CHAPTER 9

2 0 0
                                    

Man's POV

Nakatitig ako sa sariling repleksiyon sa salamin. Katatapos ko lang maligo pero nandito pa rin ako sa banyo habang hubo't hubad. Ilang butil din ng tubig ang nahuhulog mula sa aking makapal at itim na buhok. Hindi ko rin napigilang hindi mapatingin sa aking mga labi.

Those lips I am wanting to taste again. It must be only five times pero laging hinahanap ng mga labi ko ang mga labi niya. Kaya muli ko siyang nilapitan at hinalikan. . .for the sixth time. Tila'y nasasanay na akong halikan siya. Kung hindi lang dahil sa bagay na 'yon ay hindi ko ito gagawin. Pero habang tumatagal ay hindi na dahil sa bagay na ito ang dahilan kung bakit ko iyon ginagawa, kundi dahil gusto ko at lagi kong hanap-hanap. When that feeling of regret turns into pleasure. Parang droga ang mga labi niya — I am addicted.

I want to end this, but how can I kung hindi na ito maalis sa isipan ko? I want to end this nightmare, pero ang akala kong bangungot ay isang magandang panaginip pala.

Pagkatapos ko siyang halikan kanina'y dali-daling akong umalis. All I can say is. . .that was the best kiss I have ever had in my whole existence. And it was the first time na tinugon niya ang halik ko. Maybe because I was gentle and made it the most passionate way. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon. Iniisip niya kaya ako? Iniisip niya kaya ang pinagsaluhan naming halik kanina? O baka ay pinagsisisihan na niya ito ngayon.

Kinuha ko na ang tuwalya na magbabalot sa pang-ibabang katawan ko. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis.

Nang tuluyang matuyo ang aking buhok ay nahiga na ako. Napatitig sa kisame habang inaalalang muli ang nangyari. Napangiti ako. Now that we are living in the same roof, mas madali sa aking lapitan siya. Pero, I need to be careful sa bawat hakbang na gagawin ko dahil ayaw ko munang malaman niya ang tungkol dito. Lalo na't araw-araw kaming nagkikita.

MAAGA akong umalis ng dorm dahil may kailangan pa akong puntahan.

"Maraming salamat po!" Tinanggap ko ang box of chocolates na binili ko. "Sa tingin ninyo po ba ay magugustuhan niya ito?" tanong ko sa may-ari.

"Aba! Kung nililigawan mo siya at mahilig siya sa tsokolate, sigurado akong magugustuhan niya 'yan. Magtiwala ka lang." Napangiti ako sa sagot nito.

"Maraming salamat po ulit, ma'am!"

Nilisan ko na ang lugar at dumiretso na ako sa campus.

Sikretong pinuntahan ko ang locker niya at doo'y inilagay ang binili kong tsokolate. Inilapag ko lang ito sa taas na bahagi dahil hindi ko naman mabuksan ang locker niya. Lumingon-lingon pa ako sa paligid sakaling may ibang tao. Mabuti na lang talaga at maaga pa, wala pang masiyadong estudyante. Siguro naman ay walang nakakita sa akin. . .sana lang.

Nagmamadali akong umalis na parang walang nangyari. Sana'y walang nakakita sa ginawa ko. Dumiretso na ako sa aming silid para saglit na umidlip. Maaga kasi talaga akong nagising at naghanda para rito. I never did this in my entire life. . .ngayon lang talaga. Natawa na lang ako sa aking sarili. Tinamaan na yata ako.

Nagising lang ako nang makarinig ng ingay mula sa aking mga kaklase.

Natapos ang unang subject ko, at dahil isang oras pa bago ang susunod na subject ay lumabas na muna ako para magpahangin. Tinungo ko ang mini forest at naghanap ng lilim. Pupuwesto na sana ako nang mahagip ng aking mga mata ang isang dalaga. Tila'y may hinahanap ito base sa kaniyang hitsura at ulong palinga-linga.

"Is she looking for that man?" I clenched my fist dahil sa inis.

Bigla akong napaisip — "who cares kung hinahanap niya ang lalaking 'yon? As if naman may relasiyon silang dalawa."

Napapangiti na lang ako habang nakatitig mula sa hindi kalayuan. I find her cute.

Nang matapos sa katititig sa kaniya ay tuluyan na akong nagpahinga sa lilim. I get distracted whenever I see her, kaya pinutol ko na ang titig ko sa kaniya. I didn't know na magiging ganito ang epekto niya sa akin. It's thrilling, at the same time. . .exciting!

Pagkatapos ng isang oras ay bumalik na akong muli sa aming silid. Time flies so fast, hindi ko namalayang isang oras na pala ang nakalilipas.

Lecture. . .lecture. . .lecture. . .buong araw ay lecture. But, it was not boring at all. Mas gusto ko pa yatang mag-discuss lang ang professor buong araw kaysa gumawa ng kung ano-ano.

Pagkatapos ng huling klase sa hapon ay mabilis na nilisan ko ang campus. Kailangan ko palang bumili ng art materials sa mall para sa gaganapin naming activity next day sa art club.

May interschool competition kasing magaganap at bawat club ay kailangang may representative. Para makapili nito ay dapat sumailalim muna sa evaluation ang bawat miyembro, at kung sino man ang mapipili ay siyang magiging representative ng school.

Kailangan ko nang simulan ang pag-practice dahil ayaw ko namang mapahiya sa lahat. Lalong-lalo na sa kaniya.

Gabi na nang makauwi ako. Binaybay ko ang daan papunta sa dorm nang sa hindi inaasahan ay nasa unahan ko pala si Ksenia. Dahan-dahan lang ang paglalakad nito kaya ang mabilis na lakad ko kanina ay bumagal na ngayon. Ayaw kong malaman niyang nasa likod niya lang pala ako. At ayaw kong lumapit sa kaniya dahil alam ko sa sarili kong I'll get distracted — I might kiss her kahit wala sa plano ko ngayong gabi. Kailangan kong mag-ensayo para sa nalalapit na evaluation. Huwag na muna ngayon, Ksenia. . .maybe after the evaluation.

My Anonymous KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon