Chapter 4

83 6 1
                                    

Wryzhi POV.

"RYZ!!" Napatakip ako sa tenga ko at talikod sa tili ni Nancy.

Andito ako ngayon sa airport dahil nag pasundo ang bestfriend ko na galing sa Japan. Kahit ang dami kong gawain ay sinundo ko parin sya, ayokong magtampo sa akin ang babae nato.

Sya ang dahilan kung bakit ngayon ay buo na muli ako, ni kailan man ay hindi nya ako hinayaan mawala sa sarili noong kailangan na kailangan ko ng kasama.

"I miss you, Ryz." Niyakap nya ako pagkaharap ko.

"I miss you too." Niyakap ko sya pabalik.

"Hindi naman halata sa boses mo na ayaw mo na akong makita, sana hindi mo nalang ako sinundo kung ganun rin naman." Humiwalay sya ng yakap sa akin at nauna ng lumapit sa sasakyan ko.

Napailing nalang akong lumapit sa kanya at ng tabanan ko ang bagahe nya para sana tulungan sya ay binitawan nya ito ng natabanan ko na at saka ako iniwan.

"Hirap ng may topak ang kaibigan." Matapos kong maiayos ay pumunta na ako sa driver seat.

Walang imik akong nag maneho habang sya ay natutulog nalang, hindi ako pinapansin.

Ayokong ipagpatuloy nya ang pagmamahal na meron sya ang kaso ay hindi ko alam kung itinigil nya na iyon. Simula kasi ng maging magkaibigan kami ay nagkagusto na sya sa akin, maaari na kinalimutan nya na ang nakaraan na mayroon kami.

Halos anim na taon na iyong panahon na ginusto nya ako, simula ng mawala si Trisha ay hindi naman na kami muli nakapag-usap tungkol sa nararamdaman nya.

Ilang beses ko na syang pinagkatulakan at hindi pinapansin pero patuloy parin ang pakikisama nya sa akin bilang kaibigan. Hindi nya isinasali ang kanyang nararamdaman sakin.

Napatingin ako kay Nancy ng gumalaw ito, gising na sya. Nakatingin sya sa labas nang bintana ng kotse.

"Saan kita ngayon ihahatid?"

"Kung okay lang sana sayo, sa bahay mo muna." Hindi ako nakaimik.

Siguro ay pagod lang sya kaya gusto nya munang mag pahinga sa bahay ko. Isa pa ay kaibigan ko naman sya, walang mali kung papatuluyin ko.

"Sa hotel nalang kung hindi okay sayo." Napasulyap ako kay Nancy na hanggang ngayon ay sa bintana ang tingin.

"It's fine, Nancy." Hindi ito sumagot kaya pinagpatuloy ko nalamang ang pag drive.

Buong byahe ay naging tahimik nang maputol na ang pag-uusap namin. Nag-aalala ako na baka lumayo sya sakin ng dahil sa kanina.

"I'm sorry." Sabi ko pagkababa nya ng kotse.

"Saan?" Parang hindi nya alam kung saan iyon, halata naman na nagtampo sya nang dahil sa mukhang hindi ako masaya na makita sya.

"I'm happy to see you, Nancy. It's been a long months."  Ilang buwan rin ang itinagal nya sa Japan nang may shoot sya don.

"Hindi mukhang masaya, Ryz." Walang gana nyang sinara ang pinto.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko kayang ipakita na nalalapit na ako sa kanya. Malaki ang nagawa kong kasalanan noon, ayoko rin syang saktan muli.

Lumabas na ako sa sasakyan at pumasok na sa loob, kinuha nya na ang kanyang mga bagahe.

Kung sa condo ako matutulog ay mag-isa lang sa bahay si Nancy, parang ang pangit kung wala yung may-ari ng bahay sa bahay.

Inantay kong bumababa si Nancy para ayain mamili ng mga pagkain at para na rin sa bahay, hindi ko ito natitirhan kaya walang ka gamit-gamit lalo na sa mga kusina.

In 31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon