CHAPTER 6 : BLIND DATE

2 0 0
                                    

Pumasok ako sa school na walang kain, masama talagang pakiramdam ko ngayon dahil siguro sa kaiiyak ko kagabi. kaya ayon naging kawawang nilalang tuloy.

Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin? Ganon ba talaga ang pagkakilala nila, hindi ko naman magagawa ang bagay na iniisip niya kahit kailan hindi. Gusto ko namang matupad ang mga pangarap ko at makatulong sa kanila at makabawi sa lahat ng sakrapisyong ibinigay nila sa akin.

Pagkarating ko sa room nakita ko si ate ariana na nagwawalis ang aga-aga nya. Pumanta ako sa pwesto kung saan ako naka upo, tinatamad ako, feeling ko talaga nawalan ako ng lakas ngayon nawalan ako ng ganang kumilos, ang gusto ko na lang ay matulog buong araw. At sumigaw sa kawalan.

"Kath? Ikaw ba-yan? himala at maaga ka ngayon? nasapian kana ba? at maaga kana ngayon-oh baka may nakain kalang? Ohh baka naman naging heart to heart na kayo ni theo." Dali-dali nyang bungad pero wala akong ganang sumagot, dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi.

Wala Kang silbi.

Salita na paulit-ulit sumasagi sa aking isipin, siguro wala talaga akong ka kwenta-kwenta kaya ayaw ng mama ko sa akin, dahil wala naman akong pakinabang sa kahit sino at sa kahit kailan.

Sino banaman ako diba? I'm just nothing.
Buti pa ang lolo ko may tiwala sa akin at pinapahalagahan ako. Bakit ba kasi ang da-ya? Kung sino pa ang taong nakakaintindi at ramdam mo ang pagmamahal sila pa itong unang magpa-paalam at maiwana ka sa ere na puno ng katanungan sa buhay.

"Huyy anong nangyari-sayo? Kath! naman I'm listen sabihin mo lang." Nasa harapan ko na pala si ate ariana ang layu nang Iniisip ko at hindi ko rin namalayan na kanina pa pala nagsipatakan ang mga luha ko.

"Ang drama ko naba?"

"Ohh lovely dear,"

"Sa palagay mo ate wala ba akong silbi?" Nag-iiba na boses ko dahil sa kaka-iyak parang hindi na ako makahinga dahil ang sakit talaga sa dib-dib.

Kumuha sya ng upuan at humarap itong tumingin sa akin, at hinawakan ang aking kamay.

"Shh your like diamond to me, may silbi ka at hindi basta tao lang."

"Your li-ar! mali ka, dahil kahit kailan wala talaga akong silbi, wala akong ka kwenta-kwenta sana nga lang namatay nalang ako-"

"Don't ever say that! Not ever again, okay? Lahat ng tao ay may silbi, Kath. You know, in the book of life, we are not always on the same page. Hindi laging tayo ay masaya, dahil ang pangit ng buhay kung puro lang kasiyahan at walang challenge. Paano tayo mag-grow kung hindi tayo susubok? Paano tayo magiging matatag kung hindi tayo nasasaktan? Paano tayo aangat kung hindi tayo naging mahina? Paano tayo mananalo kung hindi tayo lalaban? See, life is always like that. Kung palagi kang magpapakalunod sa emosyon mo, walang mangyayari."

Parang galit na galit talaga siya sa sinabi ko, pero nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Tama siya, pero paano ko ito malalampasan kung umpisa pa lang wala nang pag-asa? Iba ang breakdown na ito para sa akin dahil paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang lahat ng sakit at maraming katanungan sa utak ko.

"I don't know what to do, Ate. I feel like I have no one beside me."

Pinahidan nya ang luhang tumutulo sa mata ko at tipid na ngumiti sa akin.

"Many people love you, including us, your friends. And as for theo, I know your nanay erna must have her reasons for saying what she did to you." Kahit hindi ko sabihin alam na alam na talaga nya dahil ito naman palagi ang subject kapag makita nyang malungkot ako.

"But you have to believe in yourself. Huwag mong pansinin ang sasabihin ng ibang tao. Kung nasa tamang landas ka lang at wala kang masamang ginagawa, dahil you build your future para umasenso ka at makatulong sa mga mahal mo sa buhay kahit ano pa ang sabihin nila sayo. Hindi para magpa-impress sa ibang tao. Sa tingin mo ba kung tatapusin mo ang buhay mo, may magandang kahahantungan?" Umiling-umiling lang ako at nakayuko.

BITUIN NG PAG-ASA Where stories live. Discover now