Sa pagkakataong ito ay nanumbalik ang galit na pilit kong pinipigilang lumabas.
"You know what? Iniisip ko na sa kabila ng dami ng pera mo at sa lawak ng kapangyarihan mo, siguro napakalungkot ng buhay mo. Kaya gusto mo, miserable rin ang buhay ng mga tao sa paligid mo. Kawawa ka naman!" pang-uuyam ko sa kaniya. Kung galit siya ay galit na rin ako. Mas malala pa pala ang kulungang ito kaysa noong nasa poder ako ng Daddy ko.
"What did you say?" tumiim ang mukha niya at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin.
"You heard what I said. Bakit, Vinzon? Wala bang nagmamahal sa iyo kaya ganiyan kasama ang ugali mo? Oh, sabagay, sino ba namang magmamahal sa isang demony–"
Ngunit hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis siyang lumapit sa akin at sinampal ako ng malakas. Bumagsak ako sa sahig na sapo-sapo ang pisngi ko. Pumutok at dumugo rin ang gilid ng mga labi ko pero nakuha ko pa rin siyang tingnan ng masama.
"Why? Does the truth hurt?" pagpapatuloy kong panunuya sa kaniya. Lalong nagdilim ang paningin niya ngunit bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
"That's why I like you a lot because of your bravery. But it seems like you haven't learned your lesson yet," aniya at mahigpit na hinawakan ng buhok ko.
"Ahh! Bitiwan mo ako, demonyo ka talaga!" pinaghahampas ko ang braso niyang nakahawak sa buhok ko.
"I am! And you will see how devil I could be," isinalya niya ako sa kama, pagkatapos ay nagpunta siya sa walk-in closet.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabilis na bumaba ng kama at tumakbo sa may pintuan. Lumabas ako at patakbong bumaba ng hagdan. I was like a real prisoner running away from a despicable devil.
"Ma'am ano pong nangyayari sa inyo?" narinig ko ang isang katulong na nagtanong pero hindi ko siya pinansin. I went straight to the main door.
"Kishree!"
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Vinz pero tumuloy pa rin ako sa pagtalilis at lumabas ng pintuan. Pero napatda ako nang biglang lumapit sa akin ang ilang mga bodyguards.
"Lumayas kayo sa harapan ko!" mariin kong utos sa kanila. Pero hindi sila tuminag at matiim na nakatingin lang sa akin.
Gayunpaman, sinubukan kong lampasan sila ngunit hinarang nila ako. Hinawakan pa ng isa sa kanila ang braso ko kaya napapiksi ako.
"Huwag mo siyang hahawakan. Magagalit si Sir!" saway naman no'ng isa kaya agad akong binitiwan nitong humahawak sa akin.
"Ma'am, bumalik na lang po kayo sa loob. Baka po magalit si Sir at–"
Ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumayo silang lahat ng diretso at tumingin sa likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon pa dahil sigurado ako kung sino ang nasa likuran ko.
"Let's get inside," malalim ang boses na sabi niya. Pero hindi ako tuminag sa kinatatayuan.
"I want to go home," sambit ko at pinipigilan ang maiyak.
"This is your fucking home now!" bulong niya sa tainga ko kaya napasinghap ako.
Malakas pa akong tumili nang bigla niya akong buhatin at isampay sa balikat niya. Malalaki ang hakbang na bumalik kami sa loob.
"Ibaba mo ako, hayup ka!" pinagsusuntok ko ang likuran niya pero parang wala lang iyon sa kaniya.
Idinereto niya ako sa kama ngunit patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. Ngunit dumagan siya sa akin at mula sa ulunan ay may inabot siya at narinig ko ang tunog mula sa kadena.
Ngunit bago iyon ay mabilisan niyang hinubad ang lahat ng suot kong damit hanggang sa wala ni isang matira.
"Ano'ng gagawin mo?" nanlaki ang mga mata ko nang may kung ano siyang ikinabit sa pulsuhan ko. May nakakabit na kadena roon na nakahugpong sa bakal na headboard.
BINABASA MO ANG
The Wife's Misery (SPG/R18)
RomansaAVAILABLE NA PO FOR ORDERS ANG PHYSICAL BOOK NITO. DIRECT MESSAGE NI'YO LANG PO AKO SA FACE.BOOK ACCT KO NA MissThinz Dreame. Kishree Celeste Mercidio is a college student who is known for her exceptional beauty and goddess-like body. She is the dau...