nakikinig sa kaniya ay sinusumbong niya kami sa amo namin. Ganun ang laging nangyayari araw-araw. Nakakairita man pero parang hindi namin kayang magalit sa kaniya. Naaawa kami sa kwento niya kaya hinahayaan na lang namin siya.

Isang araw ay ipinatawag ako sa opisina ng aming amo. May pag-uusapan daw kami pero ba't parang iba ang kutob ko. Iba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Ni tingin ng mga kasama ko ay parang nalulungkot, parang naaawa sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ay nasa loob din pala si Aira, yung bagong kasama namin. Napansin kong puno ng alahas ang mesa ng amo namin pero hindi ko iyon binigyan ng atensyon. Lumapit ako at umupo.

"Walong taon," bungad na wika ni Ma'am Cheng sa akin. Heto na naman ang nararamdaman ko. "Walong taon pero bakit ngayon pa, Yana?" nagsalubong ang mga mata namin at ngayon ko lang nakita ang galit sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Itinaas niya ang mga alahas at ipinakita niya ito sa akin. "Nakita ka ni Aira, nakita ka niyang inilalagay ang mga ito sa iyong bag," patuloy na wika nito.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang gagawin at dapat sabihin.

"M-Madam, n-nagkakamali ho-" pagpapaliwanag ko sana pero pinutol niya ito.

"You're fired!" diing wika nito na mas ikinagulat ko.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tunguhin ang pinto at lumabas. Nang makalabas ay napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso na sa tinitirahan ko.

My Mysterious HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon