Chapter 37

1.8K 22 6
                                    

Chapter 37

-Shelley’s POV-

Day 98. Monday.

It’s already past 1 in the morning and here I am alone in my condo WORKING. But the thing is hindi ako matapos tapos sa ginagawa ko dahil ang daming gumugulo sa akin. Kung kelan patapos na yung deal namin, saka ako nag-iisip ng ganito. Hindi ba dapat masaya ako kasi matatapos na? pero bakit ganun, hindi ko maiwasang malungkot.

Ang daming gumugulo sa akin, yung magiging reaction ng family niya kapag nalaman yung ginawa naming panloloko at higit sa lahat, sa nararamdaman ko para kay Jeric. Yes, after that kiss… nasigurado kong nagkakagusto na ako sa kanya.

I know it sounds surreal because most of the time, lagi kong sinasabi hindi ko siya magugustuhan. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Hindi pa naman malalim yung nararamdaman ko sa kanya. Yun na nga yung gumugulo sa isip ko.

WHAT IF I FALL DEEPLY IN LOVE WITH HIM?

Hays! Dapat talaga inisip ko muna yung mga possibilities eh. Tsk. I’m too busy thinking of the WHAT IF’s that I forgot to think about the WHY NOT’s. Bakit ba kasi hindi ko naisip na PWEDE at HINDI imposibleng magustuhan ko siya? Eh kasi naman. AKO? MAIINLOVE sa kagaya niya na walang ibang ginawa kung hindi inisin at bwisitin ako?

“The more you hate, the more you love kase..” and there goes the inner voice inside my head.

NABABALIW NA AKO!!!!!!!!!

Siguro kaya ko lang nasasabi to kasi palagi ko siyang nakakasama at nalilibang niya ko pag nababagot ako. TAMA! GANUN NGA SIGURO! HINDI DAPAT AKO MAINLOVE SA KANYA. Di bale, ilang araw na lang naman at matatapos na rin ito at pagkatapos nun, BACK TO NORMAL na lahat. Sya sa basketball, ako naman sa pagma-masteral at sa trabaho. Tama… wala lang to. Spun of the moment lang siguro.

About sa kiss nga pala? Ok, medyo nagulat ako pero syempre nabawi ko kaagad dahil nauna yung kilig ko kaya di na ko nakapagreact. Malay ko bang itutuloy niya talaga yung paghalik sakin!? Akala ko kasi jinijoketime niya na naman ako pero not that time.

First kiss? No. Baka kasi isipin niyo wala pang nakakahalik sa akin. Meron na po. But I have to admit, that was the first kiss that made my knees weak that I almost lost my balance. What I mean is.., FIRST KISS NA NAGUSTUHAN KO.

Sinabi ko din sa mga friends ko kung paano kami nagkabati ni Jeric at syempre yung sa err—yung kiss.. at ang reaction nila?

“KISS LANG?” Gladys

“YUN LANG?” Kathrina

“OMFG! ANG HINA NAMAN NI TENG” Bea

“TSS. WEAK”Regine

“WALA MAN LANG LIKOT NG KAMAY NA NAGANAP?!” Margaux

100 Days with Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon