PROLOGUE

12 1 0
                                    

[A/N:] This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

-----

Ksenia's POV

"Hey, girl! Today's Friday kaya balak naming pumunta sa bar para you know. . .party party!" nakangiting imporma sa akin ni Jera, ang best friend ko simula pa noong first year college kami. "Birthday kasi ni Ate Roxanne kaya pupunta kami."

Third year college na kami sa kursong Bachelor of Arts in Literature. Tahimik lang kaming nag-uusap dahil nasa loob kami ng library. Mahirap na dahil sobrang istrikta talaga ng librarian dito. Halos pabulong na nga lang kami kung mag-usap.

"Pasensiya na~" Napakanta pa ako para lang sabihin sa kaniya ito. Ginaya ko pa pati tono ni Moira Dela Torre. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa party party na 'yan, Je. Tama na iyong unang beses na in-invite mo ako na halos mabingi ako sa ingay ng musika sa paligid. Ni hindi ako uminom ng alak pero nahilo ako dahil sa amoy nito."

Naalala ko pa noong unang beses na pumayag ako sa paanyaya niya, dahil akala ko'y magiging ayos lang ang lahat ngunit, hindi ko talaga nagustuhan ang nangyari. Lima kami sa grupo, dalawa sa mga 'yon ay mga pinsan ni Jera habang ang isa ay kaibigan ng mga ito, at lahat kami babae. Isa sa mga pinsan niya ay si Ate Roxanne na siyang may birthday ngayon.

May mga lumapit sa aming mga lalaki para makipagkilala ngunit, wala talaga akong interes sa kanila. Itong apat na kasama ko, halos kumandong na sila sa mga 'yon. Sa huli'y nagdesisiyon na akong umuwi dahil hindi ko na talaga kaya ang amoy at ingay. Buti na lang at pumayag kaagad si Jera kaya hindi ko na pinatagal at talagang nilisan ko na ang lugar.

"Hindi mo talaga ako love, best friend." Ngumuso pa ito pagkatapos. "Atsaka, baka magtampo si insan dahil hindi ka sasama. Isa ka pa naman sa mga inaabangan niya ngayon."

Close rin kasi kami ng mga pinsan niya.

"Hindi dahil hindi ako pumayag sa invitation mo, ibig sabihin no'n hindi na kita love. Siyempre love na love kita," sambit ko sabay yakap nang mahigpit sa kaniya. "Ikaw na gumawa ng paraan para hindi magtampo ang pinsan mo sa akin."

"Alam kong binibiro mo lang ako para hindi na ako maging malungkot."

"Hindi ah! Totoo kaya ang sinabi ko."

"So, sure na jud ka na dili ka muuban?" (So, sure ka na bang hindi ka sasama?)

Katulad ko ay marunong ding magsalita si Jera ng Bisaya dahil taga-Visayas ito. Ako naman ay taga-Mindanao. Kaya minsan ay kami lang ang nagkakaintindihan, at isa sa mga dahilan kung bakit kami mas naging malapit sa isa't isa.

"Siguradong-sigurado na po."

"O siya! Mauuna na ako ah. Mag-iingat ka sa pag-uwi, best friend. Alam mo naman sa panahon ngayon, baka bigla na lang may humalik sa 'yo. Naku! Sige ka."

"Coming from you na pupunta sa bar?" Natawa na lang kami pareho. "Sige na, umalis ka na. Maya-maya'y uuwi na rin ako. Atsaka, pakisabi sa pinsan mo na happy birthday sa kaniya. Sabihin mo na bawi na lang ako next time. Sana'y huwag siyang magtatampo sa akin."

May sinusulat kasi akong lecture notes kaya tambay muna ako rito sa library. Ayaw ko namang magsulat sa dorm na tinitirhan ko dahil sakali mang doon ko gawin, naku, tatamarin talaga ako.

Alas singko na nang tingnan ko ang oras sa aking cellphone.

Nag-inat ako ng aking mga braso at ginalaw-galaw ang aking ulo. Magsasara na ang library kaya dali-dali akong nagligpit ng aking mga gamit.

Dahil alas singko pa ay dumaan muna ako sa mall para mag-ikot-ikot. Balak ko rin kasing bumili ng art materials para sa gagawin kong scrapbook.

Madilim na nang makalabas ako ng mall. Dahil gabi na ay bumili na lang ako ng makakain sa isang fast food na sa bahay ko na kakainin. Kapag magluluto pa kasi ako ay baka hatinggabi na ako makakain.

Ilang metro na lang ang layo ko sa aking tinitirhan. Nilakad ko lang ang daan pauwi para kahit papaano'y makapag-exercise ako.

Tiningnan ko ang patay-sinding lamp post sa kaliwang bahagi sa harapan ng gusali. Matagal na namin itong ipinaalam sa may-ari ngunit wala pa rin palang aksiyon mula sa kanila. Kaya heto at madilim sa kaliwang bahagi habang maliwanag naman sa kabila.

Ilang hakbang na lang ako mula sa gusali ng dorm nang biglang may humawak sa aking pulsuhan, pagkatapos ay hinila ako papunta sa madilim na sulok. Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang mga labi nito sa mga labi ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong magpumiglas pero para akong estatuwang hindi makagalaw.

Dahil sa gulat ay hindi ko namalayang nakaalis na pala ito. Naiwan akong tulala at mag-isa. Inabot ng mga daliri ko ang aking mga labi.

"My first kiss."

My Anonymous KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon