CHAPTER 7: CHANGE INTO LOVER

5 0 0
                                    

Pinuntahan ako ni theo after nang nangyari, buti at ako lang mag-isa dito sa bahay dahil nasa tindahan si nanay.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis kana! Please lang theo." Deretsahang saad ko dito, gustong-gusto ko syang yakapin, pero mas nangingibabaw ngayon ang pride ko, ayaw ko muna syang makita.

"Hindi mo man lang ako papasukin? ang sama mo naman sa akin."

"Huwag na! umalis ka na nga! huwag ka nang makulit bat ba kasi sinundan mo pa ako dito!" Isasara ko na sana ang pinto, ng mabilis nya itong napigilan at sya mismo ang pumasok sa loob ng bahay at sinarado pa ito.

Ang sarap talagang batukan ng kumag na ito minsan.

"Ang Sabi ko umalis ka na! hindi ko sinabing pumasok ka!" Sigaw ko dito, tiningnan lang ako nito na nakataas pa ang isang kilay. Abah! mukha ba akong nakipagbiruan.

Tumitingin ito sa mga pictures sa ding-ding, mukhang ngayon lang nakapunta dito, eh madalas namang narito.

"Theo! Umalis ka na! Pwede ba! baka makita ka pa ng mga pamangkin ni nanay at anong isipin.

Naka cross arm itong humarap sa akin na naka sandal sa ding-ding.

"Ede, isipin nila kung anong gustong isipin, as if I care naman." Pumunta pa ito sa kusina at tumingin dito.

"Wow ka talaga Mr. Rynx theo Gauthier Villarin!" Saad ko sa buo nyang pangalan at pumalakpak na sumunod sa kanya.

Hindi ako pinansin ng kumag at kumuha ng Plato at kutsara, kakain pa talaga sya dito?

"Feel at home ahh." Ayun tumingin ang blue eyes nyang mga mata sa akin bakit ba kasi ang gwapong-gwapo ng nilalang na ito, gusto ko sanang pag-pantasyahan na to the maks pero galit parin ako sa kanya, Hindi ko nakalimutan pinagagawa nya.

"Ang ingay mo, tumahimik ka nga para kang sira, ang dal-dal mo kahit kailan. Kahit ngayon man lang tumahimik ka!" Napahiya ako doon ah.

Umupo nalang ako sa kaharap na upuan sa mesa at pinanood syang sumubo. Naks naman.

"Stop staring at me, baka lalo ka-lang ma in love nyan." Ayun gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa kumalabog kong dib-dib dahil sa lalaking kumag na ito.

"Tskk. As if, ikaw kaya itong nag confess sa akin na biglaan." Binitawan nya ang kutsara at seryosong tumingin sa akin.

"Anong gusto mo bagalan? ganon? Okay take two" pilosopo talaga.

"Kumain ka nga lang at umalis ka na!"

"Bahay mo? well, Yeah that's it, hindi ko naman sinabing saluhin mo ako, I just want you to know and I'm sorry if nabigla Kita, as if naman na hindi ko knows na crush mo ako?" Pati ba naman iyon? alam nya? Oo nga naman sa inaakto ko kanina talagang halatang-halata, Sino na naman kasing hindi mabibigla, kapag sinabing gusto kita?. Hindi man lang marunong e-timing.

Walang ka roman-romantiko.

"Bat mo ba kasi ako nagustuhan? baka nabigla ka lang." Tipid kong saad, at kumuha ng tubig para sa kanya.

"Oo nga no? baka nabigla lang ako? at ako pa ang nag plano nang blind date kita, at pinuntahan pa talaga kita dito talaga namang nabigla lang talaga ako." Napatingin ako sa kanyang sinabi, at naka smirk pa itong kumag sa akin.

"Ano? Ikaw may pakana non? akala ko-"

"Yeah ako, ako lang ang gwapo mong best friend, hmmp to formal right? I will change into lover naba? do sounds good?" Napa iling-iling na lamang ako sa kanyang sinasabi, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa kanya.

"Ang presko mo, paano si jerah? baka naman ginawa mo lang ito para pag selosin sya? kaya sinasabi ko sa'yo Rynx tigilan mo na! Okay! huwag mo akong idamay sa pagka adik mo huwag ako! naghanap ka nalang ng iba mag date ka yung papatulan ka!" Saad ko pa dito at ang loko tinawanan lang ako.

BITUIN NG PAG-ASA Where stories live. Discover now