CHAPTER 2: PAGTUKLAS

15 1 0
                                    

    


   THIRD PERSON POINT OF VIEW

Malapit ng makapagtapos ng elementary si kathlyn, matalino siyang bata at lahat ginagawa nya para lamang magpursige para makabawi sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya.

"Oh? Kathlyn hindi kapa ba uuwi? Isasara ko na ang room?" Tanong ng kanyang guro.

"Pasensya na po ma'am aalis na po ako." ala-ala namang bumaling ng tingin ang kanyang guro sa kanya, at hinawakan pa ang kanyang dalawang kamay.

"Po?"

"Hindi ka ganyan kath, kanina pa kitang napapansin na tulala ka, may problema kaba? pwede mo namang sabihin sa akin huwag kang mahiya iha, pwede mo akong maging kaibigan at maaasahan mo ako."

" Ahh po? wala po ito huwag nyo po akong alalahanin ayos lang po talaga ako ma'am, pasensya na po at naabala ko pa po kayo, aalis na din po ako."

    Tumango lang ang kanyang guro sa kanyang sinabi, at siya naman pilit pinapakalma ang sarili sa mga iniisip.

"Okay, basta kapag may problema ka huwag mo yang masyadong dibdibin okay? Atsaka dapat magpa happy ka huwag masyadong malungkot, dahil malapit na ang moving-up ninyo, next week na." Agad naman itong napa iling-ilingna sa sinabi ng kanyang guro.

"Amm wala naman po akong problema ma'am." Ngumiti ang kanyang guro at tinapik-tapik pa nito ang kanyang balikat.

"Sa ilang taon kong nagtuturo mababasa ko ang iniisip at inaakto ng aking studyante, kung masaya ba sila?, malungkot?, o may pinag-dadaanan?,  kaya hindi mo kailangang magkaila sa akin.  Alam mo kasi kathlyn sa buhay normal lang yan kasi hindi naman puro kasiyahan lang ang ating mararanasan, kakambal ng buhay ang maraming pagsubok ang mahalaga patuloy tayong lumalaban kaya huwag ka nang malungkot, alam Kong hindi ka lang matalino, matatag ka pa, kaya!  kaya mo yan ikaw paba? ang brave mo ehh, apir nga!".

Pampalubag loob pa ng kanyang guro sa kanya .

" Apirrrr!!!"

"Ohh ayan dapat happy kalang! huwag kanang malungkot okay?"

"Thank you po ma'am sa pagpayo ninyo sa akin ng ganyan."

" Walang anuman kath, basta't lagi mo lang tatandaan ang mga sinabi ko sa'yo ha, maybe life is full of mysterious things, but turn that mysterious into a miracle one."

Ngumiti lamang itong muli nagpaalam na at umalis.

  Nang makauwi sya sa kanilang bahay gusto nyang ibalita sa Lolo nya na next week na ang graduation nya, dahil nag promise pa naman itong ibili sya ng cake. Kaya dali-dali syang naglakad. Pero ng malapit na sya sa kanilang bahay agad syang napatigil dahil sa mga katagang narinig.

"Alam mo? wala ka talagang kwenta! Kahit kailan mag sama kayo ng pangit mong kabit!" rinig nyang sumbat ng kanyang ina.

"Pangit? wow kaya ka pala pinagsawaan? at sa akin nagparaos?! dahil lantang lanta kana Liza!"

Agad napatakip sa bibig si kathlyn sa kanyang mga narinig at nakita . Ang kanyang mama , si Jovan, at si Jannette.

Hawak ni liza ang mga gamit ni Jovan at walang pandintabi itong itinapon sa harapan nina Jovan at Jannette.

"Nagparaos! kasi parausan kalang naman talaga! ang hilig hilig mong kumain ng panis na! Sabagay dumadaloy sa buo mong pagkatao ang kati ng lahi mo!"

"Walanghiya ka! Ikaw ang makati! hindi nga ba? iba-iba ng tatay ang mga anak mo? at sumasalamin yan sa kung sino ka!"  Hindi nakapagpigil si Liza at muling sinugod si Jannette at sinabunutan.

BITUIN NG PAG-ASA Where stories live. Discover now