Special Chapter!

1.2K 17 3
                                    

Special Chapter 4

Chelley’s Note: Namiss ko lang yung mala Tom & Jerry na scene ni kumag at malds so… yeah. Flashback po ito, ok? Enjoy reading! :D

-Shelley’s POV-

Alas syete na nang gabi, pinapunta ko si kumag dito sa condo. Tinext ko sya kanina, ‘Sweetie, punta ka naman dito sa condo’ pero syempre joke lang yun. The thought of calling him such petnames, makes me want to puke! Wala nga akong ka- amor amor sa lalaking yun eh.

May pag-uusapan daw kasi kaming dalawa kaya tinanong nya kung kelan ako available. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung tama ba yung desisyon ko na pumayag sa gusto nya. Like me? Will pretend to be his girlfriend for 100 days? Can you believe that? I must be really out of my senses when I made that decision. Tss

*tok tok tok*

“Come in”

Bahagyang pumasok sa kwarto ko si Ate Fe, yung tagalinis ko dito.

“Señorita, si Sir Jeric po nasa labas.” sabi nya.

“Okay.” mabilis kong sagot sa kanya at bumangon na ako sa kama. Saglit akong nag-ayos at lumabas na din ako.

Naabutan ko syang nagiikot-ikot sa may salas, pinagmamasdan ang kabuuan ng unit ko. Para namang ngayon lang sya nakapasok dito eh mas madalas pa nga syang pumunta dito kesa kay Anjo kulang na nga lang bigyan ko sya ng spare key.. nakakahiya naman sa kanya dahil abala pa yung pagdo-doorbell nya. Tigas lang ng mukha nya di ba? Tss

“Oh. Andyan ka na pala. Hi babes!” nakangiting bati nya sa akin. Inirapan ko lang sya at umupo ako dun sa couch. “Irap ka ng irap dyan sige ka pag nahipan ka ng hangin baka tumirik na forever ‘yang mata mo” biro pa nya pero dinedma ko lang. Corny nya.

“So ano na? Ano na ba pag-uusapan natin?” walang gana kong sabi sa kanya.

“Di mo muna ba ako aalukin umupo?” tanong pa nya

“Hindi.”

“Ang bad mo talaga.” at naupo na rin sya sa tabi ko pero may pagitan pa rin. Susme uupo naman pala kailangan pa aalukin sya? Arte.

“Thank you.”

Pagkaupo nya, kinuha nya yung phone nya from his pocket at may kinalikot sya dun. Afterwards, inabot nya ito sa akin.

“Anong gagawin ko dyan sa Note 2 mo?” mataray kong tanong sa kanya

“Nandyan yung conditions. Tinatamad akong isa-isahin sayo so.. there. Basahin mo na lang”

I raised my eyebrow upon hearing that “Conditions? What for?”

“Just read it, ok? Save your violent reactions later after you read that”

At may mga condi-conditions pa talaga syang nalalaman ah? Dami talagang arte. Beki siguro ‘to.

Kinuha ko na yung phone nya at binasa ko yung nakasulat dun sa may notes.

“J&S terms and conditions, J&S?” tanong ko sa kanya.

“Jeric and Shelley. Ginawa ko kanina yan sa bahay bago ako pumunta. Syempre ready ako no. Tinamad lang ako itype sa MS Word kaya sa dyan na lang sa may notes.” paliwanag nya

“Tinamad ka na nga lang, sana di ka na gumawa. Ang dami mong alam eh” sabi ko

“Ganun talaga pag gwapo.” dahilan pa nya sabay ngiting nakakaloko.

100 Days with Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon