CHAPTER 1: Panimula

27 1 0
                                    

KINANG


KATHLYN ZANE POV (young kathlyn)


Kaarawan ng aking lolo, kaya masaya kaming nagdriwang ngayon . Narito ang mga cousin at mga pamangkin ni Lolo at Lola. Ika 60th birthday ni lolo kaya ang laki ng celebration namin.

Nakatitig lamang ako sa mga kasing edad ko na pinunasan ng pawis ng mama nila , at ang iba ay sinubuan pa ng pagkain. Mabuti pa sila masaya ,mayroon mama at papa , masaya sila . Ako kaya, kailan ko pa makilala ang papa ko? meron kaya akong papa na nagmamahal sa akin?.

" Hi baby kathlyn." tiningnan ko ang babaeng tumawag sa aking pangalan . Bakit niya ako kilala?.

"Po?"

"My name is tita megan your mom's cousin, how are you?" grabe ang ganda naman niya at ang humble pa.

" Okay naman po ako." tipid kong sagot sa kanya nahihiya kasi ako.

" Ilang taon kana pala? Ohh you can call me ate."

" I'm 8 years old po, talaga po? Pwede kitang maging ate? wala po kasi akong ate eh, mga nakakabatang kapatid lang po meron ako, ako kasi ang panganay." Ngumiti sya sa akin at hiwakan ang aking mukha.

" Ang cute mo, ako rin gusto ko magkaroon ng little sister na tulad mo, kaso hindi na pwedeng mag kaanak si mommy, kaya ito solo child ako."

"Ang swerte mo naman po siguro magagawa mo ang kahit anong gusto mo, dahil ikaw lang isa ang anak."

" Yan din ang sabi ng iba , pero hindi may limitations din ako, at hindi ako kailangang lumagpas doon, Unica iha man ako but I'm not spoiled like they think . Maayos lang ang mga magulang ko at makapag-aral ako ng mabuti ayos na sa akin. Pero minsan iniisip ko ano kayang feeling na may siblings nong may karamay ka sa lahat, masasabihan ng secrets may makikinig , ang lungkot kasi ng buhay kapag only child."

Kawawa naman pala siya , complete family nga sya pero, wala naman syang mga kapatid.

"Pwede ba akong maging kapatid mo na lang, pwede ba 'yon, ate Megan?" Masayang sinabi ko sa kanya na ikinatango-tango naman niya.

"Of course, how I wish to have a little sister like you. Sayang, uuwi na din kami ng Cebu bukas. Pero don't worry, magkikita pa rin naman tayo soon. Just be a good girl, okay?"

Nakakalungkot naman, matagal pa bago kami magkikita , pero okay lang ang mahalaga nagkakilala kami .

" Kailan ka po babalik dito?"

" Hindi ko alam, baka pagkita natin ulit, big girl kana at hindi muna ako makilala."

" Hindi po yan mangyayari, hindi po kita makakalimutan ate megan, diba nga big sister kita."

" Oo na , sige na , makipag laro kana doon , para makilala mo ang mga ibang relatives mo". Tumango lang ako sa kanya at pumunta sa mga batang naglalaro.

" Hello my name is kathlyn, pwede ba akong maki join sa paglalaro ninyo?"

" Hi my name is angela 8 year's old , ito naman si Bobby, si Gretchen at si jerald" pagpakilala nya sa kaniyang mga kasama ,tumango -tango ako at nag hi sa kanila.

"Gusto mo sumali, bata? Mayroon kaming patakaran, ang sino ang sumali, siya ang taya." Tumango lang ako kay Bobby, nagsimula na silang tumakbo at agad ko rin silang hinabol.

" Nakakapagod kayo! hininingal na ako sa kakahabol sa kanila."

" Ano suko kana ba? mahina ka pala eh."

BITUIN NG PAG-ASA Where stories live. Discover now