Chapter 4 Paid

52 0 0
                                    

Napangiti ako nang sipating muli ang sarili sa salamin. Mabuti na lamang at natakpan na ng concealer ang markang nakuha ko mula sa sampal ni Daddy. Ngayon lang niya ako napagbuhatan ng kamay at hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin dahil sa Vinzon na iyon.

Lahat ng iyon ay dahil sa buwisit na lalaking iyon! Hindi ko alam kung anong ipinakain niya sa Daddy ko at ganoon na lamang ang pagkampi nito sa kaniya. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa mga puwedeng mangyari.

Huminga ako ng malalim saka nagbuga ng hangin. Hindi ko muna iisipin iyon. Reunion namin ngayon kaya dapat ay mag-enjoy ako. I will deal with that bastard later. Sigurado namang sina Denzo na ang bahala sa kaniya, at sana nga magtagumpay sila.

Pagdating ko sa entrance ng university dome ay naroroon na agad si Yohan. Natakpan ng make-up ang mga galos sa mukha niya pero may suporta pa ring nakalagay sa braso niya.

"The queen is here!" anunsyo ng host kaya nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat ng mga naroroon sa loob. I was always regarded as the queen since we own this university.

"My beautiful queen," sambit naman ni Yohan nang tuluyan na akong makababa ng sasakyan at magkatabi na kami. Ngumiti ako sa kaniya.

Nagpa-picture muna kami sa nakalaang photobooth pagkatapos ay tinungo na ang lamesang nakalaan sa amin. Naroroon na rin ang mga kaibigan ko.

"Late, again!" nakataas ang kilay na komento ni Stella saka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kung alam ni'yo lang," nailing na sabi ko habang paupo nang ipaghila ako ng upuan ni Yohan.

"Why? What happened?" nag-aalalang tanong agad ni Gabby.

"My Dad was very angry when he learned what happened in the bar. And I got a hard slap from him when I defended you from that asshole!" gigil kong sumbong sa kanila.

"What? Nasampal ka ng Daddy mo dahil sa gagong iyon?" ngayon ay tila lalo na namang uminit ang ulo ni Denzo.

"Yes! For the first time in my life, nasampal ako ng Daddy ko dahil sa lalaking 'yon," iritadong sagot ko. Natahimik sila pero tumindi lang ang kanilang galit.

"This can't be happening! Not our queen though!" gigil nang pahayag ni Gabby.

"Kumusta na ba iyong plano mo, Denzo?" napalingon naman kami kay Byron nang magtanong ito.

"I'm not yet sure. Ngayong gabi pa lang iyon at baka mamaya lang ay may resulta na," sabi ni Denzo saka nilagok ang alak na laman ng baso niya.

Naagaw na ang atensiyon namin nang magsalita na ang mga emcees para sa pagsisimula ng programa.

"At this juncture, let's all listen to the message of our university president. He will also introduce to us a special guest today. Let's put our hands together to Mr. Maximus Fulgencio Mercidio III!"

Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin na ng host si Daddy para magsalita. Pero kumunot ang noo ko katulad ng iba dahil sa binanggit na special guest. Parang wala akong maalala na may special guest sa program ngayon.

"Good evening, everyone! I just couldn't stop myself from smiling as I see our former graduates in their dashing and glamorous attire. I am more than proud to face all of you as I know how successful you all are in your chosen field of endeavor."

Muli ay masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagpapalitan din ng tingin na may ngiti ang lahat dahil sa masayang vibes na pinangungunahan ni Daddy. He looks happy and excited. Malayong-malayo sa galit na galit na awra niya kaninang nasaktan niya ako.

"On behalf of the South Western University, I would like to extend my warmest congratulations to each and every one of you. But the highlight of this event, aside from your presence tonight, is a special guest who will assist our university for its better development and progress in its future undertaking. It's my honor to introduce to you, the Chairman and CEO of the Dela Fuerte Empire, Mr. Vinzon Dela Fuerte! Let's all welcome him with a resounding applause!"

The Wife's Misery (SPG/R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon