Charlie's POV
I heard the bathroom door clicked, heralding that person inside was about to barge out pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa maliit na litratong hawak ko ngayon. It's my mom's picture frame na ibinigay ng Auntie ko sa akin kanina. Isang litrato lang kasi ni mama ang meron ako sa bahay kaya naisip ko rin na hingiin 'to para kahit papano, hindi ako masyadong nalulungkot sa tuwing maalala ko sya. I know she's always by my side pero iba pa rin kapag nakangiting mukha nya kaagad ang unang bubungad sa bawat pag-gising ko.
Napakatahimik ng silid. Nakaupo ako sa gilid ng kanyang kama; tahimik lamang na nakikiramdam habang nakatitig sa litrato. From my peripheral vision, kitang kita ko na nakatayo pa rin sya sa pintuan ng kanyang banyo. Alam kong nakatingin sya sa akin ngayon pero wala akong balak salubungin ang mga matang iyon.
The next thing I heard were footsteps as she walked across the room at naupo sa kanyang maliit na upuan sa tapat ng salamin.
Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin sinasagot ang tanong ko kanina. Hindi ko tuloy alam kung kailangan ko na bang tumayo sa kama nyang 'to at bitbitin ang bag ko upang lumayas. Kanina pa sya walang imik. Di rin kapinta pinta ang itsura nito. Sa tingin ko'y galit sya sa akin dahil sa panghihimasok ko sa condo nya. Malay ko ba kasi na nandito rin sya ngayon. Kung alam ko lang nga talaga, hindi na sana ako dito dumiretso.
Naisip ko kasi na dito na lang muna pumunta since mas mauuna ko 'tong madadaanan bago makarating sa bahay namin. Ramdam ko na kasi ang pagod at antok. Gustong gusto ko nang humilata at mag-pahinga matapos ang mahabang byahe ko kanina. But turns out, I became more anxious knowing that she's also here.
Those initial few minutes are usually pretty awkward. Sa tingin ko nga'y namumula na ang mga tenga. Tila nag-iinit na rin ang mga ito dahil pakiramdam ko'y papalayasin ako neto ano mang oras.
Hindi pa rin talaga sya nagsasalita. Halos marindi na ang tenga ko dala ng katahimikan. Medyo nanginginig na rin ang katawan ko dahil sa lakas ng kanyang aircon dito. Grabe naman pala balat ng babaeng 'to. Manhid siguro 'to kaya hindi sya makaramdam ng hustong lamig.
“Aren't you going to take a shower?” nabasag ang katahimikang 'yon when she suddenly speaks na kaagad nagpaangat ng mga mata ko.
“I guess you should have freshen up yourself first bago ka umupo dyan sa kama ko.” I couldn't hear anything conservative in her voice but exasperation.
“I—I'm sorry.” tugon ko at mabilis na tumayo mula sa kanyang kama.
Arte.
I reached for my bag at ibinalik ang hawak kong 'yon sa loob nito bago pa nya makita. Sophie knows nothing about me, about my early loss of mother. Hindi ko lang alam kung may naikwento na ba si Dad sa kanya tungkol sakin.
Napangiwi ako nang matamaan ko ang sugat ko sa kamay. Nasugatan ako dahil sa basag na baso na nilinis ko kanina. Hindi ko naman sinasadyang mabasag 'yon, nagulat lang ako dahil sa nakita kong nasa bath tub kanina kaya ko iyon aksidenteng nasagi.
“You haven't answered my question yet” a demanding tone stirred. Sophie then looked at me in the mirror at sandaling napatigil sa ginagawa nyang paglalagay ng kung ano sa kanyang mukha. Wala syang ibang suot ngayon sa katawan kundi tuwalya, as well as her hair was wrapped with another one.
“Why would I bother taking a shower if you won't let me spend the night here tonight?” napatikyom ako when she glanced back at me with her arching brows.
“May sinabi ba ako na ayoko? I haven't said I ain't letting you to. Masyado ka lang madamdamin.” she threw me a stern look bago muling humarap sa salamin at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
YOU ARE READING
The Forbidden Fruit (taglish)
Teen Fiction// What if one night you accidentally caught one of your housemates debauching itself? Ano kayang mararamdaman mo? What are you going to do? Will you ever use that as a reason to fall into lust and taste The Forbidden Fruit? Ps. This is a VERY SLO...