CHAPTER 21

0 0 0
                                    

Ksenia's POV

TWO WEEKS LATER

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na ulit ito nasundan pa. Gulong-gulo na nga ako sa mga pangyayari, dumagdag pa itong si Kenzo. Naging cold ito sa akin ulit. Tuwing nagtatagpo ang aming mga mata ay siya na kaagad ang nagpuputol. Hindi niya na ako nilalapitan sa tuwing nakatambay kami sa mini forest. Muli kaming bumalik sa dati pagkatapos lamang ng dalawang linggo. Ang tanging pinagkaabalahan ko lang ay mag-aral at mag-review ng lessons. Last week kasi ay nag-exam kami kaya parang nakalimutan ko na ang mga pangyayari.

At isa pa itong anonymous kisser ko, hindi na rin ito nagparamdam. Dapat akong matuwa pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hinahanap-hanap ko siya. . .ang presensiya niya.

Dahil bumalik na nga kami sa dati ni Kenzo ay wala na akong natatanggap na masasamang titig mula sa ibang estudyante. Mas mabuti na rin 'yon at nang tumahimik nang muli ang buhay ko.

"Best friend, hello!" Masigla akong binati ni Jera nang magsalubong kami sa hallway. Papunta na kami sa aming classroom para sa first subject sa umaga.

"Masigla ka yata?"

"Well. . .palagi naman akong masigla." Tama siya, araw-araw naman siyang masigla sa tuwing magkasama kami. "Si Kendrick? Sabay ba kayong pumunta rito?"

Nabigla ako pero hindi ko na lang pinahalata sa kaniya. Unusual for her na hanapin si Kendrick sa akin. Hindi kaya. . .?

"Oo, magkasabay nga kami. Bakit mo natanong? You have plans?"

"Huh!? Wala naman. N-Natanong ko lang."

And not her usual self. Ang lalaking mahilig niya lang kasing pag-usapan kapag kaming dalawa ay si Kenzo.

"May gusto ka ba kay Ken, Je?" Dinirekta ko na siya. Sa relasiyon namin, wala nang patumpik-tumpik pa.

"Huh!? S-Saan mo naman n-nakuha ang ideya na 'yan?"

Nauutal siya kaya may kakaiba talaga.

"Wala naman. Natanong ko lang din." Nagkibit-balikat ako. "So, ano ang sagot mo? Yes or no?"

"Hindi ko alam."

Bahagya akong natawa. "Bakit naman hindi mo alam? Or ayaw mo lang talagang malaman ko?"

"Saka na, best friend, kapag may lakas ng loob na akong sabihin sa 'yo."

Kung wala naman talaga siyang gusto kay Ken, madali lang naman niyang sabihing hindi. Pero, iba ang sagot niya kaya nakakapanghinala talaga.

Since katatapos lang ng exam namin, puro discussions na naman ang nangyari. Nang matapos ay dumiretso na kami sa cafeteria para mananghalian.

"OO NGA pala best friend, iyong sinabi ni Ate Roxanne, ngayong Sabado. Sasama ka ba?"

Napag-usapan kasi nilang pupunta kami ng beach resort ngayong Sabado. Since katatapos lang daw ng aming exam at para makapag-relax na rin.

"Kung wala namang masiyadong gawain ay sasama ako," tugon ko.

"Si Kendrick? Sasama ba siya?"

"Gaya ko ay sasama siya kapag walang masiyadong gagawin about school."

Hindi pa kami kumain dahil hinihintay pa namin si Ken. And speaking of him, patakbo siyang lumapit sa aming kinapupuwestuhan.

"Kanina pa kayo rito?"

Bigla kong naramdaman ang pagkailang ni Jera nang dumating ito. Si Kendrick naman ay hindi ito napansin.

"Bago lang din. Tara! Pumila na tayo, Je."

My Anonymous KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon