THIRD PERSON'S POV
(TEN YEARS LATER)
"XANDREEEE?" tawag ng ina sa labing-pitong gulang na si Xandre mula sa kwarto nito. Gaya ng dati ay wala man lang itong ganang sumagot pero agad naman itong lumabas ng kaniyang silid at tinungo ang hapag-kainan.
Umupo na siya at nagsimula na silang kumaing mag-anak.
"I've heard, you're a top student in your class," ma-otoridad na wika ng padre-de-pamilya nila. Alam nilang ang tinutukoy nito ay ang nag-iisang anak na lalaki na si Xandre.
Simula nang mag high school ay sa isang sikat na paaralan na ito nag-aaral ngunit sa dinami-rami ng mga estudyante sa paaralan na iyon ay ni isang kaibigan ay wala ito.
"Y-yes Dad," medyo may nginig sa boses ng binatilyo nang sagutin ang ama. Ang ina naman ay pinagmamasdan lang ang mag-ama na nag-uusap habang ang ate Ali nito ay busy sa pag-kain.
"Alam mo namang ikaw ang magmamana ng kompanya natin kaya pagbutihin mo pa," wika nito ulit.
"Yes Dad," tugon niya.
Simula nang magbinatilyo ay mas madalas na si Xandre makihalubilo sa mga ka-partner ng ama sa negosyo dahil ito ang magmamana ng kanilang kompanya. Ngunit sa mga ka-partner lang naman ng kaniyang ama siya nakikisama dahil ayaw nitong makihalubilo sa kahit na sino. Ang panganay niyang kapatid ay mas piniling maging doktor at ang pangalawa naman ay nasa fashion industry kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi maging tagapagmana.
Nang matapos kumain, dumiretso na si Xandre sa kotseng maghahatid sa kaniya sa paaralan. Pumasok na ito at umupo.
Habang umaandar ang kotse ay nakatitig lang sa labas ang binatilyo kung saan maraming taong naglalakad. Tinted ang sasakyan kaya hindi siya kita mula sa loob. Isa sa mga hilig niyang iguhit ay tao dahil hindi naman siya laging nakikihalubilo ng kung sino-sino lang.
Sa wakas ay nakarating na rin sila sa pinapasukan nitong paaralan, pero bago lumabas ay nagsuot muna ito ng face mask at pinagsaklob ang hood ng kaniyang jacket sa kaniyang ulo. Dito ay hindi makikita ng kahit na sinong tao ang mukha niya. Ito ang pinagkasunduan nila ng kaniyang ama at ina na papayag lamang siyang mag-aral dito sa kundisyong kailangan hindi makita ng mga tao ang mukha niya kaya walang ibang nagawa ang kaniyang mga magulang kundi ang pumayag.
Naglalakad na sa hallway si Xandre habang ang mga estudyante ay nakatingin at pinagtitinginan siya. Ang iba'y sinasabing sobrang pangit nito dahil ayaw nitong ipakita ang mukha. Ang iba naman ay sinasabing anak ito ng isang kriminal o sindikato na kailangan hindi makilala ang kaniyang pagkatao. Ngunit walang pakialam ang binatilyo. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa classroom nila. Tahimik lang itong umupo sa likurang bahagi ng classroom habang hinihintay ang kanilang guro.
Dumating na ang guro at nagsimula na itong magturo. Tahimik ang mga estudyanteng nakikinig lalong-lalo na si Xandre. Tuwing recess ay nagpapasundo ito sa kanilang driver at sa kotse kumakain kahit na tuwing pananghalian.
Hapon nang matapos ang kanilang klase ay agad na lumabas si Xandre sa kanilang silid-aralan at mabilis na tinungo ang kanilang kotse. Pumasok na ito at agad na tinungo ang kanilang bahay.
XANDRE'S POV
"Butterflies, trees, flowers and skies," wika ko habang nililibot ang aking mga mata sa paligid ng kwarto ko. Ilan lang yan sa mga iginuhit at ipininta ko. Sila ang kasama at karamay ko sa ilang taon ko sa kwarto na ito. Tiningnan ko naman ngayon ang kamerang ipinangkuha ko sa mga litrato ng iba't-ibang tao.
Simula nang mawala ang lola ko labing-dalawang taon na ang nakalilipas, lagi na akong nagkukulong sa kwarto ko at tila'y nais ko'ng umiwas sa kahit na sinong taong makakasalamuha ko. Ang lola ko ang nagsilbing ina at ama ko noon dahil lagi na lang kompanya ang inaasikaso ng mga magulang ko. Sa murang edad ay tinuruan na ako nito ng mabuting asal na hindi ko man lang nagawa simula nang mawala siya.
