Chapter 29: Part ways

82 4 0
  • Dedicated kay Alexis Marie Corcuera
                                    

JANE'S POV

 

1 week later...

babalik na ako sa Manila. Nasa Airport na ako kasama si Henry.Inihatid kami nila Mama,papa,Kuya Alex, Cassey,Luis,Chloe and Erik. Parang kailan lang yung naghatid sa akin dito kasama nila si Philip.

Habang nasa airplane kami,mabuti nalang at sa may window ako malapit. Nakakita ko sa ibaba ang dagat. Dagat na kinatatakutan ko pero winala niya ang takot na iyon sa puso ko.

Tahimik ang biyahe namin.Nasa Manila na kami. Lugar na malayo sa kanya..At kung malayo siya madali siyang makalimutan.

“Jane..okay ka lang?” ginulo ni Henry ang buhok.

“okay lang ako” sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Magiging okay lang din ako.. darating rin ang araw na iyan.

Araw-araw kong kasama si Henry kahit papaano nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.Parati niya akong inaalagaan at pinapatawa pero para may kulang sa nararamdaman ko.

Niyaya niya ako na manuod kami ng sine pagkatapos ng exam ko. Kaya pinagbutihan ko ng bonggang-bongga!!..1month na rin ang nakalipas simula nung traumatic New year ko.

Pumunta kami sa sinehan ang daming magandang panoorin.

Harry Potter and the Deathly Hollows 2..

Harry Potter..ito yung gusto naming mapanuod ni Philip.Pangako namin sa isa't isa kapag showing na ang book 7 part 2 sabay at magksama naming papanoorin habang kumakain ng Mars chocolate..Yung kinain ni Harry Potter nung book 1..

Philip...Nanonood ka rin kaya ngayon?

“Jane..Jane”

“uhhmm ha?may sinabi ka ba Henry?”bakit ko nanaman iniisip si Philip..tsss.(-_-)

“Okay lang ba sa iyo na Sherlock Holmes papanoorin natin?”tanong niya

“pwede Harry Potter?”

“uhhmm boring kasi yan...at hindi ako mahilig sa magic”

“ahhh okay” I gave a fake smile.Treat niya eh.

papanoorin kong mag-isa ang Harry Potter sa susunod kapag hindi na niya treat. Ouch yun ha!..Hindi kaya boring ang Harry Potter..Kung ayaw mo ng magic ehdi wag...hmph!

Pagkatapos ng panonood namin sa sine pumunta kami sa Mcdo para bumili ng coke float. Gustong-gusto ko talagang bumili ng coke float kasi paborito ko eh..

Ang saya naman kaso lang parang may kulang eh..Kulang kasi hindi ko pa napapanood ang Harry Potter...

PHILIP'S POV

1 month na ang nakalipas...

“Philip.., ikaw ang isasabak namin sa swimming competition sa Manila bukas..Is that okay with you?”

“sir..yes..sir”

okay na ako ngayon kung inyong makikita physically, pero ang puso ko durog na durog pa rin. Ako ang isasabak ng Military Academy sa swimming competition pero bagsak namn ako sa taekwondo class ko ngayon.Huwag niyo na tanungin kung bakit. Araw-araw akong pinupuntahan nung bruhang may kagagawan ng lahat.

H.E.L.P. (Henry. Erik. Luis. Philip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon