JANE'S POV
rooftop?
Hmmm...baka tungkol ito sa aking pagkababae..alam na niya..at last natapos na ang klase.dumaan muna ako sa library para ibalik ang book..
lalalala.. paakyat na ako sa rooftop..pagdating ko doon may nakita akong isang matipuno... gwapong prinsepe na nakatanaw sa malayo..eto nanaman si ako.... dahan-dahan ang paglalakad na parang isang prinsesa na hinihintay ng kanyang prince charming..
malateleserye lang ang peg?
“uhm..Philip?” tinawag ko pangalan niya eh kasi parang hindi niya siguro na-feel na nandito ako.
Lumingon siya sa akin..
“Dexter..nandito ka na pala..”
“bakit mo pala ako pinapunta dito sa rooftop?”
“ may itatanong lang sana ako...sana sagutin mo ako ng may katotohanan” hinawakan niya kamay ko at tiningnan niya ako sa mata ko..
ano ba toh? Parang matutunaw na parang kinakabahan ako... naninigas ang paa ko..
Bakit? Bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko...tulong
“Dexter? Okay ka lang?”
Sa palagay mo Philip...okay ako? Matutunaw na nga ako dito..
“uhmm” napalunok tuloy ako... “okay lang ako..tungkol pala saan ang itatanong mo?”
“diba babae ka?”
I nodded.. “hmph..alam mo na pala?”
“oo alam ko na..bakit at paano ka nakapasok sa Military Academy?”
PHILIP'S POV
walang kapupuntahan tong usapan na toh kung paligoy-ligoy....mabuti na yung straight to the point..tumahimik siya ng ilang sandali..at may luha akong nakita sa mga mata niya.
“Bilang anak, gagawin mo ang lahat ng gusto ng pinakamamahal mong magulang lalo na't siya'y nag-aagaw buhay diba?Sa palagay mo Philip ginusto ko ba ang mapunta sa paaralan ng mga lalake?Sa totoo lang...nastroke ang aking papa at gusto niyang may sumunod sa mga yapak niya..may dalawa akong kuya...ang isa kong kuya ay nagladlad at ang isa ko pang kuya ay nag-pari...para sa katuparan ng kahilingan ng papa ko..ako nalang ang pumasok..pumasok ako dito sa tulong ng tito ko..siya ang principal ng paaralang ito..pumasok ako dito gamit ang pangalan ng kuya ko..kung ikaw ang nasa lugar ko Philip gagawin mo din ba ang ginawa ko?”
alam ko na naging makitid ang pag-iisip ko..dahil akala ko tulad siya ng ibang babae na pumapasok dito sa Military Academy para makakita ng mga gwapong mga lalake.. pero ang kanyang dahilan ay napakadakila...ang swerte naman ng kanyang ama dahil nagkaroon siya ng anak na tulad niya.. naantig ako sa mga sinabi niya kaya niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa noo..pinunasan ko ang mga luha niya..
“oo gagawin ko din..” bulong ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya
“nakikiusap ako Philip..itago mo ang sikreto ko..para sa papa ko itong ginagawa ko” bulong din niya sa akin “nakasalalay sa akin ang pangalan ng paaralan..kapag malaman ng iba itong sikreto ko masisira ang Military Academy”
“pangakong itatago ko” hinaplos ko ang buhok niya “ kung pumasok ka dito gamit ang pangalan ng kuya mo? Ano ang totoong pangalan mo?”
“Jane Martinez” bulong niya
niyakap ko siya hanggang tumigil na siya sa kanyang pag-iyak
una ko siyang pinabalik doon sa dorm dahil pinatawag ako ng principal..dahil siguro nakita niya kami doon sa rooftop..naglalakad ako papunta doon sa principal's office...pinapasok niya ako at pagkatapos..
“alam mo na pala ang sikreto ni Jane.. Mr. Philip Magno”
“sir yes sir”
“ano ang balak mong gawin?”
“sir nangako po ako sa kanya na hindi ipagsasabi sa iba ang nalalaman ko..wala po akong balak na masama sa isang dalagang mayroong malinis na layunin sa pagpasok sa paaralang ito..kung mayroon man po akong gustong gawin yun ay ..protektahan at panindigan ang aking pangako sa kanya”
JANE'S POV
sniff..sniff :'( nasabi ko ata lahat sa kanya ...
'pangakong itatago ko'
sana nga Philip matupad mo ang iyong pangako...at huwag sana mapako..pero kanina nung hindi ko na mapigilan ang luha ko..niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko..doon ko naramdaman at nalaman kahit isnabero siya may busilak din pala siyang puso..
“Oh Dexter” si Henry biglang sumulpot “umiiyak ka ba?”
ano ba ang pwede kong maisagot blangko ang isip ko..
hmmm.. -_-
“ikaw kaya magka-ulcer Henry hindi ka ba iiyak sa sobrang sakit?” isang boses ang narinig ko...
si...
Philip :)
ahehehe lumingon ako sa kanya ngumiti siya... ^___^
“Dexter oh..pagkain”sabi ni Luis inabot niya sa akin ang pagkain...eto namang si Erik binigyan ako ng madaming biscuits...ang bait talaga ng mga taong ito.. napakaswerte ko naman at nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila na nag-aalala at nag-aalaga sa akin...nagpauto din sila sa kasinungalingan nitong si Philip..
“Dexter kain ka na ...sayang ang buhay” ginulo ni Philip ang buhok ko..
“tama si Philip..Dexter...oh heto oreo...binili namin ito ni Erik para sa iyo” singit naman nitong si Henry
nakita ko nanaman si Philip nagbabasa ng libro pero hindi na nakasimangot ang mukha...at nakita ko si Luis nagtetext nanaman sa bago niyang girlfriend.. at eto nanaman ako kasama ko sina Henry at Erik tawa lang ng tawa...
------------
Team JaLip (Jane and Philip)!!! si Mr. Sungit bumabait...madami pang kaabangan sa Team JaLip,Team JaNry,and Team JaRik... vote vote vote nah!!
BINABASA MO ANG
H.E.L.P. (Henry. Erik. Luis. Philip)
Teen FictionWhat will be your reaction if you will enter in an all boys school? you are the only girl but in disguise.. what would you feel when more than two guys are fighting for your love? what will you do if all of them fell for you? who will you choose? a...