Sa huli, tiningnan ko ang litrato naming dalawa ni lola at isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
"Xandre?" rinig kong tawag sa akin ng aking ina. Laging sinasabi ng dalawa kong nakatatandang kapatid na ipatawag na lang ako sa aming kasambahay ngunit matigas ang ulo ng ina ko dahil gusto niya'y siya ang tumawag sa akin.
Itinigil ko muna ang aking ginagawa at sumagot.
"Coming!" mahinang sigaw ko at tinungo ang pintuan ng kwarto. Sa aking paglabas, nakita ko ang nanlalaking mga mata ng aking ina, tila'y nagulat sa pagsagot ko. Sa ilang taong pagtatawag niya ay ngayon lang ako sumagot.
"Y-you answered?" nauutal na sambit niya.
"Mom, dad is waiting. Let's eat?" sabi ko at ngumiti. Tungo na lang ang naging sagot ng aking ina at sabay na kaming bumaba.
"What's the matter, Grace?" my father asked my mother. "Kanina ka pa ngumingiti," dugtong nito. Nasa hapag pa rin kami at kumakain. Napatigil ako sa pagnguya at nagsalubong ang mga mata namin ni Mommy Grace.
Nilingon niya ang aking ama.
"It's nothing, Allen. It's just that I'm glad that our son is doing great in school," sagot ng aking ina sabay lingon sa akin.
"As he should be," wika ni dad. "I am his father, the owner of Villaluna's Company. Kaya nararapat lang na isa siya sa pinakamagaling sa school nila. Hindi lang sana isa sa pinakamagaling, dapat siya ang pinakamagaling dahil baka mapahiya ako, worst is ang kompanya," dugtong pa nito.
Mabilis ko namang itinuon ang aking atensyon sa pagkain at hinigpitan ang kapit sa aking kutsara at tinidor. I HATE HIM. I REALLY AM.
Tumayo na si dad sa kinauupuan niya nang bigla itong tumigil.
"And don't forget, next day is the 12th death anniversary of your grandma, Xandre," sambit nito bago tuluyang umalis.
How can I forget my grandma's death anniversary? my mind said. Sa susunod na araw, bibisitahin namin siya sa kaniyang libingan gaya ng ginagawa namin taon-taon.
Ngayon ay naghahanda na ako para bisitahin ang aking lola. Nakakatawa lang dahil ang ibang tao, sa tuwing bibisita sila sa kanilang mahal sa buhay, it is either sa probinsya o di kaya'y sa siyudad sila pumupunta pero ako, sa kaniyang libingan. Labing-dalawang taon ko na itong ginagawa pero hindi pa rin ako nasasanay.
"Xandre, make it fast," rinig kong wika ng aking ina. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo ang sala. Alam kong nandoon na silang lahat, si dad, mom at ang dalawa kong ate ay ako na lang ang hinihintay.
"Let's go!" ma-otoridad na wika ng aking ama at kami ay nagsi-alisan na.
"Ate Ali, daan muna tayo sa flower shop," I suggested. Dalawa kami ni ate Ali sa sasakyan, habang si ate Max naman ay nasa kabilang sasakyan kasama ang kaniyang asawa, at ang mga magulang naman namin ay nasa kabilang sasakyan din.
"Let's do that brother," she answered. Napangiti naman ako.
Tumigil kami sa isang flower shop at pinili ang bouquet ng Daisy. Ito kasi ang paboritong bulaklak ng lola. Matapos makapili ay umalis na rin kami.
Sa wakas ay narating na namin ang cemetery. Agad naming tinungo ang puntod ni lola na kung saan ay katabi lang din ng puntod ng aming lolo at doon ay nagdasal.
Habang nagdadasal, iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan ang grupo ng mga tao. Kung kami ay bumibisita sa puntod, sila naman ay naglilibing pa lang. Ngunit sa paglibot ng aking mga mata, isang babae ang pumukaw ng atensyon ko. Hindi naman ganoon kalayo ang pwesto namin sa pwesto nila kaya klaro sa aking mga mata ang mukha niya.
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kaniya at isang bahagi ng kaniyang mukha ang tanging naagaw ng atensyon ko. Yun ay ang kaniyang mga mata. Wala itong bakas ng luha pero makikita mo sa kaniyang mga mata ang lungkot at pighati.
Napabalikwas ako nang may naramdaman akong sumiko sa akin. Nilingon ko si Ate Ali at tinanong ko kung bakit gamit ang aking mga mata. Nilinaw niyang tapos na ang pagdarasal kung saan hindi ko man lang namalayan.
Pauwi na kami at sa huling pagkakataon ay sinilayan ko muli ang babae. Inihagis niya ang isang puting bulaklak at mabilis na tinungo ang kinauupuan.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Husband
RomanceYana, an independent woman who is looking for a new job since she was fired from her previous work. Inakala ng boss niya na siya ang kumuha ng mamahalin nitong mga alahas na sinumbong ng kaniyang kasamahan sa trabaho. Unknowingly, etong katrabaho ni...