Ksenia's POV
Hindi ko na alam. Nababaliw na ako! Bakit ko naman sinabi 'yon? Ano na lang kaya ang iisipin niya tungkol sa akin? Baka sabihin niyang easy girl lang ako. Araw-araw pa naman kaming magkikita. Ang gulo talaga!
Dalawang araw bago ang interschool competition, mas todo ang aming ensayo. May awkwardness din sa pagitan namin pero dahil mas nakatuon kami sa competition ay hindi na namin ito masiyadong napapansin.
Isang araw bago ang competition, nagkaroon ng parade ang mga school na kasali. Grabeng yells and cheers ang naganap sa bawat eskuwelahan. At dahil magka-team at isa kami sa representative ni Kenzo, ay magkasama kami. Ang ibang walang sinalihan ay nasa kani-kanilang department. Kaya hindi kami magkasama nina Jera at Kendrick.
Nagkaroon ng program, intermission numbers and speech mula sa president ng school. Sa tingin ko'y mas masaya ngayon ang interschool competition kaysa nitong nakaraang taon. Siguro ay dahil isa ako sa representative.
Pagkatapos ng program ay umuwi na kaagad ako. Sabi kasi ng team leader namin na si Kenzo ay para raw makapagpahinga kami para bukas. Hindi pa dumarating ang bukas pero sobrang kinakabahan at excited na ako. Hindi na rin kami nagsabay ni Kendrick pauwi dahil may ginagawa pa sila sa school.
KINABUKASAN, habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon, hindi ko mapigilang hindi kabahan ulit. Ngayon na ang araw ng competition kaya normal lang sigurong maramdaman ito.
Naghanda na ako, marami akong nakaing agahan para naman may lakas. At dahil nauna akong lumabas, ako na ang naghintay kay Kendrick mula sa labas ng pintuan ng kaniyang silid. Nang lumabas na siya'y umalis na kami.
"Best friend, huwag kang kabahan ah. Talunin mo silang lahat. Naniniwala kami sa kakayahan mo. Pangarap mo 'to kaya alam kong sobrang pinaghandaan mo. Laban, best friend!" Natutuwa ako sa sinabi ni Jera. Mas lalo akong na-motivate na mas pagbutihin ang gagawin.
"Ksenia, nandito lang kami sa likod mo, nakasuporta. Kung kinakabahan ka, tumingin ka lang sa akin para mawala 'yon."
"Sa 'yo lang? Paano naman ako?"
"Eh 'di sa aming dalawa, Ksenia. Ayaw magpatalo ng isa diyan eh. Gusto laging kasama siya."
"Ako ang best friend!"
"Kaibigan din naman ako ah!"
"Pupuntahan ko na muna si Kenzo at Analie, kaya maiiwan ko na muna kayo diyan. Mag-away lang kayo, walang aawat sa inyong dalawa."
Si Analie ang isa naming kasamahan na mas bata sa amin ni Kenzo.
"Ready na kayo?" tanong sa amin ni team leader.
"Ready na po, Kuya!" wika ni Analie.
"How about you, babae? Ready ka na ba?"
Napanguso ako. Ni hindi man lang kayang sabihin ang pangalan ko.
"Wala akong choice, lalaki." Akala niya siya lang ang marunong ah.
"May oras ka pa para mag-back out. Gusto mo ba?" Nakataas pa ang kanang kilay niyang nagpadagdag sa kaniyang kaguwapuhan.
"Ikaw ang gusto ko." Parang gumuho ang aking mundo dahil sa sinabi kong ito. Kaagad na umiling-iling ako.
Napangisi si Kenzo kaya biglang uminit ang mukha ko. Hindi na ako ang Ksenia na kilala ko. Masiyadong open na ang Ksenia na ito ngayon. Pero buti na lang tatlo lang kami ang naririto.
"Ate Ksenia, interschool competition ang mayroon, hindi interschool confession," bulong ni Analie.
"Sa atin lang 'yon, Lie, huwag mong ipagkakalat ah," bulong ko naman sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Anonymous Kisser
RomansHi! I'm Ksenia, a lovable daughter who went to Manila to study college. One day, while walking home to my dorm, I suddenly felt a hand that grabbed my wrist. He pulled me into the dark and casually pressed his lips on mine. Nervousness and shock cam...