Chapter 11

54 4 0
                                    

Nancy POV.

Nakita ko si Khy sa garden nakaupo sa bench at walang kasama. Nakatingin ito sa malayo, mukhang malalim ang iniisip.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko nang makalapit sa kanyang tabi. Tila hindi nya ako narinig at hindi namalayan na nasa tabi nya na ako. "Khy." Tawag ko sa kanyang pangalan pero hindi pa rin nya ako napapansin.

Hinayaan ko nalang na tumulala sya sa kawalan dahil halatang may problema ang isang ito. Malungkot ang kanyang mga mata, ano mang oras ay maaring may tumulo na luha mula rito.

"It's hard." Rinig kong usal nya habang hindi nakatingin sa akin. Siguro ay narinig nya at alam nyang andito ako sa kanyang tabi. "It's hard to accept, they died." 

Hirap ito sa pagsalita dahil siguro sa pag pigil nya nang kanyang luha. May butil na tubig ang umagos sa kanyang pisngi na pinunasan nya agad.

"I know that, that's not her fault. But I really can't accept it." Siguro ang iniisip nya ang baby na gusto nya. "She knows how much I wanted to have a family. Yeah, family not just I wanted to have a baby." Hinayaan ko syang umiyak at magsalita.

Ang mga lumalabas sa kanyang bibig ay ramdam ko ang sakit nang kanyang dala-dala.

"Hindi ako galit kay ate Wryzhi, alam na alam nya ang kagustuhan ko na pakasalan ang babae na iyon para sa magiging anak ko. Naiintindihan ko sya kung bakit hinayaan nyang mawala sila nang tuluyan, para sakin. Ang hirap lang na bakit sila pa ang napili ni Dad at sinunod nya ang utos kahit alam nya na ang kakalabasan." Tahimik akong pinapakinggan si Khy.

Nakatingin ako sa mga nagdaraan na tao dito sa garden, parang hindi nila kami nakikita. Ang mga nasa paligid ay napapalibutan nang sobrang gaganda na mga halaman.

"Sabi nya, p-pangako nya sakin na matutupad ang pangarap ko at hindi ako sasaktan. Pero ngayon palang, sinira nya na ang pangako nya na yon. Hindi ko maiwasan na magtampo sa kanya dahil sa nangyari. Hindi ko sya masisi kung bakit nangyari yon." Napatingin ako kay Khy nang yumuko ito para itago ang kanyang mukha. Patuloy parin sya sa pag iyak. "Nasasaktan ako dahil sya ang pinagkatiwalaan ko, tapos sya ang sisira sa mga yon."

Humarap ako sa kanya bago magsalita. "Alam mo, ikaw lagi ang iniisip ni ate Wryzhi mo, nasabi nya noon sakin na baka magalit ka sa kanya kapag hindi nya natupad ang pangako nya sayo at hindi mangyari ang gusto mo." Tumingin na sakin si Khy kaya nginitian ko ito.

Kinuha ko ang kamay nyang nakapatong sa upuan at hinawakan ito nang mahigpit bago muling magsalita.

"Ikaw lagi ang bukambibig nya, kada sinasabi mo na gusto mo na nang anak pinag-iisipan nyang mabuti. May naisip na sya noon pero dahil nga nalaman ni Tito Zyven ang kagustuhan mo, sya na ang kumilos. Tinanggap nalang nang ate mo ang utos nang ama mo, syempre nga naman ama nyo yon alam nya rin kung ano ang tama at dapat. Ang kaso lang si Tito kasi ang mga pumili, sinunod lang nang ate mo." Paliwanag ko sa kanya. "Hindi ko sa pinapagaan ang loob mo sa ate mo, ha. Totoo lahat nang mga yan, sa kagustuhan nyang matupad ang hiling mo napabayaan nya ang kumpanya nyo kaya nagalit sa kanya si ate Zin pero naging maayos rin sila, hindi na ngalang ganoon katulad ng dati."

Kasama pa ako ni Wryzhi sa mga panohong iyon lalo na nung panahon na sukong-suko na sya. Mabuti nalang at lagi nya ring nasa tabi si ate Klea.

"H-hindi ko alam ang nangyari sa kumpanya na hawak nya."

"Hindi nya sinabi sayo kase ayaw nyang malaman mo na napabayaan nya yon, sayo yung kumpanya na iyon di'ba?" Tanong ko rito, tango ang kanyang naging sagot. "Kaya ang inisip nang ate mo ay magagalit ka sa kanya kapag nalaman mo." Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha. "Tahan na, kahit anong mangyari mahal na mahal ka nang ate mo kahit itaboy mo sya bilang kapatid. Gagawin nya ang lahat para sayo, para sainyo. Ganun ka kamahal nang ate Ryz mo, lahat-lahat gagawin para hindi ka magtanim nang galit sa kanya." Nakangiti kong sabi.

In 31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon