Chapter 3 Insisting

50 1 0
                                    

Pagkatapos ng engkwentro kong iyon kay Vinzon ay agad kong pinuntahan si Daddy sa opisina nito. Pero hindi ko rin siya nakausap dahil umalis daw ito.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa kaangasan ng lalaking iyon. Akala mo kung sino! Takutin ba naman ako ng gano'n? Ano'ng akala niya sa akin, kagaya ng mga ibang babae riyan na bibigay sa kaniya? Mukha niya!

Kinagabihan ay nakabihis na ako dahil nasa Andrey's na raw ang mga kaibigan ko. At excited silang malaman kung ano'ng napag-usapan naming ng Vinzon na 'yon. Well, hanggang ngayon naiinis pa rin ako kapag naalala ko.

"Kishree? Nasa baba na si Yohan at hinihintay ka."

Napangiti naman ako sa sinabi ni yaya. Yes, Yohan Jace is my boyfriend. Halos isang taon na rin siyang nanliligaw sa akin kaya binigyan ko na ng chance. He is a good man, and he is managing his own restaurant. Chef kasi si Yohan.

"Sige po, Yaya. Pababa na rin naman po ako," sagot ko pero sa salamin pa rin ako nakatingin.

I am wearing a square pants and tops. Papatungan ko lang ng maong na jacket mamaya. Itinali ko rin pataas ang buhok ko kaya kitang-kita ang manipis kong kuwintas na may pendant na K bilang simulang letra ng pangalan ko.

"Hmm... so gorgeous!" papuri agad ni Yohan nang makita ako. Malapad naman akong ngumiti sa kaniya.

"You think so?" kunwari ay hindi pa ako naniniwala. Pero nakita ko na ang sarili ko sa salamin kanina and I am really satisfied.

"Always!" lumapit siya sa akin at kinintalan ako ng halik sa mga labi.

"Let's go? Kanina pa tine-terrorize ng mga mga kaibigan ko ang cellphone ko. Tawag nang tawag, mga masiyadong atat!" napapailing kong saad.

Nagpaalam ako kay Mommy bago kami tuluyang umalis. Wala pa rin si Daddy dahil may dinner meeting daw. Hanggang gabi ay nagtatrabaho pa rin si Daddy. Mukhang seryoso na talaga ang problema pero ayaw niya akong sabihan.

Alas-otso pa lang ng gabi kaya hindi pa masiyadong crowded ang bar. Dumiretso kami sa dati na naming inookupa na cubicle. Kakilala ni Denzo ang may-ari nito kaya kapag tumawag siya ay alam na nila agad kung saan kami pupuwesto.

"Our beauty queen has arrived!" anunsyo ni Stella kaya natawa naman ako. Iniabot niya agad sa akin ang shot glass at agad ko namang nilagok ang laman niyon. Napapangiwi pa rin ako.

"I still couldn't handle alcohol," komento ko pa. Lukot pa rin ang mukha ko. Sa totoo lang mababa ang alcohol tolerance ko kaya hindi rin talaga nila ako basta-basta napapainom. Three to four shots, siguradong iikot na ang paningin ko no'n.

"Hi, Yohan! Dalaw kami next week sa resto mo, ha?" bati naman ni Mariella sa boyfriend ko.

"Just make a call and your preferred menu. I will always be at your service," maginoong sagot naman ni Yohan habang inaalalayan akong makaupo.

"Perfect!" tili pa ng kaibigan ko.

"Hoy, magkuwento ka na!" udyok agad sa akin ni Byron. Sunod-sunod namang tumango sina Stella at Mariella.

"Hay, naku, sumakit lang ang ulo ko sa lalaking iyon. Nasisiraan na yata ng bait," inis kong sabi at pumulot ng tacos saka isinubo.

"Why? What did that jerk tell you?" tanong naman ni Denzo.

"You won't believe it. That man is crazy!" naiiling kong sabi.

"Ano nga? Pabitin ka naman, eh!" reklamo agad ni Mariella. Nagbuga pa ako ng hangin.

"He came in my office just to tell me that he already asked my Dad's permision to date me. Sabi ko, may boyfriend na ako, aba wala raw siyang pakialam. O, hindi ba baliw?"

The Wife's Misery (SPG/R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon