HAPPY BIRTHDAY (2)

23 4 0
                                    

A/N: This is for a birthday Boy turning 18

Binata ka na
Siguro may girlfriend ka na rin
Ang tangkad mo na
Ilang taon kana nga ba?

Pag-aaral ang atupagin
Huwag ang bisyo
Piliin mo barkadang sasamahan mo Yung mabait tsaka matino
Hindi laman ng kalsada at nagbibisyo Hindi man matalino basta may puso Iaangat ka kasama sila hanggang makapagtapos ng kolehiyo

Maraming laro ang pwedeng laruin mo
Pero huwag puso ng babaeng sayo'y nakakagusto
Tandaan mo babae ang nanay mo
Dagdag mo na kung may kapatid kang babae
Isipin mo yung nararamdaman nila
Kung sa kanila mangyari ang panloloko mo sa iba

Hiling ko na makamit mo lahat ng mithiin sa buhay mo
Lumaki kang mabait maginoo
Hindi matigas ang ulo

Nasa tamang edad ka na
Pagiging pasaway ay bawas bawasan na
Masarap mabuhay ng payapa
Kaya sa gulo ay lumayo ka

Sa kalye maraming gulo
Sa eskwelahan ika'y matututo
Sa lansangan kinabukasan mo'y masisira
Kaalaman,karunungan sa eskwelahan mo makakamtan

Maligayang kaarawan sayo Ginoo Nawa ay makahanap ka ng taong magmamahal sayo ng totoo

nejziur_reverie

TULA(✓)Where stories live. Discover now