Kenzo's POV
Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Ksenia sa bar. Mahahalata sa mukha nito na narinig niya ang lahat. Nagkatitigan kami ng ilang sandali hanggang sa tinalikuran niya ako at umalis. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko magawa. Nahihiya ako sa kaniya. Natatakot na baka mas lalo niya lang akong kamuhian dahil dito.
Muli ako umupo at nilagok ang bote ng alak. Ni hindi ko naramdaman ang pait nito. All I think about in that moment was her — Ksenia.
"So, ngayong alam na niya ang tungkol dito, itatago mo pa rin ba sa kaniya? You know, Kenzo, mas lalo lang siyang magagalit sa 'yo kapag hindi ka naging tapat sa kaniya. Mahahalata namang may gusto ka na sa kaniya. So, ililihim mo pa rin ba rito?" salaysay ni Alfred.
Napabuntonghininga na lang ako at muling tumungga. "Kailangan ko pa rin bang ilihim kung narinig naman niya ang lahat kanina? It will be useless," sambit ko.
"Exactly!" malakas na wika ni Iñigo. "Hangga't hindi ka pa niya lubusang kamuhian, sabihin mo na."
Minsan lang magkaroon ng sense ang dalawang 'to. Pero kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako.
"Oo nga pala." Pareho nilang itinuon ang kanilang atensiyon sa akin. "Bakit parang suportado kayo sa akin ngayon? Hindi ba't ayaw na ayaw ninyo si Ksenia para sa akin?"
Parang kailan lang ay tinatawanan nila ako dahil nagkagusto ako sa babaeng 'yon. Ngayon. . .they are giving suggestions para magkaayos kami at hindi na mas lumalim pa ang galit nito sa akin.
Nag-patay-mali na lang sila at kunwari ay hindi narinig ang sinabi ko. Alam kong sa kaloob-looban nila na they care for me. We're best of friends after all.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa bar hanggang sa magdesisiyon na kaming umuwi. Sana naman ay nasa dorm na si Ksenia. Sasabihin ko na sa kaniya ang lahat — every detail of it. Sana lang ay kausapin niya ako.
Pero ang akala kong nasa dorm na ay nandito pa rin pala sa bar. Nakita ko ang mga kaibigan niyang inaawat siya sa pag-inom ng alak, kaya ako'y lumapit na.
"Best friend, tama na kasi 'yan. Ano ba ang problema mo bakit ka nagkakaganiyan?" Pilit na inaagaw ni madaldal ang baso mula sa kaniya pero iniiwas niya ito para hindi makuha.
"Ksenia, tama na 'yan! Umuwi na tayo. Lumalalim na ang gabi," wika ng isa niyang kasama, iyong isa sa mga kasama niya sa resort. Pinagmasdan ko na muna sila bago ako gumawa ng hakbang. Sina Alfred at Iñigo ay nauna na dahil may gagawin pa raw sila.
"Hayaan ninyo m-muna ako! G-Gusto ko lang i-ilabas ang l-lahat ng s-sakit na 'to!" Nasaktan ako sa sinabi niya. Ang sakit na tinutukoy niya, alam kong dahil sa akin.
Tuluyan na ngang bumagsak ang katawan niya sa sofa dahil sa tama ng alak sa kaniya.
"Hi!" Tuluyan na nga akong nagsalita at lumapit sa kanila.
"Kenzo!?" Gulat ang namayani sa mukha ni Jera. "Ano'ng ginagawa mo rito!?"
"Nandito lang ako para tulungan kayo," tugon ko.
"Teka! Pamilyar ka sa akin, lalaki." Tinuro pa ako nito.
"Si Kenzo, Ate Rosie, iyong sa resort." Si Jera na ang sumagot.
"Ah! Tama! Siya iyong guwapong lalaki pero mukhang masungit!"
"Tama ka na, Ate Rosie," wika ni Jera.
Napakamot na lang ako ng aking ulo dahil sa hiya.
"Okay lang bang tulungan ko kayo kay Ksenia? Ako na ang maghahatid sa kaniya since alam ko naman kung saan siya nakatira," pahayag ko sa kanila.
"No! No! No!"
"Hindi maaari!"
"Hindi kami papayag, Kenzo!"
Sabay-sabay pa silang nagsalita.
"Y-You know, nasa iisang gusali lang kami. You can trust me on this. Hindi ko kayo bibiguin."
"At kailan ka pa niya naging kapitbahay, aber?" Napahawak sa kaniyang mga baywang si Jera habang matalim na nakatingin sa akin.
"Ilang linggo na rin ang nakalilipas. Kahit tanungin mo pa si Ksenia tungkol dito, at iyong kaibigan ninyong lalaki. Si Cedric ba 'yon?" I'm bad at familiarizing names talaga, lalo kung hindi naman close sa akin.
"Ang babaeng ito, hindi man lang ipinaalam sa akin." Inirapan pa nito ang kaibigan na animo'y makikita siya nito.
"Babae si Ksenia, at lalaki ka, we never know kung ano ang puwedeng mangyari. Lalo na't lasing itong Ksenia namin," sambit ng babaeng tinawag ni Jera na Rosie.
Gusto ko silang tulungan. Alam kong mahihirapan sila sa pagbubuhat sa babaeng wala na sa katinuan. Tulog na tulog na at hindi na makausap.
"Promise po! Hindi ko kayo bibiguin. Kung gusto niyo ay samahan ninyo ako sa paghatid sa kaniya. I will never do anything bad to her. Trust me!"
Base sa mga mukha nila'y malapit ko na silang makumbinsi.
"Okay! Kilala ka naman ni Jera kaya papayag kami. Siguro naman hindi siya masamang tao ano?" Bumaling ito kay Jera.
"Sa tingin ko naman po, hindi, Ate Mae."
"Okay! Sasama kami sa paghatid sa kaniya. Just make sure na walang mangyayaring hindi namin magugustuhan kundi ay malalagot ka sa amin. Kailangan wala siyang pasa o sugat sa oras na magkita kaming muli. Naiintindihan mo, lalaki?" diing wika nito.
"Masusunod po, Ate Rosie." Yumuko pa ako.
"Aba! Nakiki-ate pa nga!" Gulat ang mukha nito.
"Oh siya! Buhatin mo na ang babaeng ito at nang makapagpahinga at makauwi na rin tayong lahat," sambit naman ng tinawag na Ate Mae.
Dahil dito'y nilapitan ko na si Ksenia at akma nang hahawakan nang magsalita silang muli.
"Huwag sa pribadong parte!" sabay-sabay na sambit nila. Bahagya akong nagulat dahil dito, pero tumuloy na ako.
"NANDITO na tayo," sambit ko. Nakasakay kami ng taxi dahil hindi ko na talaga inabalang gamitin ang sasakyan ko. Nakainom kasi ako and I won't take a risk.
"Alam namin," sabay-sabay na wika nila. Members ba sila ng choir at kailangan sabay lagi?
"Sinabi ko lang naman." Para akong pinapaligiran ng mga babaeng Amazona — matatapang.
Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin. Binigyan ko na rin sila ng pera para sa pamasahe nila. Ayaw nga nilang tanggapin sa una pero sobrang pinilit ko talaga. Pasasalamat ko sa tiwalang ibinigay nila sa akin.
Hinanap nila ang susi ng dorm ni Ksenia para maipasok na ito sa loob.
"Saan ba inilagay ng babaeng 'to ang susi?"
Tila'y nahihirapan na si Jera patungkol dito. Kanina pa kasi nila hinahanap ang susi sa bag nito. Nagsalit-salitan na nga sila sa paghahanap pero wala pa rin.
"Naku! Paano ba 'to? Hindi naman natin mabubuksan ang kuwarto niya kung walang susi," wika ni Ate Mae.
Buhat-buhat ko si Ksenia at medyo ngalay na ako.
"What if sa kuwarto ko na lang muna siya?" Nilingon nila ako at binigyan ng nakakatakot na tingin. "Suggestion ko lang naman. Puwede namang hindi, puwede rin namang oo."
Feeling ko isa akong tuta na napapaligiran ng mga lobo.
"Kenzo, kilala kita. Sana naman ay huwag mong bibiguin ang kaibigan ko. Mahal namin 'yan kaya sana'y ingatan mo siya. Inaantok na rin kasi ako kaya ipasok mo na 'yan sa kuwarto mo." Natawa na lang ako sa huling sinabi ni Jera.
"You can trust on me. Kung nagdududa pa rin kayo, puwede rin naman kayong matulog sa kuwarto ko. . .if you want."
"Hindi na. Aalis na kami. Basta, ang payo namin sa 'yo, lalaki ah. Huwag na huwag na huwag mo kaming bibiguin." Tinapik-tapik pa ni Ate Rosie ang balikat ko na medyo nangangalay na talaga.
Bumaba na nga kami dahil nandoon ang aking kuwarto. Napabuntonghininga ako nang mailapag ko na si Ksenia sa aking kama. The very first time na may babae sa kama ko.
Nagpaalam na sila at nang makalayo na'y isinarado ko na ang pinto.
BINABASA MO ANG
My Anonymous Kisser
RomanceHi! I'm Ksenia, a lovable daughter who went to Manila to study college. One day, while walking home to my dorm, I suddenly felt a hand that grabbed my wrist. He pulled me into the dark and casually pressed his lips on mine. Nervousness and shock cam...