INA

77 5 0
                                    


Ina isang salita tatlong letra
Tawag sa kaniya mommy Nanay o mama
Sakripisyo niya ay walang katumbas na halaga
Pagmamahal niya ay kakaiba Pagpapahalaga at pagmamahal kayang ibigay sa kaniya

Tuwing magkakasakit aalagaan ka
Kung matutulog ay yayakapin pa
Papaluin kung may maling nagawa
Hindi dahil galit kundi para itama ka
Hindi naman yung sobra sobra
Na halos katawan mo'y sumuko na

Ina na nagsilbing maestra simula noong ako'y bata pa
Tinuruan ako ng tamang desiplina
Maging tamang pakikitungo sa kapwa
Pinalaki akong marunong tumayo sa mga sariling paa
Ngunit kung wala siya hindi ko na alam kung aking kakayanin pa

Minsan mahirap intindihin
Ngunit kay sarap isipin
May inang sayo'y lalambing

Kaya niya magpaka Ama
Pero pagiging kaibigan niya ay ibang iba
My the best ever best friend ko siya

Kasama sa chismisan at kulitan
O kahit sa kalungkutan man 'yan

Mahirap kung siya'y mawala
At hindi ko maisip ang buhay ng siya'y wala
Kaya hanggat nariyan
Ipadama ang pagmamahal at arugang dapat niyang makamtan


nejziur_reverie

Ps:Be proud and love our mother.

TULA(✓)Where stories live. Discover now