Ksenia's POV
Sumapit ang isang linggo, hindi na siya muling nagparamdam sa akin. Trip trip lang ba talaga ang loko? Halatang pinaglalaruan lang ako.
Nakatambay ako ngayon sa mini forest para hintayin ang next class namin. Umalis na muna si Jera para bumili ng pagkain — nagutom daw kasi siya.
Habang nagsusulat ng lecture notes ay naramdaman ko ang isang presensiya sa aking tabi.
"Ano'ng binili mo, Je?" tanong ko rito at lumingon. Ang akala kong si Jera ay hindi pala. "Ano'ng ginagawa mo rito!?"
"Bawal ba ako rito? Estudyante rin naman ako ah."
"Puwede naman, pero huwag sa tabi ko."
"Bakit? May nakahahawang sakit ka ba?"
"Puwede ba! Huwag mo akong daanin sa ganiyan. Hindi nakakatuwa!"
"Sinabi ko bang matuwa ka?"
"Alam mo, Kenzo, kung may balak kang guluhin ako, sa ibang araw na lang, busy ako."
"Ginugulo ba kita? Umupo lang naman ako ah."
Inirapan ko na lang siya at muling nagsulat. Wala akong mapapala kung makikipagsagutan ako sa kaniya.
"Tyamba lang ba 'yon?"
"Ang alin?" Hindi ko sana siya balak kausapin pero naintriga ako sa tanong niya.
"Ang pagkapili sa 'yo para sa interschool competition."
"I did my best. Iyon ang alam ko."
"Everyone did their best pero hindi naman sila napili."
"Competition is a competition, Kenzo. Hindi lahat napipili para maging representative. Everyone did their best? So, gusto mong piliin ang lahat ng sumali? Atsaka, ano ba ang gusto mong sabihin? Diretsuhin mo nga ako!"
Naiinis na ako sa kaniya. Ang tahimik kong buhay ay ginulo niyang muli.
"Ikaw. . .ikaw ang gusto ko." Inilapit pa nito ang mukha sa akin kaya kaagad na napaatras ako.
"A-Ano!?" Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
"Ikaw ang gusto kong asarin. Pero ano ba ang gusto mong sabihin ko sa 'yo? Do want me to congratulate you? Iyan ba?"
"Wala akong sinabing ganiyan!"
"Then, what?"
"W-Wala! Ang gusto ko lang ay umalis ka. Ganiyan lang kadali."
"Okay! But before that, nasaan ang mga alagad mo? Bakit nag-iisa ka?"
Mga alagad? Sina Jera at Kendrick ba ang tinutukoy niya?
"You don't need to know. Hindi ka naman importante para malaman pa 'yon."
"That hurts."
"Nasasaktan pala ang isang katulad mo?" natatawang tanong ko sa kaniya.
Akma na itong aalis nang siya'y aking hinawakan sa braso.
"What now!?"
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kaniyang leeg. Bigla ko kasing naisip na amuyin siya. Gusto ko lang malaman kung magkapareho sila ng amoy ng anonymous kisser kong 'yon.
"S-Saglit lang."
"What are you doing!? Are you trying to kiss me!?"
Tumuwid ako ng upo at bahagyang lumayo sa kaniya.
"Kiss you!? Excuse me! Never! In your wildest dreams! Assumero!"
"Ikaw itong nilalapit ang mukha kanina sa leeg ko. Isn't that enough para sabihing you're attempting to kiss me?" May ngiting sumilay sa kaniyang mga labi.
BINABASA MO ANG
My Anonymous Kisser
RomanceHi! I'm Ksenia, a lovable daughter who went to Manila to study college. One day, while walking home to my dorm, I suddenly felt a hand that grabbed my wrist. He pulled me into the dark and casually pressed his lips on mine. Nervousness and shock cam...