Commercial Break :D

1.8K 18 0
                                    

 

-Kevin Ferrer’s POV-

Pagkatapos ng practice namin, nilapitan ko agad si Teng. Hinampas ko siya ng towel.. de joke lang! Kinalabit ko lang at nagtataka naman siyang tumingin sa akin “Cap”

“Oh Kev?”

 

“Pwede favor?”

 

“What is it?”

Okay Kev, hingang malalim.. inhale.. exhale.. inhale.. exhale.. inhale.. inhale.. inhale.. inhale..

“Pwedeng malaman kung ano yung company address nila siomai este ni Shelley?” nahihiya ko pang sabi sa kanya sabay kamot ng ulo.

Oh! Teka lang guys baka akalain niyo bet kong agawin si Shelley kay Teng dahil lang sa tanong kong yun, hindi no! May gagawin lang ako at alam kong matutulungan niya ko dito.

Tiningnan muna ako ng nakakaloko ni Teng “Sigurado ka?”

“Itong mukhang ‘to mukha bang nagbibiro cap?” tinuro ko pa sa kanya yung nuknukan ng gwapo kong pagmumukha. Tumango-tango lang siya. So that means mukha akong nagjo-joke?

“Ano bang balak mo at kailangan mo pa siyang puntahan sa office niya?”

 

“Private cap. Bawal sabihin..” jinojoketime ko lang si Teng pero biglang sumama ang hangin “chill, sasabihin ko din sayo..” at kinuwento ko na din sa kanya yung plano ko at sa wakas binigay niya din yung calling card ni siomai. Tawagan ko daw muna si Shelley bago ako pumunta dun para hindi naman daw siya masurprise sa pagsulpot ko.

“Thanks cap, da best ka talaga!” *fistbump*

 

“No prob! Good mood si malds this week kaya for sure di ka niya susungitan” natatawa pa niyang sagot.

“Sana nga.. osha gotta go!” nagpaalam na ko kay Teng at sa iba pang nandoon pati kela kuyang guard ng QPav! ^____^

.. exhale

*****

The next day..

Pormang-porma akong umalis ng bahay. Parang mamamasko lang ang peg kasi lahat ng suot ko bago! Haha well except sa wristwatch na suot ko na bigay ni girlfriend! :”> Back to the story, binilin din kasi ni Teng sa akin yung about sa attire. Smart casual. Tss as if naman na nakalimutan ko yun, sinong sintu-sinto ba naman magpapapasok ng naka-shorts at tsinelas sa loob ng isang private company di ba?

Pagkadating ko sa may lobby, katakut-takot na kapkapan ang naganap! Jusko! Bata pa po ako, virgin pa ko.. madami pa akong pangarap sa buhay! Si kuya manong guard kasi grabe kung makakapkap, kulang na lang paghubarin ako sa may entrance!

100 Days with Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon