Chapter 1

4.9K 35 5
                                    

Shelley Yzabell Reyes

“What the hell is this? I've given you two weeks to make this report and yet you're handing me a trashy work? Are you really testing my patience on you, MJ?” iritadong sabi ko sa secretary ko sabay bagsak ng folder sa harapan niya. Sino ba naman kasi matutuwa na magbasa ng analysis na gawa niya? Even gradeschool students can do a better work than her!

“S--sorry po, Miss S. A--ayusin ko na lang po ulit 'to. Sorry po ulit.” nanginginig niyang sagot at kinuha 'yung binagsak ko na folder.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kulang na lang maihi siya sa takot dahil sa tingin ko sa kanya. Well, she should be. People think I'm evil so might as well live up to what they think of me. Let them hate so long as they fear me. After all, that's what I learned from being a Reyes.

“I don't need your sorry, MJ. I want you to be efficient in your work. Hindi ako payayamanin ng sorry mo.” I frankly told her. Inikot ko sa may kabilang side ang swivel chair ko at itinuloy ko ang pagta-type sa laptop ko.

“S-sorry po ulit.”

"Say that again and you're fired."

Busy ako sa pagta-type nang biglang may pumasok sa office ko. 'Yung dalawa sa mga bestfriend ko pala 'yung pumasok. Si Chelsea at Kathrina.

“Easy girl! Kawawa naman yung secretary mo.” sabi ni Chelsea habang nakataas yung dalawang kamay niya sa ere.

“Oo nga sis! Kalma din pag may time!” dagdag pa ni Kath.

Inirapan ko lang sila.

“What are you doing here?" walang emosyong tanong ko sa kanila.

“Ay, bakit? Bawal na ba bisitahin yung menopausal princess namin na bestfriend?” hinila ni Kath yung isang chair sa tapat ng table ko at umupo dun.

“Uy Kath! Bet ko yang term mo na yan!” sabat ni Chelsea at nakipag-apir pa kay Kath. Napailing na lang ako. Mga loka talaga.

“We’re here kasi aayain ka namin sana lumabas. Di mo naman kasi sinasagot yung mga tawag, text, chat, viber, tweet at snail mail namin.” Kath explained.

“Akala nga namin deads ka na eh! Uso naman kasi paramdam kahit minsan lang.”

Napatigil ako sa ginagawa ko at kinuha ko yung phone ko sa bag. Tiningnan ko yung twitter ko at tama nga sila, almost sila na nga ang naka-invade sa mentions ko. Pati sa facebook at viber. Almost two months na din pala ako di naging active sa mga social-networking sites. Meron pa pala ako nun.

“Sorry guys pero may k—hey! What are you doing?!” nagulat ako ng bigla nilang shinut down yung laptop at tinago sa may drawer yung mga ginagawa ko na papers. Buti sana kung sinave, eh kaso hindi!

“Ayan! You’re free to go! Tara!” hinila ako ni Kath mula sa pagkakaupo.

“No more buts and excuses! Let’s go! Nag-aabang  na yung ibang fg’s!” sinukbit naman saken ni Chelsea yung bag ko.

Lumabas kami ng office na ang position ay pinapagitnaan ako nung dalawa. Yung tipong akala mo may kasama silang criminal na hindi pwede tumakas.

“Hop in!” binuksan ni Chelsea ang pintuan ng backseat “Oh aarte pa?”at tinaasan niya pa ako ng kilay.

As usual laging puro kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa ang ginagawa namin habang bumibyahe. Actually, sa mga kaibigan ko lang naipapakita ko yung tunay na ako. Yung Shelley, na hindi automatic na tumataas yung kaliwang kilay at laging naka-cross arms pag nasa trabaho.

“We really missed you She, kaya pagpasensyahan mo na yung ginawa namin kanina.” Kathrina

“Oo nga friend! After kasi nung nagpunta ka ng ibang bansa for business trip, di ka na nagparamdam samin.” Chelsea

100 Days with Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon