ALAALA MO SINTA

44 5 0
                                    

Kamusta kana aking sinta?
Ika'y aking namimiss na
Ilang linggo na
Nang tayong dalawa ay wala na

Sana iyo pang na aalala
Bawat sandali nating dalawa
Na tayo ay magkasama pa

Masasayang araw nating dalawa
Ay sariwa pa
Sa aking mga alaala

Hindi ko alam bakit hindi ka mawala
Sa aking isipan sinta
At tanging iyong alaala
Ang aking nakikita tuwing ako'y pipikit na

Isa lang ang aking hiling sinta
Wag mong pababayaan sarili mo
Ngayong ako'y wala na sa piling mo

Sana masaya ka na sa piling niya
Dahil wala akong ibang hiling pa
Kundi ang makitang masaya ka sinta
Kahit hindi na ako ang dahilan pa

Kahit pa sa piling na ng iba
Basta ba makita kitang masaya
Ako ay sasaya na
Kahit sobrang sakit pa na makita na kapiling mo'y iba

nejziur_reverie

TULA(✓)Where stories live. Discover now