Chapter 7

68 7 2
                                    

WARNING: R🔞
Ang chapter na ito ay may malaswang kaganapan.

Nancy POV.

Sabi nya babawi sya sakin, sana tuparin nya ang pangakong binitawan, umaasa ako.

'Huwag mo sana akong biguin, Ryz.' Sambit ko sa aking utak. 

Alam kong hindi nya ako bibiguin simula ngayong araw na akin sya at sa kanya ako. Mapagtanto nya na sana na kahit papiliin ako ay saya lang ang pipiliin ko. Mahal na mahal ko sya kahit na sobrang sakit nang dati nyang ginawa sa akin. Hindi ko parin talaga sya kayang iwanan nang tuluyan, alam ko kasi sa sarili ko na mamahalin nya rin ako pagdating nang panahon.

Magdidilim na ngunit wala pa akong Wryzhi na nakikita rito sa buong bahay niya. Saan ka na ba napadpad?

Sinubukan kong tawagan ang number nya pero hindi nya sinasagot. Ring lang ito nang ring, baka napano na sya.

Kasalukuyan akong nasa kwarto habang hinahantay sya, naboring na ako sa ibaba kaya umakyat na muna ako upang kunin ang selpon at tawagan sya ang kaso hindi nya naman sinasagot ang tawag ko. 

Simula nang umaga ay wala manlang syang text o tawag. Nalulungkot at nasasaktan ako sa hindi nya pag update sakin. Ayoko syang pag-isipan nang masama, kilala ko sya hindi lang talaga sya pala update.

"Babaliwin mo na ako sa pag-alala." Sambit ko sa aking sarili at tinapik-tapik pa.

Naligo nalang ako kesa isipin pa sya, uuwi at uuwi rin naman sya sa bahay. Sana hindi sa condo ang tungo nya. 

Habang naliligo ako ay nakarinig ako sa labas nang cr na parang may tao kaya pinatay ko muna ang shower na nagsasanhi ng ingay.

"Ryz?" Tawag ko at nanatili paring nasa loob nang banyo.

Hindi sya sumagot pero kumatok ito sa pinto nang cr kaya lumapit ako ron ngunit hindi ko binuksan, baka kung sinong tao nalang ang nag akyat bahay.

"Open this door." teka lasing ba sya?

Nang marinig ko ang boses ay siguradong si Wryzhi ito.

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at gulat akong bumungad sa harapan si Ryz na namumula ang pisngi at tenga, nakayuko sya sa akin.

"Lasing ka." sabi ko habang dahan-dahan inangat ang mukha nito para magpantay ang aming paningin. Wala akong nakuhang sagot sa kanya. 

Nawindang ang buong diwa ko nang sunggaban nya ako nang halik sa labi na para bang gutom na gutom.

"R-ryz." hirap na banggit ko sa kanyang pangalan habang patuloy parin ito sa paghalik.

Naramdaman ko na gumagapang ang kanyang kamay sa bathrobe na sinuot ko kanina bago buksan ang pinto, natauhan ako nang malapit nya nang mahawakan ang sa itaas ko.

"S-stop." Sabay tulak ko sa kanya na may kalakasan kaya napahiwalay sya sa akin. "A-anong ginagawa mo?" Walang bahid na galit ang pagsabi ko pero mararamdaman nya na nagtataka ako.

Unang beses nyang gawin sa akin ito kaya hindi ko sya maintindihan. May nangyari sa amin noon pero anim na taon na iyon nakalipas, iba na ngayon.

"Sabi mo sakin ka sa loob nang isang buwan?" Kita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa, wag nyang sabihin na gusto nyang may mangyari sa amin?

"Oo, p-pero hindi sa ganito." nautal ako nang lumapit sya sa akin.

Atras lang ako nang atras habang sya ay lumalapit at titig na titig sa akin. Natigilan ako nang pader na ang nasa aking likod.

In 31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon