Surprisingly, naging magana ang pagkain ko at may mumunting excitement akong nararamdaman. Halos isang linggo na akong nakakulong dito kaya excited na akong muling makalabas.
"Pagkakatiwalaan kita, Kishree. Pero kapag sinubukan mong muli akong takasan o gumawa ng kalokohan sinasabi ko sa iyo, hindi ako magdadalawang-isip na parusahan ka. Obey me, and you will be rewarded. Defy me, and you will be punished accordingly. Kaya huwag mong sisirain ang tiwala ko," may pagbabantang pahayag niya nang matapos na kaming mag-dinner. Napalunok lang ako pero hindi ko siya tinugon agad. Pero gusto ko talagang malaman kung bakit niya ito ginagawa.
"Bakit ba ang laki-laki ng galit mo sa akin? Bakit mo ba ako pinahihirapan? Pinakasalan mo lang ba ako para pagdusahin? May sira ba ang utak mo?" hindi ko na napigilang pasumbat na maitanong ang mga iyon sa kaniya.
Umiba na naman ang timpla niya at nagdilim ang mukha niya. Subalit gusto ko talagang malaman kung ano ba talaga ang problema niya sa akin at bakit ganito na lamang niya ako saktan.
"Nasasaktan ka dahil matigas ang ulo mo at ayaw mong sumunod. Maaring ikaw ang reyna ng university pero sa pamamahay ko, susunod ka sa lahat ng gusto ko!" pagmamatigas naman niya. Nagtagis ang mga ngipin ko at pinanlisikan siya ng mga mata.
Ngunit mas pinili kong tumahimik na lang muna dahil baka biglang magbago ang isip niya at hindi na kami matuloy sa pag-alis.
Nilampasan ko siya at umakyat nang muli sa kuwarto namin. Mabilis akong nagbihis. Paglabas ko ay naroroon na rin siya at salubong pa rin ang kilay. Halatang galit siya pero hindi ko na lang muna siya papansinin.
"Mag-usap tayo," bigla ay sabi niya kaya napahinto ako. Nilingon ko siya pero ayaw kong salubungin ang mga mata niya.
"Nasaan na ang bag at cellphone ko? Sinunod ko na ang sinabi mo at tinapos ko ng maayos ang dinner ko, kaya ibalik mo na sa akin ang gamit ko," lakas-loob kong sagot. Tumiim na naman ang mukha niya.
"Ang sabi ko, mag-usap tayo," giit niya. Muntik nang umikot ang mga mata ko.
"Nag-uusap na tayo," pabalang kong sagot.
"I am trying to talk nicely here kaya huwag mo akong gagalitin, Kishree!" may pagbabanta na naman ang boses niya.
"Hindi kita ginagalit kasi talaga namang lagi kang galit. Ano ba'ng sasabihin mo?"
Naiirita na ako kasi gusto ko nang umalis kami. Baka mamaya, magbago na naman ang isip niya at kung anong kabuwisitan na naman ang maisip niyang gawin.
"Hindi puwedeng palagi tayong nag-aaway kaya matuto kang sumunod sa akin para wala tayong gulo," deklara niya. Hindi ko naman napigilan ang pagak na tawa ko sa sinabi niya.
"Eh, dapat hindi asawa ang binili mo kung hindi puppet. Para susunod nang walang ingay sa lahat ng gusto mo," sarkastikong sagot ko.
"Binili?" salubong ang kilay na tanong niya.
"O? Hindi ba ikaw mismo ang nagsabi na nagbayad ka ng malaki para makuha ako? So, ano'ng ibig sabihin no'n? Eh, di binili mo ako, 'di ba? Pero uulit-ulitin kong sabihin sa iyo, kahit ibigay mo pa ang lahat ng pera mo, tao ako at walang katumbas na halaga ang buhay ko!" nang-uuyam na sumbat ko sa kaniya. Hindi naman siya nakaimik at nakatingin lang sa akin ng masama. Bakit kaya laging ang sama ng tingin niya sa akin?
"You are my wife. As long as you are obedient of me, I will be devoted to you. All I need is your obedience and loyalty, then we will not have any problem," seryosong pahayag niya. Ako naman ang natahimik.
"Kahit kailan hindi ko ninais na makasal sa iyo. Pero nandito na ito at wala na rin naman akong magagawa pa. Kaya kong maging loyal at obedient sa iyo. Pero sa puntong magmumukha na akong aso o puppet mo, hindi naman siguro tama iyon. Since we are married, we should be equal and everything between us must be mutual!" katuwiran ko. Halatang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ko. Pero since nag-uusap kami, sasabihin ko lang kung ano'ng totoong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Wife's Misery (SPG/R18)
RomanceAVAILABLE NA PO FOR ORDERS ANG PHYSICAL BOOK NITO. DIRECT MESSAGE NI'YO LANG PO AKO SA FACE.BOOK ACCT KO NA MissThinz Dreame. Kishree Celeste Mercidio is a college student who is known for her exceptional beauty and goddess-like body. She is the dau...