Chapter 8

77 6 5
                                    

Nancy  POV.

Nagising ako nang wala na sa tabi ko si Ryz. Ano pa nga bang aasahan ko, alam ko na dito rin ito tutungo. 

Napaupo ako sa higaan at mahigpit na napahawak sa comforter. Namalayan ko nalang ang sarili ko na umiiyak nang dahil sa kanya, bakit parang ang sakit naman ata nito? 

"Why are you crying?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang biglang sumulpot si Ryz.

"A-akala ko umalis k-kana." lintik kasi nang isip ko ang advance, masyadong oa eh.

"Inaantay kitang bumangon para sabay tayong kumain." Nakagayak na sya nang pang alis. "Bakit ka umiiyak?"Tanong nya sakin nang pagkalapit.

"Akala ko hindi mona ako kaka-usapin at iiwasan nalang." Ang oa ko sa part na umiyak nang dahil lang iniisip ko na may magbabago saming dalawa.

"Come on, I can't do that." you can. Huminga ako nang malalim upang salubungin ang kanyang mga tingin.

Sya ang babae na kinababaliwan ko noon na hanggang ngayon rin nga pala. Masyado nang nag mature ang dating masigla nyang mukha, lalo syang gumanda. 

Alam kong may mali sa amin pero inisantabi ko muna yon dahil gusto ko syang maramdaman. 

"Stop thinking, let's eat." nakangiti nyang sabi iyon kaya para akong kinabahan. 

"Una kana, bibihis lang ako." Bago sya tuluyang tumalikod ay nakita ko pa itong pinasadahan ang katawan ko at ngumisi.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ito sa kwarto, pakiramdam ko ay ano mang oras ay  mawawalan ako nang hininga.

Napasabunot ako sa aking sarili dahil hindi ko malaman kung anong mali, pakiramdam ko talaga ay may iba sa kinikilos nya. Oo, ayaw nyang mawala ako sa kanya pero hindi naman dapat mapunta yun sa ganun kagabi di'ba?

"Fvck, ano ba to bakit ang weird." Hindi ko makita ang dating kaibigan ko sa pagtingin nya sakin.

'Baka nahuhulog na sayo?' Udyok nang utak ko.

No. Impossible, ayaw nya nga sakin at kasasabi nya lang nung nakaraan na hindi nya ako mahal.

'She wants to try eka nga nya.' Hindi ko nakalimutan yon, okay. Tumahimik ka muna utak at hindi ka nakakatulong.

Kung ano man ang plano mo Ryz, asahan mo na irerespeto ko pero hindi sa ngayong akin ka pa. 

Kumuha lang ako nang T-shirt na malaki at panty saka isinuot. Hindi ako sanay na naglalagay nang bra kapag nasa loob lang nang bahay at kapag walang kasama, hinahayaan nya naman ako sa ganoong paraan at alam ko na nasanay na sya nang ganto ako. Dito kase ako kumportable.

Naabutan ko sya sa lamesa habang tutok sa kanyang selpon.

Para talagang may kakaiba sa kanya simula nang umuwi sya kagabi. Sinong hindi magtataka sa ikinikilos nya, kung magsalita sa sakin ay iba na rin.

Tumama ba ang ulo nya sa bato o pader para maging ganon?

"Marami akong gagawin mamaya, hindi ko siguradong makakauwi ako agad nang maaga dahil puno ang schedule ko. Huwag mona akong hintayin pa mamaya." Sabi nya nang mapansin na ako.

Natigilan ako sa paglapit nang ibaba nya ang kanyang selpon at humarap sakin na may kasamang ngiti sa labi.

"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong. Naninibago talaga ako sa pagkatao nya. 

Sya paba itong si Wryzhi na kaibigan ko?

"Nothing. Upo kana." tinapik nya ang upaan sa tabi nya. Ibig sabihin doon ako uupo.

In 31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon