Chapter 5 His Warning

49 0 0
                                    

"Anong kailangan mo? Saka paano mo nakuha ang number ko?" nanggagalaiti sa inis na tanong ko. Nagtagumpay na akong burahin siya sa isip ko at iyon sana ang patuloy kong gagawin ngunit heto na naman siya para buwisitin ako.

"Well, I just want to remind you of our date tomorrow night. Susunduin kita ng alas-siyete riyan sa bahay ni'yo. Don't be late kung ayaw mong madagdagan ang parusa mo," napatingin ako sa cellphone ko dahil sa pagkadominante ng utos at banta niya. Yes, nag-uutos siya at hindi lang basta nagbibigay ng impormasyon.

"Hoy, Vinzon, wala kang karapatang utus-utusan ako. Saka umuo lang ako kanina para sa boyfriend ko. Hindi ibig sabihin no'n na tutupad ako. Bakit naman ako makikipag-date sa iyo? Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyon!"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag. Ilang beses pa siyang nag-attempt na tumawag pero blocked ko na ang number niya.

Nang sumunod na araw ay napangiti ako dahil wala na akong natanggap na anumang tawag mula kay Vinzon. Kaya naging maaliwalas ang buong maghapon ko.

Pero noong pauwi na ako ay tumawag sa akin si Stella para maghatid ng masamang balita. Hanggang sa maging group call na kaya present na kaming lahat.

"Paano nangyari iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Naroroon na ngayon ang BFP at inaapula ang apoy. Hindi pa rin nila alam kung ano ang cause ng sunog," mabilisang pagkukuwento ni Gabby sa amin.

"Guys, you know how much I exerted effort for my company. Tapos ganito lang pala ang mangyayari," nabasag ang boses ni Denzo kaya parang kumirot ang puso ko. Hindi siya nagpapakita ng kahinaan kahit kanino, sa amin lang.

"Denzo, huwag kang mawalan ng pag-asa, ikaw ang pinakamatatag na taong kilala ko. Kaya nga malalakas ang loob namin dahil kaibigan ka namin. We will not leave you alone, okay?" pang-aalo ko sa kaniya. I heard him sob and that hurt us even more.

"I don't know, Kish... I felt like my world turned upside down in just an hour."

Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi kami agad nakapagsalita.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napag-alaman naming walang anumang naisalba sa pagkasunog ng buong building.

"I can't believe that the whole Denzo Tech was erased just like that," malungkot na pahayag ni Gabby.

"Mabuti na nga lang at uwian na kaya walang nasaktan," komento naman ni Mariella.

"Pinaghirapan ni Denzo ang business niyang iyon. Ako pa mismo ang nag-design ng buong building. Tapos mabubura lang ng ganoon," sambit ko naman. Sabay-sabay kaming bumuntong-hininga.

"Nasaan na si Denzo ngayon?" natanong naman ni Byron.

"Hindi matawagan. Nakailang attempt na kami ni Mariella," sagot naman ni Stella.

"Nasa bahay niya lang iyon. Tara, puntahan natin," yaya ni Gabby. Tumango naman agad kami bilang pagsang-ayon.

Ora mismo ay nagtungo kami sa bahay ni Denzo para lamang mas magimbal sa maaabutan namin.

"No!" malakas kong tili gaya nina Mariella at Stella. Sabay namang napamura sina Byron at Gabby.

Lahat kami ay natulos sa kinatatayuan habang nakatitig sa wala nang buhay na katawan ni Denzo habang tumatagas ang dugo mula sa ulo niya. Nagbaril sa sarili ang kaibigan namin at hanggang ngayon nga ay hawak pa rin niya ang baril na may tilamsik na rin ng dugo.

Hindi ko natagalan ang senaryong iyon at hindi ko na namalayang nawalan na ako ng ulirat.

Nang muli akong magising ay naroroon na ako sa kama ko sa bahay. Pero dagling kumirot ang puso ko at umiyak nang umiyak nang maalala ang nangyari kay Denzo.

The Wife's Misery (SPG/R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon