AMA

57 4 0
                                    

Walang papantay sa sakripisyo niya
Simula noon hanggang ngayon
Binigay aming mga pangangailangan
Aming ninanis sa buhay

Mahirap man ang trabaho
Nagtitiis siya para sa aming pamilya
Minsan nailalayo pa
Pero okay lang tinitiis ang pangungulila
Kumita lamang at may panggastos na

Mahal nila ni ina ang isat isa
At ganoon rin kaming mga anak nila

Mahal niya ang musika kahit hindi siya ganon kamahal nito
Mahina ang loob pero sumubok lumayo
Kamukha ko siya at ako ang babaeng version niya
Maganda ang kutis niya dahil mabilis pumiti
Kulay kayumanggi at mataas rin siya
Syempre gwapo saan pa ako magmamana hindi ba?

Mahilig siya sa k-drama at anime tulad ni Ina
At iyon ang pinagkakaabalahan nila
Tuwing sila ay namamahinga

He's not romantic But effortic
He's sweet too

Panganay siya sa magkakapatid
Kaya maagang namulat at nagkaroon ng responsibilad
Ang kasalukuyang trabaho niya ay nagkokonstraksiyon
Siya ay isang magsasaka
At proud ako sa kanya.

Oo simple lang ang aking ama
Pero kami ay sobrang swete sa kanya
Hindi siya tulad ng iba na tambay na nga lasinggero pa
Responsable ang aking ama

Yan ang aking ama
Minamahal namin ng sobra
At minamahal kami ng higit pa

Hindi ko man masabi ito dahil sa hiya
At hindi naman ako yung tipong nagsasabi nitong linya
Dahil kaya ko naman ipadama
Mahal na mahal kita Dadee ko.

nejziur_reverie

Ps:Be proud to our beloved father♥️

TULA(✓)Where stories live. Discover now